Nahihirapan akong buhatin ang mga dala kong bag hindi dahil sa bigat nito kundi sa bigat ng nararamdaman ko. Ito ang unang beses na malalayo ako sa pamilya ko, ngayon alam ko na ang nararamdaman ni inay sa tuwing aalis sya ng bahay paluwas ng Maynila. Buhat-buhat ang huling gamit na dadalin ko sa pag-alis. Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang kabuuan ng aming bahay. Naibilin ko na sa mga kapatid ko na huwag kalimutang diligan ang mga alaga kong halaman sa harap ng aming bakuran. Ito kasi ang libangan ko sa tuwing wala na akong gagawin. Ang ayusin, linisin, at alagaan ang mga halaman na hiningi ko sa ilang kapitbahay namin. Sabi ko pa sa kambal. Alagaan itong mabuti dahil sa tuwing ma-mi-miss nila ako.
Mabilis lang naman lilipas ang araw at alam kong magbabakasyon ako rito. Nasa gilid ng sasakyan ang mga magulang at mga kapatid ko. Ako na lang ang hinihintay ni Kuya Jay upang umalis.
"'Nay, 'Tay. Mag-iingat po kayo rito. 'Nay huwag nyo pong pababayaan ang .Lagi nyong inumin ang gamot na kailangan nyo. At kayong mga makukulit na bata. Yung mga bilin ko sa inyo ha. Huwag masyadong pasaway. Kasi uuwi ako rito para kututin kayo." paalam ko sa mga ito. Muli ay niyakap ko ang mga ito. Matagal kaming hindi magkikita kaya kailangan kong baunin ang yakap na ito. Hindi naman napigilan ng kambal ang humagulgol.
"Kuya! Wag ka na umalis." napangiti ako dahil sabay na naman silang magsalita. Magkadugtong talaga ang bituka ng dalawang 'to.
"Hindi ba naipaliwanag ko naman na inyo ito." Lumuhod ako upang pumantay sa kanila. Pinunasan ko ang basang luha sa kanilang mga pisngi. "Saglit lang akong mawawala. Magkakasama at maglalaro ulit tayo. Kaya wag na kayong umiyak. Promise, pagbalik ko rito papasalubungan ko kayo ng maraming choocolate. Saka yung robot at manikang nakikita nyo sa TV."
Nang ibalita kasi ni Kuya Jay na tinanggap ko na ang trabahong alok ng amo nito, na magiging amo ko na rin simula ngayon, sinabihan ako nito na mag-impake na dahil kulang ng tao sa mansyon.
"Huwag mo kaming alalahanin anak. Ikaw ang mag-ingat doon dahil nag-iisa ka lang. Tandaan mo ang mga paalala namin sa'yo ng Itay mo. Lalo na ang paglabas ng mansyon kung hindi kinakailangan. Malaki ang Maynila baka maligaw ka." nakangiting paalala ni inay ngunit sa likod ng mga ngiting iyon alam kong bakas ang pangungulila nya.
"Mabuti pa ay sumakay ka na, anak. Malayo rin ang biyahe pa-Maynila. Jay, mag-iingat ka sa pagmamaneho. I-text mo na lang kami kung nakarating na kayo ng masyon." bilin pa ni Itay kay Kuya Jay.
"Makakaasa po kayong ihahatid ko ng ligtas itong si Alex. Mauna na ho kami." sinimulan na nga nyang paandarin ang makina. Mabagal hanggang sa bumilis ang takbo ng kotse. Muli akong sumilip sa bintana at kumaway bilang pamamaalam sa kanila.
"Lakasan mo ang loob, Alex. Mabuti pa saiguro ay umidlip ka muna. Mga dalawang oras pa ang byahe pabalik ng masyon." sabi ni Kuya Jay.
"Hindi na siguro kuya. Mabuti pang aliwin ko ang sarili ko habang tinitingan ang mga nadadaanan natin. At saka nakakahiya sa'yo kung tutulugan kita." sagot ko dito.
"Ikaw ang bahala." tugon nito.
Habang nasa byahe ay nakipagkwentuhan ako kay Kuya Jay tungkol sa ilang bagay patungkol sa akin na magiliw ko namang sinagot. Madali naman kasi itong makapalagayan ng loob dahil sa magiliw nitong pakikipag-usap. Nabanggit ko sa kanyang 2nd year college na ako sa pasukan sa kursong Education Major in Mathematics. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit na-accelerate kasi ako ng makailang beses kaya mabilis kong natapos ang high school.

BINABASA MO ANG
Baby Alex
FantasíaIsang sakripisyo para sa pamilya na magdadala sa kanya sa mundong kaiba sa kanyang nakasanayan. Isang mundo kung saan laruan ang apoy.