"CHAPTER FIVE"

6.3K 191 0
                                    

"SHE IS MINE"(Chapter 5 )

[CASSY POV]

Nandito na kami sa school. Buti nalang may damit na pinahiram sakin si kurt. Kung hindi baka hindi ako makapasok.

Pinahiram lang naman nya sakin ung binili daw nyang damit para sa babaeng hinahanap nya.

Isang hanging fit tshirt kita ang puson tapos maong na jumper. Para akong grade 1 pero no choice kelangan kong suotin un. Bukod sa madumi na ang damit ko eh mabaho na rin. Boxer nga nya ang gamit ko. Pasusuutin ba naman nya ako ng tback. No way!!!!..

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nang banggitin ni prof ang tungkol sa PROM na gaganapin.

"Good luck and enjoy students!" Have fun." Sabi ni prof at lumabas na ito.

Bukas na nga pala ang PROM namin.

"Hoy!" Cassy tulala ka na naman jan," tumayo ka na at nang makatambay muna tayo sa court.. hinihintay ako ni Dale dun!"

"Ayoko kong sumama!" Sagut ko.

"Okay ikaw din!" Sabi nito at mabilis na tumayo.

Palabas na nang room si Dina nang lumapit sakin si Seth. Ang masugid na manliligaw ko.

"Hi cassy!" Bati ni seth sakin sabay upo sa katabing upuan ko.

"Hellow!" Bati ko din at kumaway ako.

"Uuwi ka na ba?" Tanong nya sakin.

Ayokong paasahin si Seth kaya binusted ko na sya dati pa. Wala akong gusto sakanya. Pero heto pa rin sya nangungulit sakin.

"Ahhh, hindi pa!" May pupuntahan pa kasi ako!" Palusot ko sakanya.

Tatayo na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko.

"Wala na ba talaga akong pag asa?" Malungkot na tanong nya sakin.

"Sorry Seth, hindi ko man gustong saktan pero ayoko namang paasahin ka!" Sagut ko.

Umiling sya ng sunod sunod. Binawi ko naman ang kamay na hawak nya at mabilis na patakbong lumabas ng room.

Hindi ko namalayan na papunta pala ako sa court.

"Anong ginagawa ko rito?" Tanong ko sa aking sarili.

Nang biglang may pumulupot na braso sa aking bewang.

Napasinghap ako sa pagyakap na yon. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang nakayakap sakin.

"KURT???" Ano ba?" Inis na sabi ko at inaalis ang kamay nya sa bewang ko.

Hindi inalis ni kurt ang kamay mas lalong humigpit pa yon.

"Bakit ka nandito?" Swempre na miss mo ko!" Nakangising sabi nya sakin.

Narinig nya pala ang sinabi ko kanina.

Bwisit na lalaking to. F na F na miss ko sya.

"Ewan ko sayo!" Sabi ko sabay irap.

Inalis nya ang pagkakayakap nya sakin kaya naman nakahinga ako nang maluwag.

Pero inakbayan nya ako. At hinalikan pa sa labi. Smack lang.

"Owwwww!" Sabi nang mga nakakita.

Natulala ako sa ginawa ni kurt. Magaling talaga sya mag PDA wala kasi syang hiya. At manyak na malibog din sya.

"Ano ka ba?" Galit na sabi ko sabay hampas sa braso nya.

"Sinabi ko naman sayo na pumapatay ako ng tao kapag nagsesealos ako!" Kaya pinapakita ko lang sa lahat na akin ka!" Binabakuran kita," nakatawang sabi nya sakin.

"SHE IS MINE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon