Chapter 4.1

8.7K 158 11
                                    

Naalimpungatan ako sa mahihinang tapik sa'king balikat. "Alex gising na. Nandito na tayo." sabi ni Kuya Jay. Pagkalabas ko ng sasakyan ay unang bumungad ang malaking pinto na gawa marahil sa mataas na uri ng kahoy. Hindi maitatago ng dilim ng gabi ang ganda ng disenyo ng mansion dahil naiilawan ang buong bahay ng mga ilaw sa gilid ng mga pader. Dahil sa pagkamangha nakalimutan ko na ang mga gamit ko na dapat ko ng bitbitin papasok ng bahay kung hindi pa ako sinabihan ni Kuya Jay.


"Kunin mo na ang mga gamit mo at ng makapagpahinga na tayo.  Baka bukas ka na kita maipakilala kay Sir Greg." sabi nito bitbit ang ilan sa mga bagaheng dala ko. Tinulungan ko naman ito sa pagkuha ng mga naiwan pang bag sa likod ng sasakyan.


Tiningnan ko ang mumurahing relo na suot ko. Pasado alas-9 na ng gabi kaya marahil tulog na ang mga amo namin. Saglit pa ay bumukas ang magarang pinto ng mansyon. Iniluwa nito ang isang matandang babae na sa tantya ko ay nasa 50 anyos na. Halos puti na rin ang malago at mahab nitong buhok na itinali ng pamusod.


"Mabuti naman at nakarating kayo ng ligtas. Ito na ba ang panganay ni Beth?" tanong ni..."Ako nga pala si Isadora. 'Manang Isay na lang iho." pakilala pa nito habang nakahawak ang mga kamay sa magkabila kong balikat kasabay ng pagsuri nito sa aking kabuuan. "Napaka...gwapo mo namang bata." dagdag pa nito na marahil ay naguguluhan sa kung paano ako ilalarawan.


"Magandang gabi po. Manang Isay. Ako naman po si Alex." tugon ko naman sa matandang kasambahay.


"Hali na kayo't ng makapaghapunan muna kayo bago kayo magpahinga. Bukas na bukas ay ipakikila kita kay Sir Greg." yaya nito sa amin ni Kuya Jay.


Nang tuluyang makapasok sa loob ng bahay. Unang bubungad sa'yo ay ang magandang hagdan na marahil ay patungo sa kwarto ng aming mga amo. Nalalatagan ito ng pulang carpet na wari mo'y papunta sa kalangitan. Nahiya naman akong iapak ang suot kong sa patos dahil sa kintab ng sahig na gawa sa kahoy. Siguro ay alaga sa floor wax ang bahay na 'to.


Iginiya kami ni manang papasok sa kusina. Bago makarating doon ay naramdaman ko ang lamig na tingin ko ay galing sa malaking aircon sa glid ng pader. Natatakpan din ng magarbo at makapal na kurtina ang bintana ng kabahayan. Idagdag pa ang ilang mamahaling muwebles na naka-display sa ibabaw ng mga lamesa at estante. 


Naipaghanda na pala nito ang hapunan namin na ngayon ay inahahanda ng isang babae na sa tingin ko ay nasa edad 24-25 yrs old. "Oh 'ga. Maghapunan na kayo...ano nga ang panagalan mo?" pagyaya nito sa'min . "Alex po." sagot ko rito.


"Ako naman si Lisa." pakilala ni Ate Lisa. Sya na siguro yung nabanggit sa'kin na kinakasama ni Kuya Jay. Bumagay sa hugis-puso nitong mukha ang  buhok nitong lagpas sa ilalim ng tainga. Maganda sya, isama pa ang natural na morena nitong balat.


Umupo kami ni Kuya Jay at sabay na pinagsaluhan ang inihandang menudo na sinamahan pa ng minatamis na saging na saba. Mabilis at magana namang kumain si Kuya Jay marahil na rin sa layo ng biyahe pabalik dito sa mansyon. Umupo naman si Manang Isay at Ate Lisa sa hapag upang kamustahin ang lagay ng aking ina. Naikwento pa ng matanda kung gaano kasipag ang aking inay sa pagtatrabaho sa mansyon. Madalas daw niya itong paalalahanan na maghinay-hinay sa trabaho. Yun lamang din daw kasi ang pumapawi sa lungkot nito kung minsan lalo't nangungulila ito sa pamilya.


"Hindi naman mabigat na trabaho ang gagawin mo iho. Kalimitan ay mga gawaing bahay lamang at pagtulong sa ilang kasambahay. ang talagang trabaho mo kasi ay ang bantayan sa eskwela si Sir Brian." paalala ni Manang sa'kin. Brian. Yun pala ang pangalan ng magiging amo ko. Sana'y maging masunurin syang bata.

Baby AlexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon