Third Person's POV
Makalipas ang tatlong araw mula ng maganap ang pagninig ni Brian at Alex, heto ngayon si Alex at nag-aayos ng kanyang mga gamit para sa nalalapit na pasukan, isang buwan mula ngayon. Isa-isa nitong nilagyan ng cover ang bawat notebooks para sa iba't ibang subjects nito sa school. Idinamay na rin niya ang notebooks ng kanyang amo na wala naman yatang pakialam sa nalalapit na pasukan.
Simula ng umuwi silang dalawa mula sa mall hindi na muling nag-usap pa ang dalawa. Naalala pa ni Alex kung paano pilitin ni Lexington ang pinsan upang samahan ito sa pamimili ng mga school items.
"He cannot walk straight because of you. The least you can do is samahan s'ya mamili. Don't test my patience, bro." banta ni Lex sa pinsan.
Noong mga sandaling iyon, nagpunta sila sa pinakamalapit na mall at pumasok sa isang bookstore.
"Dad said buy everything you want. Don't mind the bills." sabi nito kay Alex.
Gaya ng dati. Isang matipid na "yes, sir." lang ang sagot ng binata. Hinayaan ng magpinsan na mamili ang binata ng mga gamit na kakailanganin nitong bilhin. Wala mang dalang listahan ay saulado ng binata ang lahat ng mga gamit sa checklist na ginawa niyang naiwan sa mansyon. Nakasunod lamang ang dalawang binata sa kung saan mang shelf ito magpunta.
"He's too shy for a guy." komento ni Lex.
"He's gay." pagtatama ni Brian.
"Ok, smart-a&&. I mean for someone who's gay masyado s'yang tahimik at mahinhin 'di gaya ng mga kasamahan ko sa trabaho." dagdag pa ng doktor.
"Do you like them noisy or... much more flirting with you? Hindi ka lang siguro sanay." pang-aasar ni Brian.
"I don't mind flirting with them. And I don't mind them being noisy. It's fun to be around them." sagot ni Brian.
Makalipas ang ilang minuto natapos din si Alex sa pagpili ng mga kailangan nitong gamit.
"Ahm mga sir. Tapos na akong mamili ng mga gamit." tila nabilisan naman si Lex sa ginawang pamimili ng binata hindi pa umabot ng sampung minuto. Bitbit nito ang dalawang basket na naglalaman ng school supplies.
"Are you sure these are all what you need?" tanong ni Lex. "Why bring two baskets? Let me carry the other one."
"Yung isa pong basket kay Sir Brian, yung isa naman sa'kin." sagot ni Alex habang nakatingala sa binata dahil sa tangkad nito. Hindi man lang umabot sa balikat ni Lex ang height ng binata.
"Seriously? You brought more items for this as&hole?" hindi makapaniwalang komento ni Lex.
"Hey! Can I steal him from your dad? I like him to be my PA?" tawag pansin nito kay Brian. Isang ngiti ang ibinigay nito kay Alex habang ginugulo ang buhok nito.
"You can take him, I don't care." supladong sagot ni Brian na hindi naman na pinansin pa ni Lex.
"Alex, you should smile more. You look cuter." compliment ng doktor kay Alex na nagpaawang sa mga labi nito. "Close your mouth or I might kiss you." pang-aalaska muli ni Lex kay Alex na lalo niyang ikinatuwa at kinapula naman ng mukha ni Alex. Nilagpasan na s'ya ni Lex at inayang bumalik pa sa mga shelf at dagdagan ang mga items na kukunin para sa kanya.
"Nakakahiya man pero...salamat, Doc Alex." pasasalamat ni Alex sa doktor dahil nagpresinta ito na s'ya na ang magbabayad sa mga kinuha nitong items. Samantalang si Brian naman ang pinagbayad at pinagbuhat ng sariling mga items mula sa bookstore.

BINABASA MO ANG
Baby Alex
FantasyIsang sakripisyo para sa pamilya na magdadala sa kanya sa mundong kaiba sa kanyang nakasanayan. Isang mundo kung saan laruan ang apoy.