Valentines Day!!!
May balak kayong mag-luksa? No way, bitter lang kayo hindi namatayan okay!
Tip #1
Wala kang maisip na gawin? Wag kang lalabas ng bahay ha. Baka sumabog ka! Wag ka ring magbubukas ng T.V neither Radio kahit Computer (ok lang yung walang internet connection) Wag ding buksan ang cellphone kung alam mong mahilig mag-gm sila friends and classmate. At ang gagawin natin ngayon ay ..... (tentenenen) Ituring na normal ang inyong araw, FEBRUARY 14 - Love Month. Just Kidding, hindi ito normal para sa inyong mga bitter - dahil ang araw na ito ay hell day nyo. February 13, i-ready ang mga funny movies sa laptop. Maghanda kana rin ng ballpen at papel, ido-drawing natin yung hinayupak na nag-basag sa puso mo gawin mong mukhang unggoy! Bumili ng mga chocolates, kunwari may nagbigay talaga sayo. XD Maglaba ka ng damit mo. Ayusin ang kwarto, ang damitan, ang lagayan ng sapatos, ang gamit sa eskwelahan, inisin ang kapatid - kapag umiyak patahanin mo din kaagad. Magdilig ng halaman. Kung may katulong sa bahay, matulog maghapon, mag-exercise ipakita mo sakanila na kahit bitter ka sexy ka naman! (Parang ako - dati) XD Mag-post sa facebook ng 'Happy Halloween' w/ feelings. Kayo na bahala sa feeling.Tip #2
Umaktong parang wala lang, wala naman talaga e. Tao din tayo at pagdadaanan ang buwan/araw ng Pebrero. E ano naman kung araw ng mga puso? Mag-enjoy ka kung anong magpapasaya sayo. Pero kung alam mong walang mag a-aya ng date or magbibigay ng mga sweets and flowers sayo, wag mag-expect! At wag na wag nyong gagawing tanga yung sarili nyong magbibigay kayo ng mga letters, chocolates, hearts, teddy bears at kung ano-ano pa yung mga crush nyo. Kung crush lang! Una sa lahat, sayang pera, sayang yung pride, sayang lahat. Lalo na kung babae ka pa. Wag nyong gawing desperada ang mga sarili nyo, gagayahin nyo yung mga napapanood nyo? Nababasa? Pinagbabantaan ko na kayo! Asan na ang Maria Clara ng Pilipinas? Ibalik! *insert rally* LoL !!!Tip #3
Tarang mag-basa na lang ng libro? *insert laughs* Wag mong iisiping kawawa ka, never naging kawawa ang taong walang lovelife - diba #@+)$%??? Hindi tayo mamatay sa araw na ito! Pramis, makaka-survive tayo. Pm nyo ko sa Feb. 15 kung buhay pa kayo ah. :D
Hindi ko kayo mahal,
Ate Elle. XD

BINABASA MO ANG
Bitter|Sweet
Подростковая литератураTry mong isawsaw yung ampalaya sa asukal. Anong lasa? :D