chapter 17

8.2K 331 15
                                    

"Cliff pov"





Namamanghang nakatingin lang ako sa paligid ko.0_0  Grabe guys! Super ganda dito promise.0_0

Dito palang ako sa entrance ng resort pero namamangha na ako, baka pag nasa loob na ako mahimatay na ako niyan ha!●_● ang oa naman ng peg ko hehehe. Pero sobrang ganda talaga dito promise.

Pero teka?~_- diba sabi ni Mitch sa hasyenda nila kami pupunta? Hindi naman ito hasyenda ah, resort to! RESORT!.=_=

Baka nagpalit sila ng location?

Hm.. baka nga no, sa bagay mayayaman sila kaya, hawak nila ang oras nila. Kahit anong oras nilang baguhin ang distinasyon nila magagawa nila. Kaya nga nilang mamikot ng mga taong walang kalaban laban sa kanila diba? Kaya easy lang yan sa kanila.~_~

At dahil sa sobrang na aaliw ako sa paligid, hindi kona nakita na may makakabangga pala ako, kaya ang ending natumba siya sa may buhangin dahil sa mas maliit naman po kase siya kesa sakin.

"Shit!" Rinig kung mura nung babaeng nabangga ko na ngayon ay naka upo na sa may buhangin.

"Sorry, sorry miss. Hindi ko sinasadya, hindi kase kita nakita e" hingi ko ng paumanhin dito saka tinulungan itong makatayo.

Hindi kopa nakikita ang itsura nito dahil natatakpan ito ng buhok niyang nagulo dahil sa impact ng banggaan portion namin, pero sa ayos palang nito ay mahahalata mo ng mayaman ito at saka yung pabango din niya na sobrang bango. Sigurado akung mamahalin to guys pero parang pamilyar sakin yung klase ng amoy nato?

Baka magkapareho lang? Imposible naman kaseng mapadpad dito yung babaeng yun e parang puro mall lang dinadayo nun para mamili ng bagong mga damit. You know a typical girly thing.=_=

"Bakit kase hindi tumitingin sa dinadaanan. Ang tanga tanga talaga!" Himutok pa nito habang pinapagpag ang bandang pwetan nito na may buhangin na.

Nun ko lang din nakita ang itsura nito na sobrang nagpalaki ng mata ko.0_0

Anong ginagawa niya dito?

Hindi pa ako napapansin nito dahil nga sa busy siya sa pag papagpag niya. Kaya pala sobrang pamilyar sakin yung pabango niya kase siya nga. Pag nga naman minamalas ka oh.

"You...Stupid!?" Naputol ang sasabihin nito ng makilala niya ako. May duro pa sana itong kasama kaso nabitin lang sa ere ang hintuturo nito, sa sobrang gulat ata?

Sino nga ba namang hindi magugulat kung ang isang katulad ko na scholar lang sa school na pinapasukan niya ay napapad sa ganito ka gandang lugar at mukhang exklusibo pa.

"What are you doing here?" Nagugulat na tanong nito.

Bigla naman akung kinabahan ng maalala kung ano nga bang ginagawa ko dito.0_0

Anong sasabihin ko?●_●

"Ah-eh, nama-mas-yal?" Utal utal at di siguradong sagot ko sa kaniya, na mas nagpakunot sa makinis nitong noo.

Ang tanga mo talaga cliff! Bakit sa lahat ng sagot yun pa napili mo!=_=

"Ah, namamasyal kasama mga amo ko! Ehe-he-he" mabilis na dugtong kopang sagot dito. May kasama pa itong fake tawa sa huli para mas maniwala siya, pero ang ate niyo nakatingin parin sakin na parang hindi parin naniniwala.=_=

"Sige, alis nako. Baka hinahanap na ako ng amo ko eh." Hindi paman ito nakakasagot ay nagmamadali na akung tumakbo sa dereksiyon kung saan ko huling nakita si bruha na dumaan.

Hayst bakit ba kase sa dami rami ng resort sa pilipinas dito pa napiling mag outing ng mga baliw nayun. Naku naman. Ayoko pang masira ng tuluyan ang image ko sa school no.

MARRIED TO HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon