"my darling, all I want is to be your moon"
1991
Lumabas ang banda nila Ely sa Mayric's. Si Luna, nagyo-yosi sa labas, hinihintay matapos ang pagtugtog nila. Pero hindi magandang balita ang ibinigay nila Ely kay Luna, na ngayong naging manager na nila.
"Ano sabi ng may-ari?" tanong ni Luna at tinapon ang hawak na yosi sa semento.
Nagkatinginan ang apat. Si Buddy, bahista, si Marcus, ang gitarista, si Raymund, ang drummer at si Ely, ang bokalista ng bandang Eraserheads. "Wala. 'Di raw pasado..." sagot ni Ely na may halong lungkot sa pagsagot.
"O s'ya, s'ya. Sige. May iba pa namang bar dyan na magpapa-audition. Mabuti pa, pumunta na lang tayo kela Tita Beth kasi gutom na gutom na talaga ako." wika ni Luna. Tumawa ang apat at nagsimula nang mag-abang ng jeep papuntang Anonas.
Lumabas si Luna galing sa kusina ng kainan ni Tita Beth para kausapin si Julie, ang papalit sa kanya ng panandalian dahil magsisimula na s'ya sa thesis n'ya sa bakasyon. 'Di n'ya pa sinasabi sa kanila dahil 'di pa ito ang tamang oras.
Pagkabalik sa mesang inuupuan nila, napansin n'yang mga naka-ngisi sila. "Oh, anong meron?" tanong ni Luna pagkaupo sa tabi ni Ely.
"May naisip si Rayms kanina habang nasa kusina ka." paliwanag ni Ely.
"Ano 'yun?" tanong ni Luna.
"Record tayo ng demo."
Sabado. Lumabas si Luna sa nirentahang van ni Buddy sa pinsan n'ya. Nagmadali s'yang pumasok sa banyo ng Shell. Tinapik ni Buddy si Ely sa balikat at napatingin naman ito sa kanya.
"Pre, kailan mo ba sasabihin kay Luna?" tanong ni Buddy habang hinihintay si Luna bumalik sa van. Si Marcus, bumili sa convenience store ng tubig at kaha ng yosi kasama si Raymund. Tumingin lang ng matagal si Ely kay Buddy para makasagot.
"'Di ko pa sigurado, Buds. Bumubwelo pa ako para umamin sa kanya. Sa tingin mo ba, sa Candelaria ko na sabihin? Ito naman na yung tamang oras ano? Tutal, matagal na rin simula nung naghiwalay kami ni Vikki." sagot ni Ely.
"Hindi ba nagkita kayo ni Vikki last-" bago tapusin ni Buddy ang sinasabi n'ya, narinig nilang bumukas ang pintuan sa harap ng van at pumasok si Luna.
Nang tumingin si Luna sa likod, nakita n'ya lang ang dalawa. "Oh, para kayong nakakita ng multo. Asan si Rayms at Marcus?" tanong n'ya sa dalawa.
"U-Uh... Bumili sila ni Marcus saglit." nauutal na sagot ni Ely. Si Buddy, pinipigilang matawa at sinalampak na lang ang earphones para makinig sa dala n'yang walkman na kakabili lang noong pasko.
Tumungo na lang si Luna at pinagpatuloy ang pagbabasa sa dinala n'yang libro.
Pagkarating sa bahay nila Raymund sa Quezon, agad na pinasok nila Buddy ang instrumentong dinala nila at mga damit na susuotin kinabukasan. "Luna! Sa guest room ka raw matutulog." ani ni Raymund habang nagaayos sila sa sala ng bahay.
"Saan yung guest room n'yo?" tanong ni Luna at kinuha na ang dalang gamit para makapag-ayos. Tinuro ni Raymund ang guest room at agad n'yang pinuntahan 'yon. Naiwan ang apat sa sala para makapag-set up na sa garahe nila Raymund.
Pagkatapos ng pagre-rehearse, naghapunan na ang 'Heads at si Luna. Tahimik lang ang mga ito dala na rin siguro ng pagod sa pagre-rehearse ng paulit-ulit at paggawa ng tunog sa mga kanta nila. "Nakapili na kayo ng mga kantang ilalagay n'yo sa demo?" tanong ni Luna sa apat.
Nagkatinginan lang sila at nagkibit-balikat. Bumuntong hininga si Luna, "Nako. Sige na, ako na gagawa ng listahan. Kayo na bahala kung may gusto pa kayong idagdag o tanggalin." paliwanag nito sa kanila. Tumungo silang lahat at tumahimik na ulit si Luna.
Naiwan si Buddy at Luna sa sala. Si Ely at Marcus, nagyoyosi sa labas, si Raymund naman ang pinaghugas ng pinggan. "Luna..." tawag ni Buddy sa kanya.
Napatigil naman sa pagsusulat si Luna sa paglilista ng mga kantang isasama sa demo tape, "Oh, Buddy, bakit ano 'yon?"
"Kailan mo sasabihin kay Ely?" tanong nito sa kanya at agad na nanlaki ang mata. Saktong pumasok naman si Ely at Marcus galing sa labas kaya umiling na lang si Luna at nagpatuloy sa pagsusulat.
Lumapit si Ely kay Buddy at Luna.
"Luna, okay lang ba kung mag-usap muna tayo sa labas?" tanong ni Ely kay Luna.
BINABASA MO ANG
luna ♪ eraserheads [barely on-going]
FanfictionParang eklipse, naramdaman na lang nilang dalawa ang pagtibok ng kanilang puso at kitang-kita ng lahat ang pagtatagpo ni Sol at Luna.