So heto nanga. Dikona pinatagal pa baka may bigla nalang bumaril sakin habang naglalakad ako sa kalsada.(*_*)ʘ‿ʘ
"Cliff pov"
Mabilis ang mga galaw na nagtago kami sa may malaking puno, malapit sa lumang warehouse na kuta nina Jerome. Maingat ang mga galaw na pinatahimik ng dalawa sa mga tauhan ko ang tatlong kasamahan ni Jerome na nagbabantay sa may malaking pinto.
Sinenyasan nila kami na lumapit matapos nilang masiguradong wala ng kalaban sa may entrance.
"Boss may lima pong nasa may loob pero mukhang may mga tama napo ng alak." Ani ng isa sa mga kasamahan kung sumilip sa loob. Umakyat siya para silipin ang nasa loob.
"Gawin niyo ang dapat gawin, basta wag lang kayong gagawa ng ingay para ligtas nating maiuwe ang asawa ko." Ani ko sa kanila.
Tumango naman sila bilang pagsang-ayon saka ginawa na ang dapat gawin na naayon sa plano.
Maingat at tahimik na pumasok ang apat sa mga kasamahan ko at ilang minuto lang kaming naghintay sa labas ay bumukas na ang pinto at sumilip duon ang isa sa kanila.
"Ok napo boss." Ani nito saka nilakihan ang awang ng pinto para makapasok kami.
Mabilis naman kaming pumasok sa loob. Naabutan namin yung kaninang mga nag iinuman na nakahandusay na sa lapag.
"Secured the areas and please don't make mistakes to protect my wife safely. Understood?" Pag uulit ko sa kanila. Tumango naman silang lahat bilang sagot saka naghiwa-hiwalay para i secured ang buong lugar. Naiwan naman sakin ang dalawa sa kanila at nag hihintay ng sasabihin ko.
"Dun kayo." Turo ko sa may right side na pinto.
"Boss, maiwan nalang ako dito para may kasama ka." Mang Alfredo said.
His one of my trusted men. Kaya ko siya tinatawag na 'mang' ay dahil sa may katandaan narin ito, ngunit di lang halata dahil sa matipuno at malakas nitong pangangatawan.
"Dina kailangan mang Alfredo, kaya ko naman sarili ko. Samahan mona si Alfonso. Mas kailangan ka niya." Tukoy ko sa anak nitong kasamahan din namin.
"Sigurado kaba?" May pag aalala sa mukhang tanong pa niya.
Ngumiti naman ako dito para i assure siyang kaya kona talaga.
"Don't worry about me mang Alfredo. Sayo kaya ako natutong lumaban." Mayabang na sagot ko sa kaniya. Napangiti nalang ito ngunit mababakas parin sa mukha nito ang pag aalala.
Nang maka alis si mang Alfredo ay tinungo ko naman ang isa sa mga pinto dito sa warehouse. Nakakaramdam man ng kaba hindi para sa kaligtasan ko, kung di para sa asawa ko ay dahan dahan kung pinihit ang doorknob saka sumilip sa loob.
Sumalubong sa paningin ko ang sandamak-mak na ibat-ibang klase ng bote ng alak.
Mabilis ko rin itong isinara dahil sa nakakasulasok nitong amoy na galing sa mga patay na daga or kung ano pamang insekto ang naruon.
Sunod kung tinungo ang pinto sa tapat nito at nagtaka ng makarinig ako dito ng kalabog.
Mabilis ang mga galaw na lumapit ako dito at pinihit ang doorknob, ngunit sa kasamaang palad ay naka lock ito sa loob.
Nakaramdam ako ng matinding kaba at galit ng makarinig ako dito ng mga hikbi na galing sa isang boses babae. Kahit hindi ko paman ito nakikita ay alam ko na kung kanino galing ang hikbing iyon.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO HER (COMPLETED)
General FictionATTENTION! THIS IS A GXG STORY JUST TO INFORM YOU. LAHAT NG NAPAPALOOB SA KWENTONG ITO AY KATHANG ISIP LAMANG. ANG ANO MANG PANGYAYARI O KAGANAPAN NA MAY KINALAMAN SA TOTOONG BUHAY AY HINDI PO SINASADYA NG MAY AKDA. SALAMAT!!! PLAGIARISM IS A CRIME...