Ampalaya Series #6

50 2 0
                                        

Dalawang araw akong absent - exam namin yun. Nilalagnat kasi ako! (Baka labnat?) No way! Hahaha. Tapos yung tipong minsan kana nga lang papasok, may mga pangyayari pang ayaw na ayaw mong nasasaksihan.

Kasalakuyan akong nakikipag-kwentuhan nung mga panahon na yon sa mga kaklase ko, na-miss ko eh. Dalawang araw din kasing naging tahimik ang buhay ko sa bahay. XD So ayun nga, bigla ba namang may nag sigawan sa labas, sa kabilang building katapat ng building na kinalalagyan ko. Edi ako naman itong si chismosa, tinignan kung anong kaguluhan yung nangyayari! May lalaki binigyan ng bouquet of flowers yung babae! Bilis akong bumabalik sa upuan ko. Hanep naman kasi! Ang OA...OA...OA!!! Kala ko kung anong pinagkaka-guluhan? Yun lang pala, at alam nyo kung anong nangyare? May mga nagbi-video, mga naglabasan pa'y ibang nagkaka-klase sa 2nd floor at 3rd floor ng bawat building at naki-sigaw na rin ang mga hinayupak! Ang ingay. Tapos bigla pang sumigaw yung classmate ko, yung sigaw na kinikilig... Sabi ba naman, "Whhaaaaah... Kinikilig ako, gusto ko din nun." potek, kung di lang ako Maria Clara sa school ... nasapok ko na yun. Ang arte eh! O bitter lang ako? XD Anyways, wag tayong magpaka-babaw. Keep calm and be bitter. Hanudaw? :D Yung mga ganun kababaw na eksena e hindi dapat tinitilian. Mas maganda yung satin jan, pagdating ng panahon. Keep Calm and Be Professional pala dapat. Achuchu! XD

Pero hindi pa jan natapos ang araw ko. First subject. Binigyan kami ng activity sheet, at dahil medyo tinatamad pa ako dahil nagku-kwentuhan pa kami ng mga kaibigan ko. Inilabas ko'y cellphone ko at napag-tripan kong ipakita yung picture ng kaibigan ko sa mga kaklase ko/kaibigan ko rin. Yung picture na yun e, nakapanlalaking ayos yung classmate kong babae. Na kung iyong makikita, sya ay may ka-gwapuhang tinataglay. Achuchu. Ingay! Nag-ingay si Mau, yung isa kong frienship - may kahawig daw kuno si Diana- sya yung babaeng naka panlalakeng ayos, friend ko din . Tas napa- whoah naman si Larraine, friend ko din. Nasa kalagitnaan kami ng tawanan habang nag-aapiran pa ng biglang umepal yung hanep na Sir. Panot naming guro sa Filipino! Abay makakapal daw yung mga mukha namin dahil nakuha pa raw naming mag cellphone sa klase nya! At inulit pa yung 'Makapal ang mukha namin' at sabi pa, porke mabait sainyo yung teacher nyo - binabastos nyo na! Grabe, di ko nga alam na nandun sya yeh. We respect teachers, pero sya? Tssss. (No comment) Bat ganun? Ayoko mag-judge pero, sya pinaka kinaiinisan ng mga estudyante don. Hindi nga sya mabait e, katanda na kasi ayaw pang mag-retire. Nakaka-iyak kaya yung pag-sabihan kayo ng ganun. Putek, buti na lang at masaya kami ng mga panahon na iyon. At laking pasasalamat ko ng hindi kinonfiscate ang aking pinakamamahal na cellphone. XD Nakaka-bitter yung ganung teacher noh? Sino agree? Kaway kayo jan.

Hindi ko kayo mahal,
                     Ate Elle

Bitter|SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon