CHAPTER 13

4.9K 161 0
                                    

" SHE IS MINE" (Chapter 13)

[CASSY POV]

Nagulat ako nang sampalin ako ni Dad.

"Hindi ko inaasahan na magagawa mo ang bagay na yon!" Sigaw sakin ni dad.

Umiiyak akong yumakap kay dad. Pero itinulak nya lang ako kaya napasalampak ako sa sahig.

Nilapitan naman ako ni Kurt. Kasama ko sya kasi hinatid nya ako sa bahay.

"Mr. Robles mawalang galang na po pero nagawa nya lang ang bagay na yom dahil sainyo.!" Mariin na sabi ni kurt.

"Isa ka pa!" Sinamantala mo ang pangengeilangan ng anak ko.!" Galit na sabi ni dad kay kurt.

Wala akong masabi kundi umiyak at humagulgol lang sa isang gilid.

Mabilis na tumalikod si dad samin at padabog na iniwanan kami.

Galit na galit si dad dahil sa nalaman nya. Sinabi na pala nila Lily kay Dad.

"Ayos ka lang ba? Nag aalalang tanong sakin ni kurt. Hinwakan nya ang balikat ko at niyakap.

"Wag kang mag alala, nandito lang ako para sayo!" Sabi ni kurt sakin.

Hindi ko magawang magsalita. Umiiyak lang ako at lalong naiiyak dahil galit si dad sakin. Hindi nya maiintindihan kung bakit ko nagawa iyon.

Hindi ko namalayan na nasa kwarto na ko ni kurt.

Wala ako sa aking sarili iniisip ko ang nangyari at ang pagkagalit sakin ni Dad.

Pasalampak na umupo si kurt sa aking tabi. Nakahiga kasi ako sa kanyang kama. Pagud at nanghihina ako. Kaiiyak at sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Cassy?" Tawag sakin ni kurt. Nakatabi na pala sya sakin.

"Hmmm!" Sagut ko. Mariin akong Nakapikit at iniiwasn kong tumulo ang aking mga luha.

"Wag kang mag alala, maiintindihan ka din ng Daddy mo!" Sabi nya sakin habang hinahaplos ang aking buhok.

Napasinghot ako. Nagbabadya na naman ang mga luha kong handang tumulo ano mang oras.

"Bakit ganon? Ginawa ko naman yon para sakanya?" Umiiyak kong sabi kay kurt.

Pinunasan naman nya ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi.

Lalo akong naging emosyonal. Si kurt lang ang nanjan para sakin. Pano kung wala sya? Pano kung ako lang mag isa ngaun? Pano kung hindi nya ako nahanap? Ilan lang yan sa mga tanong sa aking isipan.

Humagulgol akong iyak. Hindi ako pinigilan ni kurt. Hinahagod nya ang aking likuran at hinahalikan ang aking ulo.

Ramdam ko kung gano nya ako kamahal. Ganito pala kapag may taong nagpaparamdam na may halaga ka at mahal ka.

"Matulog ka muna My Queen!" Para makapag pahinga ka!" Sabi nya sakin.

Umayos naman ako ng higa. Ramdam kong napaka bigat ng aking mga mata.

"Okay ka na ba? Tanong ni kurt sakin habang inaayos nya ang kumut.

Tumango lang ako at ngumiti sakanya.

"Thank you!" Bulong ko sakanya.

Yumuko sya at hinalikan ang aking labi.

"Basta ikaw my Queen," lahat gagawin ko para sayo!" Bulong nya sakin.

Ngumiti naman ako at saka pumikit.

"Baka bukas makalawa, maiintindihan ka din ni Daddy mo!" Nabigla lang yon!" Sabi pa nya.

Hindi na ako nagsalita at mariin lang na pumikit.

Ayoko nang umiyak at isipin ang pagkagalit ni Dad sakin.

Hanggang sa makatulog ako.

#NocurrentIsReaL😭😢

"SHE IS MINE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon