•1•

11.6K 176 20
                                    

MARIA

"Maria! Maria, let me explain!"

"Explain what, Karl? Kitang-kita kita! Kitang-kita ko kayong dalawa! Kailan pa ha? Kailan niyo pa akong ginagago? Kailan niyo pa ako tinitira patalikod!"

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Akala ko siya na, e.

Pero, langhiya!

Akala ko wala akong poproblemahin kapag kasama niya lagi si Gia, we're bestfriends. Kaming tatlo.

Sa likod pala ng maamo niyang mukha, nandoon nagtatago ang totoong siya. 

"I'm sorry... I'm sorry, Maria..."

Umiling ako sa kanya at saka humakbang paatras sa kanya.

"Sorry? Maibabalik ba iyang sorry mo ang mga luha ko, ha? Mawawala ba niyang sorry mo, itong sakit na nararamdaman ko ngayon? Maibabalik ba, Karl?"

Hindi ko alam kung luha ko pa ba iyong dumadaloy sa mukha ko o ang tubig ulan na bumubuhos ngayon kasabay ng aking pighati.

Hindi siya umimik sa akin. Tinignan lamang ako.

Nang wala akong makuhang sagot sa kanya, iyon na ang hudyat para sumuko na talaga ako.

Kasabay na lalong paglakas ng ulan ay siyang pagpara ko sa paparating ng taxi.

Nang araw na iyon, never ko na ulit silang nakita.

"Maria! Huy, nagdi-daydream ka ulit d'yan."

Napaangat ako ng tingin ng makita si Nicole ng mawala si Klare, siya ang naging close ko rito sa company ng mga Carson.

Ang huling balita ko roon sa isa ay buntis nga raw kay Case. Paanong nangyari iyon, hindi niya man lang sinabi sa akin ang tungkol doon, na may nangyari na pala sa kanila.

Iyong talaga si Klare malihim.

"Wala. May naalala lang ako." Ani ko rito at inisa-isa ulit itong mga paperwork ko.

"Wala raw," umupo ito sa tabi ko, "kilala na kita, Maria. Ang dali mo kayang basahin. Napaka-transparent mo kasing tao."

"Bumalik ka na roon, Nicole, wala pang lunch break, oh?" Sabay turo roon sa may orasan na nakasabit sa may taas ng pinto.

"Wala na akong ginagawa. Tapos ko na lahat paperworks ko. Tell me, Maria?" Sabay taas-baba ng kanyang kilay.

Napailing na lang ako sa kanya, "about kay Mr. Calum."

Sumingkit ang kanyang mga mata, "akala ko ba naka-move on ka na roon? Saka, hindi si Mr. Calum ang pinoproblema mo, Maria. Kilala kita."

Pinang-ikutan ko na lang siya ng mga mata ko, "paano mo naman nasabing hindi si Mr. Calum ang iniisip ko kanina?"

"Oh, diba! Hindi nga si Mr. Calum, sa mismong bibig mo na nanggaling! Alam mo kung bakit nasabi kong hindi siya iniisip mo?"

Tumingin ako sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"... madilim ang awra mo kanina, Maria. Para kang papatay ng makita kitang tulala. Kaya paniguradong hindi si Mr. Calum iyong iniisip mo."

Hindi ko na lang siya pinansin.

"Wala ka naman ginagawa diba? Iniistorbo mo nga ako rito, tulungan mo na lang ako para matapos na rin ako, Nicole."

Wala naman siyang nagawa kaya binigay ko ang kalahati ng paperworks ko rito.

Hindi ko alam ba't biglang pumasok sila sa isipan ko kanina. Almost one year na rin ang nakakaraan ng mangyari iyon.

Sa one year na iyon, hindi naging madali para sa akin ang mag-move on. Si Gia iyong kaibigang madaling lapitan kapag may problema ka. Si Gia iyong palaging nilalapitan ko kapag nagkakaroon kami ng problema ni Karl. Siya iyong nagpapatahan sa akin at nagbibigay advice kapag nagkakaroon kami ng konting tampuhan ni Karl.

Pero, siya rin pala ang sisira sa relasyon namin. Sa relasyon naming tatlo.

Walang araw na hindi ako umiiyak to the point na sukong-suko na ako sa buhay ko.

Walang araw na tinatanong ko sa diyos bakit ako pa? Bakit hindi iyong mga taong may higit sa isa ang relasyon. Bakit relasyon ko pa iyong kailangang masira?

Ang dami kong tanong na ni-isa wala akong nakuhang sagot.

Isang taon na, bakit bumabalik na naman ang lahat ng iyon. Maayos na ako. Maayos na iyong pagkatao ko. Maayos na maayos na ako saka naman ako guguluhin ng isipan kong 'to.

"Uy, Maria? Hindi ka pa ba tatayo d'yan? Lunch break na!" Kalabit sa akin ni Nicole at nag-unat-unat.

"Tapos na ako sa ginagawa ko ha? Tinulungan na kita, Maria. Kaya libre mo naman ako kahit ham sandwich lang sa canteen." Aniya at nauna ng naglakad sa akin.

Huminga akong malalim at winaksi ang iniisip ko kanina.

Tapos na iyon, Maria. Hindi mo na sila makikita.

Tumayo na rin ako at saka sumunod sa kanya.

Gutom lang 'to kaya kung ano-anong naiisip ko. Tama, gutom lang 'to, ikain na lang natin, Maria.

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, loves!! 😸💛

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon