Yung kaklase mong mang-aagaw ng crush!
Nakaka-bitter yung magku-kwento ka sa kaklase mo ng mga kilig moments mo tapos ituturo mo sakanya yung crush mo at pagdating ng ilang araw malalaman mong crush nya na din yung crush mo! Masaya syang nakikipag-kwentuhan sayo habang ikinukwento mo sakanya yung tungkol sa crush mo at hindi mo nalalaman na crush na nya rin yon. Ok, paulit-ulit na tayo. Nakaka-bitter yung ganun no? Kaya meron ulit akong tips kuno para maging masaya ang ating 'Buhay Ampalaya'
Tip #1
Wag ng magsasabi ng crush sa kaklase o kaibigan. Swear, 80% ng iyong lablayf ay nasa panganib. Maaaring, agawan ka! (Parang pagkain lang. XD) Pwede ding malaman ng crush mo na crush mo sya at ang kalalabasan ay iiwasan ka nya.
Tip #2
Mas maganda kung itago mo na lang ang nararamdaman mo. Pano kung isa ka lang pa lang nobody sa paningin ng crush mo? Edi pahiya ka pa!
---
Pero ang topic talaga natin dito ay tungkol sa mang-aagaw ng crush. Kung san na tayo napunta.
Tip #3
Pumili ka ng taong mapagkakatiwalaan mo talaga sa ganyang bagay. Kung magkataon mang mangyari nga sainyo ang magkagusto sa iisang tao, just go with the flow. Wag gayahin ang iba na magpaparaya, or ipag lalaban ang nararamdaman, may iba tayong istorya. Bahala na kayo kung paano nyo dadalin ang sarili nyong mga buhay.
Hindi ko kayo mahal,
Ate Elle
