Chapter Five - "state of shock"

14 0 0
                                    

Paolo's POV

Tahimik kaming kumakain ng tanghalian. Walang naglakas ng loob na mag-ingay. Balot pa rin ng tensyon samin. Pito lang kaming kumakain. Hindi namin mahagilap si richard at nixon. Samantalang si jorrel ay lumayo na rin saamin buhat ng kaganapan kanina at malamang ay nasa kabilang banda ng isla.

Marahil may kaba pa din sa amin. Takot. Halos mapatay ni jorrel si richard kanina.

naalimpungatan ako sa aking siesta ng makarinig ako ng pagkakagulo. agad akong bumangon. nakita ko sa di kalayuan ay nagkukumpulan sila. lumapit ako.

"anong meron?" tanong ko.

napatingin silang lahat sakin.

"kuya paolo, n-nag aaway po si kuya r-richard at jorrel." natatakot na sabi ni keisha.

nilingon ko ang dalawang nagsusuntukan ilang metro lang ang layo samin. Bugbog-sarado na si richard pero walang pumagitna sa kanila dahil na rin sa takot na madamay at lalong gumulo.

"ITIGIL NIYO NA YAN!" sigaw ko.

nilingon ako ni richard at ginamit ni jorrel ang pagkakataon na yun upang suntokin uli ang isa. napaupo si richard sa lakas nuon. tumakbo na ako at pumagitna.

"hoy! estupido. wag kang mangeelam wala kang alam! alis!" hinawi pa ako ni jorrel pero hindi ako nag patinag.

dinaluhan naman ni harriet si richard na tinulungan ni kazu tumayo.

"peste! bakit ba kayo nakikielam!" bulyaw ni jorrel sakin.

"anong bang nangyare?" mahinahon kong tanong.

"eh, gago ka pala eh. nangengeelam ka hindi mo alam?!"

*BOG!*

napaatras ako. ni hindi ko nakita ang suntok na iyon. dumudugo na ata ang ilong ko sa sobrang lakas nun. hindi ako marunong manlaban sa ganitong pagkakataon. at wala akong laban sa isang ito. kung gusto niyang pumatay, alam kong makakapatay siya. "ayusin natin to. hindi tayo bata. anong nangyare?"

"wala akong pake sayo! kaya dapat, wala ka ding pake sakin!" muli nitong sigaw sakin na animo'y napakalayo ko kahit na nasa harap ko lang siya. halos lumabas na ang ugat niya sa sintido.

*BOGSH!*

isa nanamang suntok. napapikit ako pero hindi ako nasaktan. hindi ako ang tinamaan. dumilat ako. nakita kong nakahiga na sa buhangin si jorrel. sa gilid ko ay si nixon. siguro siya ang sumuntok kay jorrel.

"huminahon ka muna." matabang na sabi ni nxon kay jorrel.

"at sino ka para utusan ako?!" sagot ni jorrel.

"at sino ka para gumawa ng gulo?" Mahinahong sabi ni nixon.

sandali silang nanahimik. Pero agad namang sumagot si jorrel. "Masyado kang mayabang. Akala mo ikaw ang batas dito."

"Masyado kang mayabang. Akala mo ikaw ang batas dito."

"Pinipikon mo talaga ako ha?! Hindi mo ba alam ang kaya kong gawin?" Bulyaw ni jorrel habang tumatayo.

"Wala akong pake sa kaya mong gawin. Hindi moko matatakot sa pagsabi mo ng ex-con ka. Kahit pa patayin mo pako. I'll lose nothing. I barely have something. Kung hindi mo kami mapagtsagaan, lumayo-layo ka samin. Hindi ka namin responsibilidad. Mamatay ka mag-isa mo. Hambog." Yun lang at tumalikod na si nixon. Pero tumigil din sya sa likod ko. "Ikaw, kung hindi mo pa kayang harapin ang kamatayan, wag kang pasok ng pasok sa gulo ng walang sandata. Pagpapakatanga yung ginawa mo, hindi bayani." Tumuloy na siya sa paglakad.

Alam kong ako ang sinabihan niya nun. Alam ko.

"Mamamatay ka rin nixon. At ako ang maghahatid sayo sa kaharian mong impyerno!" Pahabol na sigaw ni jorrel kay nixon na nakalayo na.

Ilang minuto kaming tulala. "Kumilos na tayo. Magla-lunch na." Suhestyon ni kazu.

Nagkanya-kanya kami ng gawain sa paghahanda ng tanghalian.

Nang matapos kaming kumain ay nag-aya si rome na libutin ang isla. Hindi pa namin nalili bot ang kabuuan niyon.

Sama-sama kaming pito. Muli naming pinasok ang masukal na gubat ng isla tulad ng unang araw namin dito. Inaalalayan namin ang mga babae dahil madalas ay kailangan naming umakyat sa matatarik na bato. Malayo-layo na din kami sa dalampasigan ng mapansin kong tumigil ang nasa harapan kong si kazu at romalyn.

Nanginginig ang katawan ni rome na pinagtaka ko. "Kazu, bakit?" Tanong ko kay kazu na inaalo si rome na ngayon ay umiiyak na.

"Ewan ko. Inaalalayan ko lang siya sa pag hakbang dito tapos ayan na siya." Sagot naman ni kazu na halatang nag-aalala din.

Bahagya kong binitiwan si keisha at lumapit pa kayla romalyn. "Bakit?" Tanong ko habang hinihimas ko ang likuran niya.

"S-si.. si r-richard.." utal utal nitong sabi.

"Anong meron kay richard?" Tanong ni kazu sa knya.

Hindi siya sumagot pero dahan-dahan niyang tinaas ang nanginginig niyang kamay at may tinuro.

Nilingin naman namin yun.

"OH MY GOD!" Tili ni harriet na nakatingin sa ni rome.

Halos lumuwa ang mata ko sa nakita. Nagpanic ang mga kasama ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko.

"ANONG NANGYARE?!" Sigaw ng hingal na hingal at kadadating lang na si nixon.

Nilingon namin siya. Walang umiimik saamin. Marahil nasa state of shock parin kami

"Abandoned"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon