"Alex naihanda mo na ba ang panglinis ng inay mo?" tanong ni 'Tay Arnel sa'kin dahil kailangan ng maglinis ni inay ang kanyang katawan pati ng sariwang sugat nito. Dinala ko ang isang timba na may lamang maligamgam na tubig sa kanilang silid.
Mula kahapon ay hindi na namin pa napag-usapan ang balak kong paghalili kay inay sa Maynila. Sa ngayon nag-iisip ako ng alternatibing paraan upang malikom ng kahi kaunting pera para matulungan ang mga magulang ko. Hindi rin kasi biro ang maari naming gastusin o utangin sa mga susunod na buwan. Naisip ko na ring pumasok bilang tagalinis sa munisipyo kung pahihintulutan ako ni itay, sa gayon baka payagan nya ko dahil malapit lang namin ito sa aming baryo.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglilinis ng bahay upang sandalling makalimutan ang aming alalahanin.
"Kuya! Kuya! Andito ulit si kuyang pogi! Hinahanap sila inay at itay." Sigaw ni Ayen galing sa labas na ngayon ay hila-hila si Kuya Jay na suot pa rin ang uniporme nito bilang driver. Tama naman si Ayen hindi mo maikakaila ang kagwapuhan nito. Hehe.
"Kuya Jay nabalik po kayo. May kailangan po ba kayo kay inay?" gulat kong tanong ko rito. Ano naman kaya ang dahilan at bumalik ito rito?
"Oo Alex, may maganda kasi akong balita para sa inyo. Pwede mo ba akong samahang makausap ang mga magulang mo?" balik nito sa akin. Iginiya ko naman ito papasok sa silid ng aming mga magulang. Kumatok muna ako bilang paalam sa kanila. Pagbukas ko ng pinto ay nakapagpalit na si inay ng bagong damit. Napansin nila kung sino ang kasunod kong pumasok.
"Jay, ikaw pala yan. Akala ko naman kung sinong pogi ang sinisigaw nitong si Ayen." Bahagya namang natawa si Kuya Jay sa biro ni inay, lumabas tuloy ang dalawang biloy nito na lalong nagbigay ng angking gandang lalaki dito.
"Gwapo naman talaga ako ate Beth. Kayo lang tong hindi naniniwala, diba Alex?"
Pinamulahan naman ako ng mukha sa tanong nito. "Ano ba ang sadya mo Jay at nagbyahe ka ng pagkalayo-layo?" mabuti na lang at nagtanong agad si itay dahil hindi ko alam kung pano sasagutin ang tanong nito. Nahihiya akong aminin sa harapan ng mga magulang ko na nagwapuhan nga ako sa amin bisita. "Maiwan ko na po kayo." Paalam ko sa mga ito.
"Mabuti na ring makinig ka sa upan namin Alex. Kahapon kasi nung umuwi ako. Naglakas loob akong banggitin ang sitwasyon nyo kay Sir Greg." Marahil amo nila ang tinutukoy nyang 'Sir Greg' at ano naman ang kinalaman ko sa pag-uusapan nila?
"Hindi mo na dapat sinabi pa ang problema namin dito. Masyado ng nakakahiya. Marami ng naitulong si Sir Greg sa'min, sapat na iyon." sagot ni inay.
"Sa totoo nyan, bago pa ibilin ni Sir Greg na ihatid ka pauwi. Inutusan na nya akong maghanap ng hahalili sa'yo pati na ng isa pang bagong kasambahay. Hindi naman talaga kasambahay ngunit kailangan nya kasi ng mapagkakatiwalaang titingin sa anak nya sakaling umuwi ito galing Amerika." paliwanag nito. "Naisip ko na irekomenda si Alex bilang tagapag-alaga ni Senyorito."
Wala namang problema kung mag-aalaga ako ng bata. Sila Ayen at Axel nga naalagan ko, magiging madali lang sa'kin ang trabahong ito.
"Napag-usapan na namin ito kahapon, Jay.Hindi pa rin ako pumapayag dahil kailangang mag-aral ng anak ko." sagot ni itay.
"May solusyon na rin sa problemang 'yan Mang Arnel. Sasagutin na ng amo namin ang pag-aaral ni Alex habang binabantayan ang anak nya?" napakunot naman ang noo ko sa sagot nito. Pano ko maalagan ang anak ni Sir Greg kung nag-aaral ako. Marahil napansin nito ang pagtataka sa mukha ko.
"Sa iisang paaralan lang naman kayo papasok. Kaya madali mo na lang din babantayan si senyorito. Aayusin din daw ang schedule mo kapag nakapag-enroll ka na."
"Inay, Itay nasa inyo po ang pasya kung papayagan ninyo ako. Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko munang mapalayo sa inyo para makatulong sa mga gastusin natin. Malaking pagkakataon din ito kung sa Maynila ako mag-aaral ng College." tawagin na akong oportunista o ano pa man ngunit kung para sa mga kapatid at magulang ko handa akong kapalan ang mukha ko. Mataman akong tinitigan ng aking magulang marahil ay tinitimbang kung ano ang kanilang magiging pasya.
"Jay, anak, maari bang iwan nyo muna kami. Pag-uusapan lang namin ang magiging sagot namin sa alok ni Sir." nakramdam naman ako ng munting pag-asa sa sinabi ni inay.
"Sige, maiwan na muna namin kayo. Halika na muna Alex." aya ni Kuya Jay. Inalok ko ito naman itong magmeryenda muna habang nag-iintay sa magiging desisyon ng mga magulang ko.
Nalaman kong mahigit apat na taon ng nagseserbisyo bilang personal driver ni Sir Greg si kuya Jay. Sa edad na 24 ay namasukan na ito upang masuportahan ang kanyang kinakasama na ayaon sa kanya ay kasama nya ring nagtatrabaho sa mansyon. Wala pa rin naman daw itong balak na mag-karoon sila ng anak. Kailangan muna raw nilang makapag-ipon para sa kasal at sa binabayaran nitong bahay. Nahinto ang masarap na kwentuhan namin ni Kuya Jay ng bumukas ang pinto. Tapos na sigurong mag-usap ang mga magulang ko tungkol sa alok na trabaho para sa'kin.
Mataman akong tinitigan ni itay bago sya nagsalita at magpakawala ng isang buntong hininga. "Pumapayag na kami na magtrabaho ka sa Maynila." Yayakapin ko na sana ito para magpasalamat ng pigilan ako nito. " Pero ipangako mo sa'min na mag-aaral ka ng mabuti habang ginagampanan ang trabaho mo. Bilin din ng iyong inay na huwag mong sayangin ang oportunidad na makapagtrabaho roon. Malaki ang utang na loob natin sa pamilya ni Sir Greg kaya't maging mabuti kang bata. Ipangako mo anak..."
"Opo, itay. Hindi ko po kayo bibiguin ni inay." niyakap ko ito sa sobrang tuwa at nagpasalamat sa pagpayag nila. Tumingin din ako sa kinauupuan ni Kuya Jay, "Maraming salamat rin sa'yo Kuya." Sinuklian naman ako nito ng isang tango at matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
Baby Alex
FantasyIsang sakripisyo para sa pamilya na magdadala sa kanya sa mundong kaiba sa kanyang nakasanayan. Isang mundo kung saan laruan ang apoy.