"CHAPTER 16"

4.7K 157 2
                                        

Chapter 16

[CASSY POV]

Kumakain kami ni kurt nang dumating ang mga magulang nya.

Sinabi nya ang kalagayan ko. Kaya naman umuwi ito para kumpirmahin kung totoo ang sinasabi ni kurt.

"Aba , iha wag kang masyadong mag kakakain ng mga fatty foods!" Saway sakin ng mommy ni kurt.

"Opo, hindi naman po ako mahilig sa mga ganong pakain!" Sagot.

Akala ko nung una magagalit ang mga magulang nya pero nagkamali ako. Mabait pa sila sa tunay kong mga magualag ko. Siguro kung buhay pa si mommy ganito rin sya sakin.

Marami kaming napag kwentuhan ng mommy ni kurt.

Tuwang tuwa sya dahil mag kakaapo na sya samin ni kurt.

Matuling lumipas ang 3 buwan mejo malaki na ang aking tyan. Mag aanim na buwan na kasi ito.

Napilitan akong tumigil sa pag aaral.

Minsan ko nalang makasama si kurt dahil busy daw sya sa mga report at thesis nya.

Ako naman laging nakakulong sa bahay at minsan lang lumabas dahil dinudugo ako kapag akoy na tatagtag.

Isang araw nagpaalam si kurt. Na mag babar daw sila.

Pumayag ako pero may halong kaba akong nadarama.

"Okay!" Sagut ko nang mag paalam na sya sakin.

"Babalik din ako mga 10 pm!" Sabi nya sakin.

Nakaalis na si kurt at naiwan naman akong mag isang nakahiga sa kwarto.

Walang nababanggit si kurt na kasal. At minsan kapag nababanggit ko sakanya mejo naiirita sya sakin. Minsan lasing na sya kung umuuwi kaya di ko na sya masyadong makausap ng maayos.

Maaga sya laging pumapasok sabi nya may practice daw sa game nila.

Nakakapagtaka ang pagkabusy nya nitong mga nakaraang araw.

Nakakapagduda. Nagulat ako nang tumunog ang phone ko. May nagtxt sakin.

Kinuha ko yon at nagulat ako nang makita ko kung sino ang nagtxt si Dina.

Bakit kaya? Tanong ko sa aking sarili habang nilalagay ko ang password ng phone ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

"Cassy!" Si kurt may ibang babaeng kasama ngayon at nag hahalikan sila.!" Txt sakin ni Dina.

Halos mawalan ng pakiramdam ang aking mga kamay.

Namanhid ang buo kong katawan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nagulat ako nang malaglag ang phone ko sa sahig kaya gumawa ito nang ingay.

Agad namang pumunta ang mommy ni kurt at kinamusta ako.

"Ahmm a--ayos lang po a--ako!" Nauutal kong sagot sa mommy ni kurt.

"Mukha kang namumutla!" nag aalalang sabi ni tita. Mom ni kurt.

"Ah hindi po, nagulat lng ako sa pagbagsak ng phone ko po!" Palusot ko.

Uupo sana ako sa gilid nang kama nang makaramdam ako ng hilo.

Hilo na agad na nagpadilim sa aking paningin.

Natumba ako at ang huling narinig ko ay ang hiyaw ng mommy ni kurt.

"Manang!!!!!! Dinudugo si Cassy!" Natatarantang sigaw nito sa katulong nila.

Nanghihina ako. Masakit ang aking puson halos maiyak ako.

Hindi ko alam ang aking gagawin. Basta umiiyak ako habang hawak ang aking puson.

"Baby kapit lang!" Bulong ko. At tuluyan na akong nawalan ng malay.

#sakit🤔💔

"SHE IS MINE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon