Chapter Four - "in the depth of minds"

23 1 0
                                    

Hannah's POV

nadilim na. ang liwanag ng mga bituin at ang nauupos ng apoy mula sa bon fire na lang ang ilaw namin dito sa isla. kung nasa ibang posisyon at ibang sitwasyon siguro ako ay lubos akong matutuwa at hahanga sa tanawin. kung isa lang itong trainning semminar tulad ng dati kong inattendan. kaso ay hindi. hindi ito isang trainning semminar na sa loob ng tatlong araw o lima ay tapos na at makakauwi ka na sa tunay mong bahay. na pag tapos na ay babalik na uli sa normal working days ang buhay ko. na nami-meet ang bawat needs and neccessities ko bawat araw.

dito sa islang ito, sa ganitong sitwasyon, iyon ang pinakamalabong mangyari. hindi ko alam kung bakit ako nandito. pano nangyari 'to. ano ba ito? isang malaking kalokohan?

iniisip ko na isa ito ay dulot ng isang plane crash. pero isa iyong malaking mali.. bago pa man ako makatungtong sa hagdan ng eroplano ay nahimatay nako. may aviophobia ako, malaking takot sa eroplano dulot ng isang plane crash ang kumitil sa buhay ng mga magulang ko. kasama ko sila sa isa dapat na masayang bakasyon. ngunit nagkaroon ng engine failure ang eroplanong sinasakyan namin patungong hong kong. hindi namaniobra ng mga piloto ang pabagsak na eroplano at nagcrash landing. lima lang kaming nakasurvive sa pagsabog ng eroplano. ang katawan ng mama, papa at kuya ko ay kasamang naupos ng parte ng eroplano.

hindi ako napadpad dito dahil sa plane crash. malabo. at wala rin akong dahilan para sumakay ng eroplano. no one can dare me to ride a plane.

sa isang iglap ay natapos ang masaya kong buhay. kinupkop ako ng tita ko matapos ang trahedya. at unti unti akong bumangon. mahirap. pero i wanna make my family proud in heaven. pero pinahiram lang pala ako ng Diyos ng isang magandang alaala. at ngayon ay binawi na niya.

wala akong makitang dahilan ng pagkaligaw ko dito. malabo. malabo pa sa tubig ng ilog pasig.

"ang lalim ng iniisip mo ah?"

nilingon ko si richard. humiga siya buhangin malapit sa tabi ko.

"iniisip ko lang kung bakit ako nandito. papaano." sagot ko.

"wag mo ng isipin. sasakit lang ang ulo mo. kahit ako, ilang beses ko mang alalahanin, wala akong napapala. tsaka, kahit maisip mo pa ang sagot sa tanong mo, hindi ka marerescue nun sa lugar na 'to."

tama siya. pero hindi ko maiwasang mag isip. "anong buhay meron ka bago ka pa man mapunta dito?"

"masaya. kuntento lang ako sa kung anong meron ako. hindi kami mayaman. pero masaya at kumpleto ang pamilya ko. marami rin akong kaibigan. may maayos akong trabaho. walang dahilan para maglayas ako at gawing miserable ang buhay ko sa lugar na 'to."

namayani ang katahimikan.

"ikaw?"

"my story begins with seven years of sweet dreams na sinundan din naman ng nightmare. a huge life-changing nightmare na nagdulot sakin ng ten years of agony. imagine that, ten effin years over that nightmare! nang matauhan ako, nagkaroon ako ng a bit normal life. to sum that up, my ife is the line in the heart rate monitor, full of ups and downs. magkakaroon lang ng constant status ang buhay ko kapag flatline na. kapag patay nako." i faked a laugh

"oh." napatingin ako sa kanya. inaalok niya sakin ang t-shirt niya kaya ngayon ay shirtless na siya. "gamitin mo. naiihi na natatae ako 'pag may nakikita akong babaeng naiyak. nakakahiya, wala pa namang panghugas dito. suminga ka na din dyan. ayos lang." nginitian niya ako.

bahagya akong natawa. narealize ko na lang bigla na sobrang bigat na pala ng drama sa pagitan namin.

tinanggihan ko ang damit niya. "wag na. soutin mo na yan. kung hindi ka mapupulmonya, magkakadengue ka naman."

"Abandoned"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon