"Saan ba kasi tayo pupunta?" inis na tanong ko sa kanya.
Hindi na naman siya sumasagot! Kanina pa to eh! Pagkatapos niyang pagsamantalahan ang inosente kong mga labi naging mute na ang loko!
*FLASHBACK*
"Put your seatbelt on." he commanded gently as he broke the kiss.
Tiningnan ko lang siya ng masama and his eyes become narrow.
"Fine!" inis na sabi ko and he gave me his annoying I-WIN-SMILE. Masipa nga to.
"Aow!" he blurted out.
"Aw awin mo mukha mo! Bw*$*t ka! Kung sino-sinong babae ang hinahalikan mo tapos hahalikan moko? Wow! Ang sarap naman ng buhay mo noh?" galit na sabi ko habang naglalagay ng seatbelt.
"Tss, just tell me kung ayaw mong makitang may kahalikan akong iba. Madali lang ako kausap Astrid." he said and gave me a milisecond glance as he started to drive.
"Tumahimik ka! Mahangin!" As if naman susunod siya kung sasabihin ko yun and besides, pakialam ko ba kung makipaghalikan siya sa kung sino-sino lang? Bw*$*t lang talaga at pati ako nadamay sa pagiging suso niya.
Ngumiti lang siya ng nakaka-inis at nagdrive.
*End of Flashback*
After that, di na siya sumasagot. Ano ba naman kasing problema ng lalaking to. Tss!
"Hoy!" tawag ko sa kanya.
"Di ka ba tatahimik?" he asked. Finally, he talked.
"Nyenyenye.. saan mo ba kasi ako dadalhin, kanina pa tayo drive ng drive ah?" tanong ko ulit sa kanya.
"Actually, I really don't know kung saan tayo dapat pumunta. I don't want to bring you to the bar either kasi baka halikan mo na naman ako pag nalasing ka." he said with his annoying smile. Aba! Kung makapagsalita tong mokong na to ah!
"Wow, nahiya naman ako sayo. Kani-kanina lang hinila moko para mahalikan mo and to think na di ka pa lasing nun. Bastos!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Astrid ang bastos yung nanghuhubad sayo, hinubaran na ba kita?" at dahil sa tanong niyang yun ay napaisip din ako.
At narealize ko..
napatingin ako sa kanya.
Nahubaran na nga niya ako. Awkward.
Nagkaroon din tuloy ng awkward silence, narealize na kaya niya yung sinabi niya?
Napahinto kami sa isang stop light at napatingin siya sa akin,
...from head to foot.
"Now, I remember." sabi niya at kasama na naman yang kainis niyang ngiti! Ayy! Kainis talagaaaa!
"Walang duda Ricamonte, Bastos ka nga." sabi ko sa kanya.
"I'll take that as a compliment." He said at nagsimula na namang magmaneho.
"Ganito ka ba sa mga babae mo?" I asked out of no where.
"Haha! Bakit Astrid? Babae ba kita?" He asked back.
Napatigil ako.
O___O
Ano ulit yung tanong niya?
Damn. Siya ang bobo.
"Ang trato mo sa mga babae mo, ugok!" pagcaclarify ko.
"Ahaha! You know too little about me Astrid. Im not that guy na hinahalikan lang ang mga babae ko." He said ng walang kahit konting bahid ng pagdadalawang isip. Nakakapangilabot nga siya.
YOU ARE READING
Cassanova Panic
General FictionKailan ba nagpapanic ang isang Cassanova? Tingin niyo? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ©MimingMo This story is fictional. Any similarities with the name, people, places and happenings in real life was meant to be a coincident. STRONG PARENTAL GUIDANCE is advic...