Chapter 11: Cubicle 2

61 0 0
                                    

Iisang lamesa kasama ang suso na to. Tsk!

But he's not talking to me though. Iba ang aura niya in this type of occassion. He seems...

Professional

Intimidating

Smart

Hot??

Ayy! Ano ba! Tsk, hayaan mo nga yang mayabang na yan!

Buti nalang di na niya ako kinakausap. Kausap niya yung mga high profile people. Hulaan ko ang topic nila; business, politics at kung ano pang mga ka-echosan ng mga taong to.

One thing is for sure. Ang iba sa kanila, nakikipagplastikan lang. Haixt.

I look around noticing some familiar faces I usually see on TV. Politicians, business tycoons, mga kilalang tao sa bansa. May artista pa. Kaibigan ba talaga silang lahat ni Daddy? Haizt ewan.

Nagsisimula na akong mabored, and the fact that I can't mess with this type of crowd gets into my nerves.

"Bored Astrid?" biglang tanong ng suso sa akin. Inismiran ko lang siya.

He just gave me that smile. NakakaBV talaga yang ngiti niyang yan!

Magrereact na sana ako ng may biglang lumapit sa table namin. Kambal. Mga blonde sila at ang pupula ng nguso. Di muna ako manghuhusga. Maybe later. haha!

"Hi Flare." Sabi noong isa.

"May I help you?" tanong ni suso. Wow, ang gentleman ng dating ah!

"Im Lindsey," Pagpapakilala ng isa.

"and this is Lucia." dagdag niya pa.

At kami ang super twins! Ay! Di pala.

Tatawa na sana ako, buti napigilan ko.

Pero napansin yata ng Lindsey ba yun?

"Anything funny?" tanong niya sa akin. Eh?

Tiningnan ko lang siya. Hindi naman sila ang pinagtatawanan ko ah, yung iniisip kong malajoke na sasabihin nila, yun ang nakakatawa. Haixt.

"Wala naman, pasensya na." Sabi ko at napainom ng tubig. Then I look at Flare na nagpalingolingo.

Eh? Problema nito?

"So, tinanggap niyo na pala ang merging proposal ng mga Angeles." Sabi ni Lindsey. Wait? Merging proposal?

Uminom lang si Flare ng tubig and I was left staring at him, waiting for him to answer.

"At an early age, you're running your families company right? You are better than this Flare. I mean why accept their proposal when you know that our company is more distinguished than theirs?"

What the! Magrereact sana ako sa sinabi niyang si Flare ang nagpapatakbo sa company pero.. Ano raw yung tungkol sa company namin?

Binaba ni Flare yung baso niya.

"We are not on business grounds to discuss this matters Ms.Fuentabella. And besides, it's already been decided. I guess there's nothing left to say." Sagot naman ni Flare.

Wow! Nganga ako doon ah. Haist! Grabe!

Natahimik naman si Lindsey at umalis. Naiwan ang kakambal niyang si Lucia.

She looked at us.

"Sorry sa inasal ni ate Flare ha? tsk. Sinabihan ko naman siyang magmove-on na. Di kasi nasanay na di nacoclose ang deals niya. Sorry." She said.

Cassanova PanicWhere stories live. Discover now