"Kelsey's pov"
Nagising ako ng may kumatok sa pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Bumangon ako at napahilot sa ulo ng maramdaman kung medyo sumasakit ang ulo ko. Naka inom ba ako kagabi? Para ding bumigat ang mga mata ko.
Nagtaka pa ako kung bakit nasa kwarto ako ni cliff pero mabilis ding napalitan ng pag aalala ng mabilis ring rumagasa sa utak ko ang mga nangyare kagabi at kung bakit namamaga ang mga mata ko.
Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto ang kung sino man itong taong kanina pa siguro katok ng katok.
"Wha.." diko na natuloy ang sasabihin ko ng bumungad sa akin ang seryoso at hindi kababakasan ng kahit anong imotion na mukha ni Train.
"Dress up." Sabi lang nito bago ako iwang nakatulala sa pinto. Hanggang sa mawala ito sa paningin ko ay nakatayo parin ako sa pinto dahil sa gulat at pagtataka.
Anong ginagawa niya dito ng ganito kaaga?
Alam naba nila na alam na ni cliff?
Pero imposible naman dahil wala pang nakaka alam nun pati nga sina manang ay hindi nila alam. Ang alam lang nila ay nag away kami, kaya imposible talagang malaman niya.
Ang alam lang niya ay sinabi kona ang totoo kay cliff.
"HURRY!" Nagulat pa ako ng marinig kung sumigaw ito sa baba na umalingawngaw sa buong bahay.
Nagmamadali na akung maligo at nagbihis. Hahanapin kopa si cliff kaya kailangan ko na talaga magmadali. Sana ay nasa kanila lang siya.
Pagkatapos kung magbihis ay nagmadali na akung bumababa. Nadatnan ko si Train na kinukulit na naman ni Val. Kahit kailan talaga napaka patay na patay niya dun sa isa. Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya kay Train, samantalang ang cold sa kaniya nung huli.=_=
"Baby naman kase, pagbigyan mona ako. Kahit isang gabi lang ok na." Paawa effect na rinig kung sabi ni Val. Hala ang landi naman talaga ng babaeng to. May pa isang, isang gabi pang nalalaman tsk.
"Follow me." Sabi naman ni Train na nakatingin sa direksyon ko, saka tumayo at naglakad papalabas.
Nakita ko namang parang nag hugis heart na ang mga mata ni Val dahil sa narinig.
"What the...ngayon na?" Na eexcite na tanong ni Val sa kaniya dahilan para mapahinto ito sa paglalakad.
Lumingon ito ulit sa samin, particularly to Val. naglakad siya papalapit dito na parang bored na bored na siya sa pagmumukha nung huli. Yung isa naman dina magkanda ugaga sa sobrang kilig.
"I.AM.NOT.TALKING....TO.YOU!" Madiing sabi nito habang nakayuko pa kay Val. Alam niyo na heights probs.
Napalunok naman ng paulit ulit yung isa saka parang bulang nawala yung excitement sa mukha nito at napalitan ng pagkadismaya. Yan kase assuming.
Minsan kase, iwasang mag assume para hindi masaktan ng todo sa huli.=_=
"Lets go." Nakatingin na saking sabi nito saka tuluyan ng umalis.
Naiwan namang tulala at parang wala sa sarili si Val. Nagloloading pa siguro sa utak niya yung mga sinabi ni Train.
Nagmadali na rin akung sumunod dun sa isa. Kung sa ibang sitwasyon soguro ay maaasar kopa si Val kaso may problema pa akung dapat lutasin.
Naabutan ko siya sa may kotse niya na nakatayo habang nakakunot ang noong nakatutok sa sacellphone niya.
"Get in" ani nito saka nagmamadali ng pumasok sa driver seat ng kotse nito. Kahit na nagtataka ay pumasok nalang ako para hindi na naman ito mainis. Baka nasabi na sa kaniya ni cliff ang mga nangyare kagabi.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO HER (COMPLETED)
General FictionATTENTION! THIS IS A GXG STORY JUST TO INFORM YOU. LAHAT NG NAPAPALOOB SA KWENTONG ITO AY KATHANG ISIP LAMANG. ANG ANO MANG PANGYAYARI O KAGANAPAN NA MAY KINALAMAN SA TOTOONG BUHAY AY HINDI PO SINASADYA NG MAY AKDA. SALAMAT!!! PLAGIARISM IS A CRIME...