"trapped somewhere between wanting to forget and wanting to hold on"
1993
Nagaayos na ng gamit sa stage ang Eraserheads. Sakto namang pumasok si Luna at Ellie sa loob ng Ozone at naghanap ng mape-pwestuhan dahil wala nang mauupuan. Nang maiayos na nila Ely ang gamit nila, nagsimula na 'tong magsalita sa mic.
"Uh... Magandang gabi sa inyong lahat! Kami ang... bandang... 'di n'yo gugustuhing makasama sa line up..." agad na pinalo ni Rayms ang drums at nagsimula na silang tumugtog bilang iisang banda. Nang mapansin ni Luna na sila yung nasa litrato na dala-dala n'ya, natuwa ito.
"Uy! Sila 'yon 'di ba?!" sigaw n'ya kay Ellie pero 'di pa rin maintindihan sa ingay ng instrumento at boses ni Ely. Tumungo na lang si Ellie kay Luna.
"This... next song... is all about love... and I wrote it..." nabaling ang atensyon ni Ely sa overcrowded na Ozone ngayong gabi sa iisang tao na hindi n'ya inaasahang makita. Ganon pa rin ang itsura n'ya pero nagbago ang aura n'ya marahil matagal na silang 'di nagkita, "...all by myself..."
Pagkatapos ng set ng Eraserheads, mas lalong dumami ang tao sa loob ng Ozone dahil sa mga susunod na tutugtog. Lumabas si Luna at Ellie para mag-yosi at maghapunan sa malapit na kainan sa Ozone. Huminga si Luna ng malalim sa unang hithit n'ya ng hawak hawak na stick, "Ah, ang sarap. Nakakamiss."
Hindi sinasadyang marinig ni Luna ang usapan ng dalawa na malapit sa pwesto nila, "Pagisipan mo ng mabuti, Ely. Andito kami ng anak mo hanggang Lunes. Isipin mo naman ang kapakanan n'ya." napatingin si Luna sa dalawa at nakitang umalis na ang babae. Busy si Ellie makipagusap sa lalaking nakilala n'ya sa loob ng bar kanina kaya 'di napansin ang napansin ni Luna.
"Luna..." nagulat si Ely sa nagbigkas ng pangalan ni Luna kaya napatingin ito sa nagsalita, si Buddy na nakatingin sa taong tinawag n'ya. Nagulat din si Buddy at napatigil sa kinatatayuan n'ya. Naramdaman ni Ely na nahulog ang hawak hawak n'yang stick at 'di na ito pinulot.
"Luna..." pabulong na bigkas ni Ely. Napatingin si Buddy sa gawi n'ya, ngayon kitang-kita sa mukha na gulat na gulat s'ya.
"Uh... Hi?" nagtataka na bati ni Luna, "Wait... kayo yung nasa picture na 'to!" kinapa ni Luna ang suot n'yang pantalon at nilabas ang litrato. Dahan-dahang lumapit si Ely kay Luna at ganon din si Buddy.
"N-Nasa iyo pala 'to?" nauutal na tanong ni Buddy. Nang makalapit, kinuha ni Buddy sa kamay ni Luna ang litrato, tinititigan ng maigi ang mga mukhang malayo na sa itsura nila ngayon. Napatingin si Buddy sa katabi n'ya, halatang nanlalamig nanaman. Sinoli ni Buddy ang litrato kay Luna. "Oo, kami 'yan. Buti natago mo pa 'yan ano? Bale... kailangan na namin umalis ni Ely kasi tinatawag na kami sa likod. Salamat sa pagpunta... Luna..."
Hinablot ni Buddy si Ely sa kinatatayuan n'ya. Bakas sa mukha ng dalawa na gulat na gulat sila sa nakita nila. Nang makabalik na sa likod, kitang-kita ni Rayms na balisang-balisa ang dalawa. "Oh, nakita n'yo lang si Toyang ganyan na itsura n'yo?" tanong n'ya nang maka-upo ang dalawa.
"Hindi lang si Toyang nakita namin..." sagot ni Ely, malungkot ang tono.
"Pati rin si Luna." dugtong na sagot ni Buddy.
Pinuntahan ni Ellie si Luna sa kinatatayuan nito, alalang-alala dahil nawala s'ya sa tabi n'ya. "Ano ka ba naman Luna? Simpleng pagkalabit lang na lalayo ka sa akin saglit, 'di mo ginawa? Akala ko kung nasaan ka na—"
"Crush ko si Ely." diretsong sagot ni Luna na hindi konektado sa sinasabi ni Ellie. Napa-kunot ang noo ng kaibigan n'ya at binatukan s'ya, "ARAY! MASAKIT!"
"Nasisiraan ka na ba?!"
"Hindi! Bakit naman? Sinabi ko lang naman na crush ko si Ely eh! Ano bang masama do'n... Mukha naman s'yang cute." sagot ulit ni Luna. Kumuha pa si Ellie ng isang stick sa dala n'yang pack at sinindihan ito.
"Alam mo, lasing ka na. Umuwi na tayo, baka kung ano pa masabi mo." hihilahin dapat ni Ellie si Luna pero inilayo n'ya agad ang braso nito.
Tumawa si Luna na may halong kilig, "Seryoso ako, Ellie. Kailan yung sunod nilang gig? Hindi ko sila nakausap ng maayos, puntahan natin!"
BINABASA MO ANG
luna ♪ eraserheads [barely on-going]
FanfictionParang eklipse, naramdaman na lang nilang dalawa ang pagtibok ng kanilang puso at kitang-kita ng lahat ang pagtatagpo ni Sol at Luna.