Pagkarating ko sa kuwarto ni Flare napabuntong hininga ako, nang kakatok na sana ako I overheard him na may kausap sa loob.
"My gosh Flare, ang taas naman ng lagnat mo. You're not only hot, but you're literally hot." ani ng isang boses babae.
"I dont care, alam mo naman kung anong nagpapatanggal ng lagnat ko diba?" sabi ni Flare.
Nakuuuu, kahalayan ng lalakeng to!
Nakinig na ulit ako, kaso tahimik na sa loob. Ay baka, ayy.. Alam na this!
Aalis na sana ako nang,
"Oh my, KANINO TONG BRA?!" pasigaw na natatawang tanong ng babae.
Napatakip ako sa bibig ko. My ghad! Walang duda, akin yang Brang yan!!
Lumakad ako patalikod at biglang pagharap ko..
"Araaay!" nasabuyan ako ng mainit na soup. Basa na ng sabaw ang sando at cardigan ko. Nahulog ang bowl at nabasag, nabasa rin naman yung may dala ng soup kaya quits kami.
Ommo! Siya yung pinahatid ko ng soup.
"Sorry po maam. Ay kayo po pala, ihahatid ko na po sana yung inorder niyong soup dito sa room. "
"Ahh, ayos lang kasalanan ko naman. Sorry din ha?" sabi ko. "Kukuha nalang ho ako ng bago." sabi ng roomboy. Then I felt that the door behind me opened, and when I turned nakita ko si Flare nakatingin sa akin. Head to foot pa.
Tinitigan ko siya ng masama.
Habang tinititigan ko siya, napansin ko naman nakatitig siya sa dibdib ko, automatic ko namang tinabunan ng cardigan yung dibdib ko. Saka siya tumingin sa mata ko. "May nakalimutan ka?" nakakainis na tanong niya.
"Kuya, kumuha ka na din ng maglilinis nito." dagdag na utos ko sa roomboy na agad namang umalis.
"Tabi." utos ko sa kanya. Ako mismo ang kukuha ng gamit ko.
"I don't think so." He said, giving me that damn annoying smile.
"Ha! Try me." At tinulak siya papasok.
Umismid lang siya at tinulak ako sa may noo palabas saka sinara ang pinto niya.
Aba! Ang lakas ng loob niya ah! "Kahit cellphone ko nalang Suso! Sayo na yang bra ko!" inis na sigaw ko.
Dumungaw naman siya sa pinto at binigay ang phone ko "Sturbo." Narinig kong sabi niya.
Tss!
"Good! Siya nga pala, babalik yung roomboy para sa soup na kakainin mo. Uminom ka ng gamot at sabihin mo naman sa akin kung masarap ba yang babaeng kasama mo, okay? Sana mapunit sugat mo." galit na sabi ko at tumalikod para umalis. Haist, ewan ko! Naiinis ako sa kanya
"I'll get back on you." he said.
"Yeah, whatever!" sagot ko habang naglalakad palayo.
Wala na akong paki-alam kung may bra man ako o wala. Marami naman akong bra sa bag.
Nakakabadtrip.
.....................................
"Saan ka ba galing Tammy? Kinabahan ako sayo ah." Salubong sa akin ni Annie. Low tide ngayon kaya naabutan ko siyang nangongolekta ng sea shells.
"Wala, may tinulungan lang akong kaibigan." sabi ko.
Na di man lang marunong magpasalamat. -____-
Tumango lang si Annie. Natanong ko rin siya kung ano ba ang ginawa nila kaninang alas nuebe.
"Wala naman, nothing important. Maliban sa attendance." sabi niya.
YOU ARE READING
Cassanova Panic
General FictionKailan ba nagpapanic ang isang Cassanova? Tingin niyo? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ©MimingMo This story is fictional. Any similarities with the name, people, places and happenings in real life was meant to be a coincident. STRONG PARENTAL GUIDANCE is advic...