Third Person's POV
4:50 AM
To: Yaya Isay
Yaya. Alex and I went out early for a run we will be back later. Don't worry...
This is the text that he composed a while ago. Pero bago yun una munang tinawagan ni Brian ang gwardiya upang utusan ito na kung sakaling magtanong ang kanyang ama o si Yaya Isay ay ito ang sabihing dahilan. Makalipas ang ilang minuto tumunog ang kanyang telepono gaya ng kanyang inaasahan.
"Hello! Yaya, good morning!" bati nito sa matanda.
"Iho, saan ba kayo nagpunta ni Alex? Napakaaga pa." may pag-aalalang tanong ng matanda.
"We just went to the park near our subdivision for a run. Don't worry about us." paninigurado ni Brian. Hindi nga sya nagkamali at agad syang tinawagan ng mayordoma. Alam ni Brian na maaga itong gumigising upang ipaghanda sila ng agahan at ibilin sa ibang mga kasambahay ang mga gawain para sa buong araw.
"Nasaan si Alex? Pwede ko ba s'yang makausap?" tanong ni Yaya Isay.
Napatayo si Brian sa kinauupuang sofa at nagtungo sa silid na kinaroroonan ni Alex. Nalagpasan na nito ang kwarto ni Lex. Paliko na sana sya sa may pasilyo ng sumalubong sa kanya ang kanyang pinsan na muntik pa nitong makabangga.
"O, kuya! Galing ka ba kay Alex?" tanong niya sa pinsan, nakalimutan yata nitong may kausap s'ya sa telepono kaya't narinig ito ng matanda.
"Kuya? Sino 'yang kausap mo Brian?" usisa ni Yaya Isay.
Muling bumalik ang isip ng binata sa kausap nito. Napakunot naman si Lex sa pinsan sabay taas ng isang kilay. Hudyat na nagtatanong ito sa kung sino ang kausap. Tinakpan ni Brian ang speaker ng telepono at bumulong.
"Yaya Isay." - Brian.
Sumenyas naman si Lex na ibigay sa kanya ang telepono. Nang maiabot ang telepono kay Lex agad nitong binati ang matanda.
"Heyyyyyy...manang Isay. Kumusta na po kayo?" masiglang bati ni Lex dito.
"Lex, Iho. Ikaw ba 'yan? Mabuti naman ako. Ang tagal na nating hindi nagkita ah." agad na nakilala ni Yaya Isay anfg boses nito. Bagamat matagal na ang huling pagbisita nito sa masyon nila Brian kilala pa rin nito ang masiglang boses ng binata.
"Opo, si Lex ito." sagot ni Lex.
"Teka magkasama kayo ni Brian? Ang akala ko nag-jogging yan sa park?" pagatataka ni Yaya Isay.
"That's true, Yaya. Naisipan lang ng mokong na 'to na bumisita. Nakikain pa nga eh." palusot na biro nito kasabay ang isang mahinang tawa. Tumingin pa ito sa pinsan sabay kindat na ngayon ay nakasandal sa pader habang nakahalukipkip.
"Ah ganun ba? Ikaw dapat ang bumisita rito sa bahay ng maipagluto kita." paanyaya pa ng mayordoma.
"Dapat may pabaon din kapag paalis na ako." hirit pa nito.
"S'ya nga pala nakilala mo na ba ang tagapag-alaga ni Brian? Si Alex. Pwede ko bang makausap?" usisa ng matanda kay Lex. Sumenyas naman si Lex na puntahan na si Alex sa kwarto.
"Opo, Yaya. I already met him. He's too shy by the way." sagot ni Alex. "I'll give the phone to Alex, pupuntahan ko lang sa kusina." pagsisinungaling pa nito. Lumakad naman ang binata at muling tinungo ang kwarto kung nasaan si Alex. Nadatnan nito ang mag-amo na mahinang nag-uusap. Alam na ni Lex na tinuturuan na ito ng kanyang pinsan sa kung ano ang dapat sabihin. Dapat ay gigisingin na ito ni Brian kanina ngunit pinayuhan siya ng kanyang kuya, na kanya muna itong i-che-check.
Makalipas ang ilang paalala ni Brian. Inutusan na nito si Lex na ibigay ang telepono.
"Hey. Alex! Yaya Isay wants to talk to you." sabi ni Lex sabay abot ng telepono. Bagamat may nararamdaman pa ring kirot mas maayos na ang pakiramdam ni Alex kumpara kanina. Mukhang nakatulong ang pain killers at ointment na ipinahid sa kanya ng doktor.

BINABASA MO ANG
Baby Alex
FantasyIsang sakripisyo para sa pamilya na magdadala sa kanya sa mundong kaiba sa kanyang nakasanayan. Isang mundo kung saan laruan ang apoy.