Bitter ka kasi hindi ka maka-move on?
Ehem! Yung mga broken-hearted jan. Bitter ba kayo? Normal lang yan.
Magmamagaling muna ako ngayon na akala mo ay may experience sa pakikipag-relasyon.
Tip #1
Pray ka kay God. Gawin mong busy yung sarili mo, pero wag mo namang aabusuhin. Try new things, wag yung mga masama a. Pag nasasaktan ka pa rin, hayaan mo lang na masaktan ka, magsasawa ka rin. Be positive thinker, isipin mong may iba pang babaeng/lalakeng mas deserve yung pagmamahal mo.
---
Pag hindi nag-work, let's move on to ...Tip #2
Try mo ulit yung tip #1. Kumbaga sa performance, practice makes you better. Diyan sa ginagawa mo, mas maganda kung gagawin mo ng paulit-ulit yung mga bagay na alam mong makapag papabuti sa kalagayan mo.
Tip #3
Isipin mo may malalang sakit ka physically, yung doctor yung mga taong nagmamalasakit sayo like family and friends, pero ikaw pa rin sa sarili mo yung magkukumbinsi sayo kung gusto mo bang gumaling sa sakit mo. Tsaka magpatawad ka, patawarin mo sya, kahit mahirap. Kung si God nga kaya tayong patawarin sa mga kasalanan natin e, ikaw pa kaya.
---
Hindi ko kayo mahal,
Ate Elle