"how strange to dream of you even when i'm wide awake"
1990
Hinawakan ni Luna ang kanyang dibdib. Pinapakiramdaman ang sakit nito. Nakatitig lang s'ya sa kisame ng dorm n'ya.
Kakasimula lang ulit ng klase nila pagkatapos ng sembreak. "Wala naman akong karapatan masaktan." bulong n'ya sa sarili n'ya.
Tumayo si Luna sa higaan n'ya at kinuha ang wallet sa bag. Lumabas ito ng dorm at naghanap ng makakainan sa Area 2. Napatingin s'ya sa kalangitan, kumukulimlim ito. "Uulan..."
"Luna Rose!" rinig n'yang sigaw ng kakilala n'ya. Napa-buntong hininga na lang s'ya habang papalapit ito.
"Tagal ko ring 'di nakita 'to ha", bulong n'ya sa sarili n'ya. "Ely, pwede bang 'wag mong idamay yung second name ko."
"Ay..." nakalapit si Ely kay Luna at bumuwelo muna. Napahawak si Ely sa balikat ni Luna at huminga ng malalim, "Sorry, Luna. Bale, ano..."
"Ano...?"
"Pinuntahan kita sa Kalayaan kaso wala ka pala 'don. Sakto lang na nakita kita dito ngayon. Bale kase ano... Kailangan namin ng makakasama..."
"...Sa...?"
"Sa... Tsk... Ano kasi... Mag-a-audition kami sa Mayric's sa susunod na araw. Baka lang kako pwede mo kaming samahan doon..."
"Ahhh..." nag-isip isip muna si Luna bago sumagot. "Si Vikki ba, baka pwede n'ya kayo samahan?" tanong n'ya kay Ely. Bigla namang sumimangot ang mukha nito at tinanggal na ang kamay sa balikat ni Luna. "Oh, may masama ba sa sinabi ko?"
"Wala na kami ni Vicks."
"Ah..." naramdaman ni Luna na naging awkward ang hangin pagkatapos sabihin ni Ely 'yon. Huminga s'ya ng malalim at tinapik ang braso ni Ely. "Sige... Ano ba gagawin ko?"
Ngumiti si Ely. "Hindi kasi kami masyadong marunong sa pag-manage ng banda–"
"Ba't pa kayo nag-banda?" bulong ni Luna sa sarili n'ya.
"Ha?" tanong ni Ely.
"W-Wala, sige go, continue..."
"At tutal sinabi naman nila Raymund sa akin na pwede raw ako yung mamili. Eh sakto nalaman ko kay ano... kay Vicks non na minanage mo pala banda nila noong nagsisimula pa lang sila. Baka lang naman... Baka lang gusto mo ring i-manage ang magiging sikat na banda sa Pilipinas?" paliwanag ni Ely. Kumunot ang noo ni Luna sa sinabi n'ya.
"Anong banda?" pabirong tanong ni Luna.
"Aba gag–" huminga ng malalim si Ely, "Malamang banda namin!"
"May choice pa ba ako?" tanong ulit ni Luna.
Ngumiti si Ely at inakbayan si Luna, "Wala." nakasimangot lang si Luna, pinagsisisihan ang desisyon n'ya kanina. Tinapik ni Ely ang buhok ni Luna at saka umalis na, nagpaalam na may klase pa s'ya. "Puntahan na lang kita sa dorm ha!" pasigaw n'yang sinabi kay Luna, nakakalayo na sa paglalakad.
"Nananaginip ba ako...?"
BINABASA MO ANG
luna ♪ eraserheads [barely on-going]
FanfictionParang eklipse, naramdaman na lang nilang dalawa ang pagtibok ng kanilang puso at kitang-kita ng lahat ang pagtatagpo ni Sol at Luna.