Chapter 14: Can't Sleep

23 0 0
                                    

HINDI AKO MAKATULOG!

Ewan ko kung tulog na ba ang lahat, ang alam ko.. alas dos na ng umaga pero di parin ako makatulog.

Di ako mapakali.

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Ano ba talagang nangyari kay Flare?

Napapikit ako sa inis!

Bakit ba alalang-alala ako? Natext ko na sila Drake kung may napansin ba sila kay Flare, wala naman daw.

Haixt! Ano ba talaga?!

Napatingin naman ako sa natutulog kong roommate. Tulog na tulog siya.

Ewan ko ba kung anong espirito ang sumapi sa akin that I decided to take my phone and decided to go out.

Shiiiiz! Di talaga ako mapakali eh.

Lumabas nga ako at naglakad, ewan ko ba kung bakit papunta ako sa Function Hall pero doon ako papunta ngayon.

Pagkarating ko naman sa Function Hall eh nakapatay na lahat ng ilaw. Parang wala namang tao at ang tahimik na ng paligid.

Kinilabutan naman ako ng biglang lumakas ang hangin.

Pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

Di nagtagal may narinig akong kumakalembang na mga gamit.

Pinakinggan kong mabuti kung saan nanggagaling yung ingay, and I realize that the noise was coming from the Function Hall.

Ang pinaka nakakatakot sa lahat eh para bang papalapit sa akin ang ingay!!!

Di na ako nagpatumpiktumpik pa at napatakbo na ako palayo sa Function Hall!

I got no time to waste on scaring my self out of Ghost Stuffs. Pero Tongno naman! Bakit ngayong Alasdos paaa!!

Binilisan ko ang pagtakbo ko at lumilingon din ako to check if anyone was following me. Lalong lumakas ang ihip ng hangin at parang nakakarinig ako ng bumubulong sa akin.

MY HEART WAS BEATING LOUD.

And Im still running towards no where. Maybe natatakot ako.

"AAAAAAAAAAH!!!!!!"

Halos mamatay na ako sa takot and I screamed to death nang may mabangga akong isang babae na nakanightdress!!

Pareha kaming natumba dahil sa impact ng pagkakabangga ko sa kanya.

Multo ba to? Wag naman poooo!!!

"Ano ba hija? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Mahinahong sabi ng babae at dahan-dahang tumayo.

Tiningnan ko siya habang nakaupo parin ako sa lupa. Nasa 45 pataas na ang tantsa kong edad niya.

She looks familiar, but I dont know kung saan ko ba siya nakita.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Stand up now." she said with a voice that sounded so sweet.

Natanga naman ako. Ang ganda niya kasi kahit 40 something na.

"Pasensya na po. Akala ko kasi may multo." sabi ko na medyo kinakabahan parin at palingon-lingon pa sa pinanggalingan ko.

"Hahaha! Multo? Kaya ba ganun nalang ang sigaw mo nang nabangga mo ako?" she asked.

Tumango ako. "Uhmm.. sorry po talaga." I said sincerely.

"Nakaputing nightdress pa man din ako."She said still natatawa parin.

I just nodded. Huhu! Sinabi mo pa.

"Let me guess. Isa ka sa mga students ng Monterica? Magmemeet kayo ng boyfriend mo ano? Naku, I tell you dapat magfocus ka muna sa studies mo." She said.

Cassanova PanicWhere stories live. Discover now