Tammy's POV
Field Trip!
Great!
Sabi kasi ni maam we should have a close encounter with nature.
"Hi Tammy."
Bati ng kaklase kong si Jeff habang umuupo sa bakanteng seat sa likod ko.
Nasa bus kasi kami ngayon. And we are currently filling in the seats.
"Dito ka kaya umupo sa tabi ko." Alok ko sa kanya, wala kasing tumatabi sa akin.
Nang biglang may bag na bumagsak sa katabi kong seat.
Kumunot ang noo ko.
Sa reaction pa lang ng mga kaklase ko, kilala ko na kung sino to. Agad naman siyang umupo at di nagsasalita.
Himala, wala na siyang highlights sa buhok. Sinunod niya yung sinabi ko sa kanya sa party. Itim na itim na ang buhok niya.
Kung di niyo kasi nalalaman, isa sa nakakabadvibes tingnan sa kanya dati eh ang buhok niya. Now, deep black hair really suites this creep. Pero ngayon, nakapikit lang siya kasama ang headphones niya. Nakajacket pa.
Pagod?
Ewan.
Di ko na ginalaw. Mabait naman to kapag di tinotopak.
"Next time nalang Jeff." Pagpapasensya ko sa kanya.
Actually, minsan lang ako namamansin ng kaklase. Hindi naman dahil di ako namamansin, madalas kasi nararamdaman kong ayaw nilang pinapansin ko sila.
Nag-announce na ang prof na aalis na ang bus namin.
Wala lang.
Like the usual, boring na 3 hours drive Wala akong makausap, tapos tulog ang katabi ko. Kung sila Gab to, malamang kinulit ko na to para magising.
"Sh*t" narinig kong mahinang sabi ni Flare. Habang nakakuyom ang mga kamay.
Problema neto?
He took a deep breath afterwards and relaxed himself.
Nagtataka na tuloy ako.
Tsk.
Tinitigan ko siya and napansin naman yata niya.
He just stared and didn't say a word.
No naughty gestures or what.
Just his plain, serious face. Then he looked away.
What was that?
Iba rin ang epekto ng pagiging itim ng buhok niya ah. Kaya tinitigan ko parin siya. Nakakapanibago talaga yung buhok.
"Di ka ba titigil?" biglang sabi niya.
"Saan?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin na para bang naiinis siya sa akin.
"Diyan sa kakatitig mo." sambit niya.
"Yabang mo dude." Yun nalang sinabi ko at tumingin ako sa bintana.
Ano bang problema neto? Matino naman siya noong huli kaming nag-usap ah?
Sa engagement party pa yun.
Tiningnan ko siya ulit.
Nakapikit lang siya.
Baka meron to ngayon. Haha!
* * * * *
At last nakarating rin.
Hai, nakatulog ako sa biyahe habang nakaheadset.
KAMU SEDANG MEMBACA
Cassanova Panic
Fiksi UmumKailan ba nagpapanic ang isang Cassanova? Tingin niyo? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ©MimingMo This story is fictional. Any similarities with the name, people, places and happenings in real life was meant to be a coincident. STRONG PARENTAL GUIDANCE is advic...