LANCE'S POV
" Hannah anong nangyari? Bakit ganyan yang mukha mo? May ginawa ba si caelan sayo? Hannah sagutin mo ko! Anong ginawa ng lalaking yun sayo!!! " sabi ko habang hawak hawak ang mukha ni hannah habang bakas sa mukha nito ang paghihinagpis mula ng buksan nito ang pinto
Hannah. " pagod naku gusto ko ng matulog. " biglang patuloy nito sa paglakad papasok
" tsk! Nasan yung lalaking yun ha!!! " sabay bukas ko ng pinto at silip sa labas
Hannah. " lance.....hindi ko siya kasama....at wala siyang ginawa sakin....matulog kana lang at magpapahinga na rin ako. " sabay pasok nito ng kwarto
Kayat wala akong nagawa kundi umupo lamang sa sala
Habang bakas sa mukha ko ang labis na pag aalala
Hanggang sa marinig ko ang isang mahinang iyak
Kayat agad ko itong sinundan
Hanggang sa nadala ako nito malapit sa pintuan ng kwarto ni hannah
At agad inilapit ang tenga ko sa pintuan na naging dahilan upang mas lumakas ang tunog ng iyak
" hannah? Pwede ba akong pumasok. " mahina kung sabi ngunit hindi ito tumugon at huminto sa pag iyak
" alam kung gising ka pa.....may gusto ka bang pag usapan muna? "
Hannah. " lance......" mahina nitong sabi kayat agad ko na ring binuksan ang pintuan nito at pumasok
Ng bigla kung makita si hannah na nakahiga at namamaga ang mata
kayat dali dali akong lumapit sa kanya
" bakit ka umiiyak!? " sabay hawak ko sa mukha nito
Ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit at humahagulhol sa iyak
Hannah. " pagod na pagod naku......ayoko ng mabuhay. " hagulhol nito ng iyak
" Hannah.....problema lang yan.....nandito lang ako....makikinig ako sayo. " sabay yakap ko pabalik at himas sa likod nito upang tumahan
Hannah. " si caelan....at aiden.....magkapatid sila.....at hindi man lang nila sinabi sakin....pinagmukha nila akong tanga. " tudo nito sa pag iyak
" tsk! Humanda sila sakin! Dudurugin ko yung mga buto nila! " konot noo ko
Hannah. " tapos.....yung daddy nila.....ininsulto ako.....na para bang....kilalang kilala niya ako....sabihin mo nga.....malandi ba talaga ako? " iyak parin nitong sabi habang magkayakap
" hannah hindi.....mabuting tao at totoo ka lang....kaya maraming nagkaka gusto sayo.....kasi may personality ka na wala sa ibang babae....ibang iba ka sa kanilang lahat.......kaya hindi ka malandi......maganda ka lang at kakaiba. "
Hannah. " lance....salamat.....ikaw lang talaga yung nakakapag pagaan ng loob ko. " sabay yakap nito ng mas mahigpit at tahan sa pag iyak
" nandito lang ako.....magpahinga kana....ako ng bahala sa kanila. " sabay higa ni hannah at tabi ko naman sa kaniya
Hannah. " lance ipangako mo sakin na wala kang gagawing makakapag pahamak sayo. " alala nitong sabi
" pero hannah. "
Hannah. " please....kahit para lang sakin. "
" ku.....ng yan yung.......makakapag pagaan ng loob mo.....sige na mag pahinga kana....nandito lang ako sa tabi mo. " sabay yakap ko sa kanya hanggang sa tuluyan na itong nakatulog
BINABASA MO ANG
Maybe it's you [COMPLETED]
Romance" Dulot ng nakaraan, kung bakit siya ganito sa kasalukuyan, ngunit nag bago para sa kinabukasan " kuntento na si hannah sa mga meron siya, ngunit dahil sa isang tao hindi lang buong buhay niya ang nag bago kundi pati narin ang boo niyang pagkatao, i...