Chapter 5

6.7K 128 4
                                    


Third Person's POV

Kinabukasan, araw ng Byernes, pormal na ipinakilala si Alex ni Manang Isay sa iba pang kasambahay sa mansyon bago magsimula ang mga ito sa kani-kanilang gawain. Karamihan sa mga ito ay ilang taon na ring pinagsisilbihan ang pamilya ni Sir Greg . Sya na ata ang pinakabata sa lahat ng trabahador sa mansyon.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Ito nga pala ang anak ni Beth, si Alex." pakilala ng matanda sa binata na sya namang nagbigay ng matamis na ngiti sa kanyang mga bagong makakasama. Likas rin kasi ang pagiging mahiyain sa kanya. Idagdag pa na lumaki itong halos hindi lumalabas ng bahay kahit pa sabihan ito ng kanyang mga magulang na makipaglaro sa kanyang mga kapitbahay. Hindi naman sa ayaw nyang makipagkaibigan, mas gusto kasi nitong tapusin ang mga binabasang libro at mga nobela na parating binibili ng kanyang magulang sa palengke.

"Ang talagang trabaho ng batang ito ay bantayan si Senyorito Brian sakaling dumating ito. Kaya hanggat maari huwag nyong bibigyan ng mabigat na gawain si Alex, yun din ang bilin sa akin ni Sir Greg. Maliwanag ba?" paliwanag ni manang Isay sa ibang kasambahay. Kasama sa mga taong nandoon ay si Jay at ang kinakasama nito na mariin lamang na nakatuon sa paliwanag ng mayordoma. 

Naunang nagising si Jay dahil kailangan pa nitong ihanda ang sasakyan ng kanyang amo. Hindi na muna nito ginising si Alex na marahil ay napagod sa byahe at sa kalokohong ipinagawa nya rito. Mabuti na lang at nakapagtimpi sya kung hindi ay naka-isang masarap na romansa na naman ito galing sa binata. Marami pa namang pagkakataon. 

"Oh sya at kumilos na tayong lahat. Ikaw Alex tumulong ka na lang sa paghahanda ng lamesa.  Kakausapin ka ni Sir matapos ang agahan." sabi ni manag Isay.

Abala ang lahat sa paghahanda ng agahan ng kanilang amo. Hindi man likas sa kanya ang magtanong, magaling naman kumilatis at mag-obserba si Alex pagdating sa mga bagong kakila o sa mga taong nasa paligid nya. Ilan sa mga kasambahay ay tila hindi mapakali sa kung paanong maayos na maihanda at maisaayos ang hapag kainan. Sa ilang sandali lang ay natapos na ang mga ito sa paghahanda ng kakainin para sa umagang iyon.

"Good morning." bati ng isang baritonong boses na bumungad sa mga tao roon. 

"Good morning Sir Greg." bati ng lahat ng limang kasambahay na syang nakapila sa  gilid ng hapag kainan. Sila kasi ang nakatokang mag-asikaso sa hapag ng umagang iyon.

'Ito pala si Sir Greg. Medyo nakaktakot naman. Kaya siguro sila balisa?' sa isip ni Alex. 

Gregory Albañez Zamora. Isa sa pinakatinitingala sa larangan ng negosyo sa Pilipinas. Hawak nito ang ilan sa malalaking hotel at fine dining restaurant sa Maynila at Cebu. Bukod sa angkin nitong yaman kilala rin ang padre de pamilya ng mga Zamora sa industriya ng pagmomodelo. Bago kasi nito hawakan ang kanilang negosyo una na nitong pinasok ang larangan ng modeling. Isa sya sa mga kalalakihan na sumikat at pinagkaguluhan noong kanyang kabataan. Sa edad na 41, taglay parin nito ang dugong Hispanico na minana nito sa kanyang lolo. Matangos na ilong, mapupulang labi at ang mga mata nitong may kakaibang halina sa titig dito. Alaga rin ang katawan nito, na mapapansin mo lalo't nakasuot lamang ito ng puting long sleeves na nakatupi hanggang braso. Maganda pa rin ang hubog ng dibdib nito pati na ang malapad na balikat na paniguradong alaga sa gym. 

Kung ibang tao siguro ang makakakita kay Sir Greg sa unang pagkakataon, paniguradong hihiwalay ang kaluluwa nito sa angkin nitong gandang lalaki. Ngunit hindi iyon ang unang napansin ni Alex sa amo.

"Hindi nyo na kailangan pang kabahan. Tulog pa ang asawa ko. Si manang Isay na lang ang bahala sa 'kin. Maraming salamat!" tila nakahinga naman ng maluwag ang lahat sa sinabi ng kanilang amo. Bumalik na ang ibang kasambahay sa kusina at itinuloy ang ilan pang mga gawain doon. Si manang Isay naman ay tuloy sa pagsilbi rito. Inabutan pa nya ito ng dyaryo na marahil ay routine na nito tuwing umaga.

Baby AlexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon