chapter six -"Before He Was Gone"

19 0 0
                                    

Hannah's POV

NO. this can't be happening. This is the least that I would ever imagine to see. Not anyone of us. Why? Why him? Alam kong hindi niya yun magagawa.

Madilim na ng makalabas kami sa gubat na yun. Natagalan sila sa pagbaba ng bangkay ni richard. Nailibing na din siya nila paolo.

Nasa harap kami ngayon ng bon fire. Walang umiimik. May pagkain pero hindi ginagalaw. Walang gana. Parehas ko, hindi pa rin makapaniwala. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga pangyayari. At marahil ganun din sila.

Muli kong naalala ang mga nakaraang araw... at kung iyon ang magiging basehan, hinding hindi papasok sa utak ko o niya ang salitang 'suicide'. IMPOSIBLE.

Kumpara sakin, mas malaki ang pag-asa niya. Mas positibo ang pananaw. Mas masaya. Maskuntento. Mas palaban. Napakalaking kabaligtaran sa ginawa niyang desisyon.

At ang mga sinabi niya sakin...

-"I always look forward on getting rescued then courting you when everything's right and real again."

Naaalala ko din yung gabing nagconfess siya sakin...

Naglalakad kami sa tabing dagat sa kabilang dako ng isla. Hindi ko pa kayang tanggapin sa arili kong sa lupang ito, sa lupang sinumpa-sumpa ko at dinalhan ako ng samu't saring kamalasan, ay magiging masaya ako. Ayoko. Hindi tamang maging masaya ka sa isang bangungot.

Pero yun ang mismong nararamdaman ko. Masaya ako. Masaya ako dahil sa kabila ng kamalasan ko, sinwerte pa din ako. Maswerte akong may kasama ako. Kasama ko siya. Siya na laging nag-aasikaso sakin. Siya na laging nagpupumilit na pasayahin ako gamit ng korny niyang knock-knock jokes.

Tumigil siya sa paglakad kaya tumigil din ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at hinarap sa kanya. Tinignan niya ako sa mata.

Nakikita kong may magkahalong saya at kaba sa mata niya.

"Alam kong bangungot satin to..." huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "At sa bangungot na 'to ikaw lang ang pinakamagandang meron ako."

"Ha? Ko--"

"Hindi ako nagjojoke. You know me well sa halos dalawang linggo pa lang natin dito, hindi ako magaling sa salita. Pero gusto kitang bigyan ng assurance na pwedeng mong panghawakan sa bangungot na ito na kayang tumagos hanggang sa pagbalik ng realidad satin." Seryosong seryoso ang mukha niya.

Nahuhulaan ko na kung saan patungo 'tong usapang ito. Pero gusto ko pa rin marinig mula sa kanya. Gusto kong makasigurado. Ayokong mag-assume.

"Hindi kita nagegets. Ala--"

"Hannah, gusto kita. Hindi ko sasabihing mahal kita kasi hindi papapunta pa lang ako doon."

"Eh ma--"

"At hinding hindi kita hahayaang mag-isang lumaban sa bangungot na ito. Tulad mo, gusto kong maging pinakamagandang bagay sa bangungot mo. Pero pwede ding sa sweetest dream mo. Hindi kita pababayaan. Tandaan mo yan. Kahit pa umepal si kazu satin." Mula sa matamis na ngiti, nakita kong nag-shift agad iyon sa isang simangot. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Masaya ako pero hindi bagay na tumawa. Indulge the moment without ruining it.

"Bakit naman nasali si kazu?" Tanong ko habang pigil na pigil na tumawa.

"Pinopormahan ka nun. Hindi mo alam diba? I like you more because of that. Ang inosente mo masyado kung hindi ka manhid." Ngumiti ulit siya pero sa pagkakataong ito, pilyo ang ngiting iyon.

"Hindi ah. Nararamdaman ko ngang gusto din kita eh." Sabi ko na nakapagpalaki ng mata niya. He looked so shocked. Bahagya pang umawang ang bibig niya. "Gusto. Hindi mahal. We're still going there." I smiled back.

"I like the idea."

Masaya ang gabing iyon. Full of hope. Our vision is focused to the future. To our, hopefully, happy ending. Ibang-iba sa gabing ito na puro sakit ang nararamdaman ko. Na nalulungkot ako. Na mag-isa ako.

Ayokong maniwalang iniwan na niya ako sa bangungot na ito. Sa aming dalawa, siya 'yung malakas, yung mas positibo, kaya kung may magdedesisyon ng ganoon sa amin, mas kapanipaniwala kung ako iyon.

Lalong kumirot ang puso ko ng maalala ang huling sandali naming magkasama. Parang kanina lang ay buong puso niya akong hinalikan.

At naging hindi kanais-nais na saksi doon si jorrel dahil matapos ng halik na iyon ay kinaladkad niya palayo sa akin si richard at pinaulanan ito ng suntok. Hindi ako nakagalaw ng mga oras na 'yun. Naestatwa ako sa bilis ng pagbabago ng takbo ng damdamin ko. Punong-puno ang puso ko ng pagmamahal na agad pinalitan ng kaba at takot. Binugbog niya si richard na halos hindi na makilala. Inawat sila at ginamot ni harriet si richard gamit ang iba't ibang halaman. Sa sobrang takot ko'y hindi ako makalapit agad sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang ginanoon ni jorrel dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang atraso dito. Nang mapagpasyahan kong damayan siya ay agad niya akong pinigilan at lumayo. Akala ko ay gusto niya ng oras makapag-isip kaya hinayaan ko siya at hindi na hinabol pa. Kung alam ko lang na 'yun ang huling pagkakataon ko, hahabulin ko siya hanggang sapinaka sulok-sulukan ng isla. Pero ngayon, wala na akong magagawa. Iyon ang masaklap.

-'... sa ganitong posisyon. Ayokong ganito rin ako gigising. Gagawin ko ang lahat para magising ako sa bahay ko kasama ang mga kapatid ko.' Biglang nanumbalik ang pangyayaring iyon sa aking isipan. Ang determinasyon ni richard na makaalis sa bangungot na ito at ipagpatuloy ang naiwan niyang buhay. Isang katibayan na hindi sasagi sa isip niyang magpakamatay.

May mali.

Kailangan kong balikan ulit ang mga pangyayari.

Meron akong nakaligtaan.

Isang importanteng bagay...

Na magpapatunay na hindi 'to suicide.

Kundi isang krimen. MURDER. At isa sa amin ang killer.

Sino? Sino ang potensyal?

Sino ang may dahilan?

-'hindi pa tayo tapos, gunggong!' Umalingawngaw muli sa utak ko ang makapagtindig balahibong sigaw ni jorrel kay richard matapos mawala si nixon sa kaganapan.

Rumagasa ang halo-halong damdamin sa dibdib ko. Ang lungkot sa posibilidad ng aking haka-haka. Ang sakit ng pagsisisi na hindi ko ginawa ang lahat para mapanatili siya sa tabi ko. Ang takot at kaba na kung totoo ang iniisip ko, kasama ko lang sa islang ito ang pumatay sa lalaking nagpapasaya at nagpapatatag sakin.

Trinaydor na rin ako ng akin mga mata dahil kahit buong lakas kong kinulong ang mga luha at hikbi ko ay nakawala pa rin sila.

"Naniniwala..." pinilit kong itigil ang paghikbi ngunit hindi ako nagtagumpay. "Ba k-kayong sui.. suicide to?"

Kahit pinanlalabuan ako ng paningin dahil sa mga luha, alam kong nilingon nila ako ng may seryosong mukha.

"D-dahil alam kong.. h-hindi. Isa 'tong m-murder" bumuhos nanaman ang mga damdamin ko. Kusang tumaas-baba ang mga balikat ko. Nanginginig ang mga labi. "Murder."

At nagkaroon ng inaasahan kong komosyon.

"Abandoned"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon