Chapter TWO - "First Day Fight"

23 0 0
                                    

Harriet's POV

Pakatapos naming magpakilala sa isa't isa. Nakakabinging katahimikan uli ang namayani.

"uh.. ano.." ako ang bumasag sa katahimikan. Tumingin sila sa akin. "yung pagkawala ng ilang memories natin ay maraming pwedeng cause. Pwedeng dahil nasa state of shock pa tayo, nauntog ng malakas at nagkaroon ng temporary memo loss, o pwede ding dahil na trauma tayo kaya parang nag auto delete ang utak natin. Hindi ko sinasabing lahat tayo ay iisa ng dinadamdam. Pero sinasabi ko yung possibilities. At ready akong makipagwork out sa inyo. Hanggang nandito tayo sa isla na ito, tayo-tayo muna ang pamilya. Tayo-tayo muna ang magtulungan."

"tama si harriet. Tayo-tayo muna ang magtutulungan para makaalis tayo dito kung nasan man tayo ngayon." Sang-ayon sakin ni paolo.

"ano nang gagawin natin?" tanong ni romalyn.

"libutin muna ang isla for possible resources or any luck" suggest ni kazu.

Nagsitanguan naman kami. Nagsama-sama kaming mag ikot sa gubat na ito. Masukal at talaga naman delikado ang ginagawa naming paglilibot. Minsan kailangan naming umakyat ng mga matatarik na bato. Minsan kailangan naming magpadausdos pababa. Nakakapagod.

Biglang huminto ang nasa unahan kong si Nixon. At imbis dumiretso ito at sumunod kayla paolo, kumanan ito na pinagtaka ko.

"uhmm.. ano.. Nixon?" tawag ko sakanya.

Lumingon siya. May nakapintang tinatamad na ekspresyon sa mukha niya. "pagod nako. Ikaw ba?" ngunit hindi pa ako nakakasagot ay tumalikod na siya at nagsimula uling maglakad palayo.

"h-huh? San ka pupunta?"

Hindi siya lumingon at dire-diretso lang. Alam kong narinig niya ako.

" SAAAAN KA PUPUNTAA?!" sigaw ko ng lalo niya pa itong marinig. Nilingon ako ng mga nauna at bumalik sa amin.

"san yun pupunta?" tanong ni kazu.

"hindi ko din alam." Sagot ko habang pinapanood lang lumayo si Nixon na sinundan naman ni paolo.

Ilang metro lang ang layo nila samin. Nakita kong kinakausap siya ni Paolo. Nakita ko din na nagkibit balikat lang si Nixon at naglakad uli palayo.

Huminto lang ang siya sa tapat ng isang puno ng niyog at naghubad ng damit. Anong ginagawa ng taong ito? Naguguluhan ako. Anong plano niya? Pinulupot nito ang damit sa puno at... nagsimulang UMAKYAT ?! oo, tama. Inaakyat niya ang puno ng niyog. Ilang sandali pa ay nasa tuktok na ito at naghulog ng mga buko pagkatapos ay muling bumaba.

Nang marealize naming ang ginawa niya ay nagsilapitan kaming lahat dito. Umupo si Nixon sa tabi ng anim na buko. Pinagmasdan ko ang mga buko, bigla kong naramdaman ang panunuyot ng lalamunan ko at gutom. Ilang oras na ba kami dito? Gutom na kami't nauuhaw. Nanghihina at pagod. Nag-aalangan na din kami sa dehydration.

"u-uh.. Nixon, p-pwedeng humingi? Nauuhaw na din kasi ako... A-at ano.. m-medyo gutom na din..." sabi ni Hannah na nuutal sa hiya o kaba.

Nilingon siya ni Nixon. "atin lahat 'to." Ngumiti ako. Salamat. Salamat, Nixon.

"eh anim lang yan eh." Angal ni jorrel. Nasa boses nito ang tapang at awtoridad.

"'lang'? Madami na 'to kumpara sa wala. At kung magrereklamo ka pa, mas marami ang anim para sa siyam." Sagot ni Nixon na halatang naiinis at di manlang nag-alangan kay jorrel na ex-con daw-base sa kanya, sabi nya eh. "take it or leave it." Nilingon niya si paolo. "hati-hati na lang tayo. Romalyn at Hannah. Keisha at katiah. Harriet at Richard. Kazu at paolo." Nilingon niya si jorrel. " ano makikihati ka ba sakin o hindi?"

"Abandoned"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon