Chapter Three - "Irregular Imagination"

22 0 0
                                    

Keisha's POV

lahat kami ay nakakain na sa tulong ni kuya nixon. lahat kami ay nag-thank you at nag-sorry sa kanya dahil sa masamang inisip at inasta namin sakanya.

"bumalik na muna tayo sa shore." suggest ni kuya paolo.

"oo nga. mas delikado dito sa loob lalo na't gabi." pagsang-ayon ni kuya kazu.

naglakad uli kami pabalik. sobrang hirap at nakakapagod. maraming beses akong nadapa. maraming beses akong nasugatan pero kailangan kong magpatuloy. ganun ang magiging buhay namin dito. maghihirap kami pero kailangan naming magpatuloy para mabuhay.

"ate." tawag ko kay ate kath.

lumingon siya sakin. nagtatanong ang malungkot niyang mga mata. kita sa mata niya ang nagbabadyang luha na hindi naitago ng makapal na grado ng salamin niya.

niyakap ko siya. mahigpit nayakap. niyakap niya din ako. may longingness sa yakap niya. gusto kong isiping bangungot lang ang lahat ng ito. na matatapos din ito sa pagtunog ng manok ng kapitbahay namin. at pag gising ko, una kong gagawin ay yakapin si mama at papa. makikipag bonding kay kuya kurt, kuya kerv, at ate kath. sasabihin ko kung gano ko sila gustong makasama. ipapakita ko sa kanila kung gano ko sila kamiss at kung gano ako katakot na mawalay sa kanila. gusto ko ng gumising. gusto ko ng matapos ito.

"shh. tahan na kish" pag-alo sakin ni ate habang hinahagod niya ang likod ko. naiyak na pala ako. "Magdasal ka. si Father God lang ang makakatulong satin sa sitwasyong ito. papakinggan ka niya. malakas ka kay God eh." chini-cheer up ako ni ate.

kumalas ako sa yakap. i gave her a weak smile. nakita kong basa din ang pisngi niya. "ate, I love you. Sorry sa mga nagawa kong mali sayo ha? sa mga short comings ko."

ngumiti siya. "para ka namang namamaalam. tsk. kailangan pa palang mastranded tayo dito bago ka magsorry eh. hahaha. i love you too, kish. sorry din."

~~~

Romalyn's POV

hapon na. ilang oras na lang ay magdidilim na. nagbabad muna ako sa tubig-dagat. naka-undies at short lang ako. i don't mind at all. stressed ako. wala na akong paki sa sasabihin ng kasama ko. hindi naman nakakasuka ang katawan ko. gusto ko lang talaga magbabad sa malamig na tubig-dagat at baka sakaling na-unwind ako. hindi ko alam ang iisipin. para akong map-praning pag inisip ko ang sitwasyon namin ngayon. parang kahapon lang, I'm on the peek of my career. awards dito, photoshoot doon, kaliwat-kanang mall tours at walang humpay na projects. I'm living in a sweet life. but in a blink of an eye, POOF! eto na ako. stranded sa isang unknown, undiscovered island. surrounded by ordinary lost people.

to come and think of it, iniisip ko, baka isa itong reality show. like my hidden cameras everywhere. pakiramdam ko kasi laging may sumusubaybay sakin. or baka paranoid lang ako. pero napaka-imposible naman na lahat kami ay walang maalala kung pano kami napadpad dito. parang na set up kami. na parang pili talaga kami na mapunta dito. ewan. ang weird ng feeling ko. siguro praning na talaga ako. pero kung reality show nga ito, it's time to shine. but, anong mechanics? rules? prize? ano to, survivor of the philippines? pinoy big brother outdoor edition? what?

"romalyn!"

nilingon ko ang isang t-shirtless na lalaki, matangkad, chinito at may well-built body. "oh?"

lumapit siya sakin at lumusong din sa tubig. "kanina ka pa dyan ha?"

"ah. ang sarap kasi dito. malamig yung tubig kahit papano, nakakabawas ng stress." sagot ko. umupo siya sa tabi ko. parehas kaming nakaupo at hanggang siko niya ang tubig. niyakap ko ang tuho ko. siya naman ay diniretso sa ilalim ng tubig ang paa.

bumuntong-hininga siya. "hanggang kelan kaya tayo dito?" tanong nito habang nakitingin sa papalubog na araw.

pinanood ko din ang sunset. "sana hindi tayo magtagal dito. kung hindi ako mapapatay sa gutom o ng mabangis na hayop, mamamatay ako sa depression."

naramdaman kong nilingon niya ako. "wag kang masalita ng ganyan. just think na isa lang itong nightmare na once you wake up, everything's back to normal. you have a long and wonderful life ahead of this, romalyn."

"sana nga. by the way, call me rome. masyadong mahaba ang romalyn." nilingon ko siya. nakatitig lang siya sakin.

"kazuhiro. kazu for short." nag-alok siya ng kamay at ngumiti ng matamis. ngiting nangc-comfort.

tinanggap ko iyon.

"tara, ahon na tayo. hindi din magandang babad ka sa tubig-dagat."

tumango ako at tinulungan niya akong tumayo. nagulat ako nang makita kong may bon fire na sa gitna ng nakapabilog na kasama ko. may dalawang stick naman na may nakatuhog na tig dalawang malaking isda na iniihaw ni richard at hannah.

"w-what happened? did an airplane just landed and gave us gas and lighter wnd some fresh fishes?" so is it a kind of reality show after all?

he giggled. "ang wild ng imagination mo. kung may plane man, maririnig mo yun at wala na dapat tayo dito. si paolo at nixon ang nanghuli ng isda. and i built the bon fire. alam mo na. mapeh teacher. sanayan sa campings. si jorrel at hannah ang naglinis ng isda. tutal they are somehow good at that stuff."

tumango-tango ako. a bit disappointed. i know there's something wrong. i felt like we're not just stranded here. ugh! sigiro nga, wild lang ang imagination ko at talagang may nangyaring masama, like airplane crash, at mapadpad kami dito. p-pero... my senses really tell me other way round. ARGH! Tell me what's wrong. give me a sign. or is there really something wrong?

"Abandoned"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon