"silence is an answer too"
1991
Hindi nakauwi si Luna sa probinsya nila ngayong bakasyon dahil hindi makakauwi ang kanyang ina. Dahil parehas naman ang magiging sitwasyon n'ya, ang maging mag-isa, hindi na ito tumuloy.
Sakto namang nag-enrol ang kanyang ka-dorm ngayong midterm para makahabol sa mga klaseng hindi na-take nung mga nakaraang semestre.
Nakatambay lang si Luna sa Sunken nang lapitan ito ni Rayms at Buddy. "Oh, andito rin kayo?" tanong n'ya sa dalawa nung kalabitin ng sabay sa balikat. Siniksik bigla ng dalawa si Luna kaya tumayo ito sa inuupuan n'ya. "Ang babastos, nangunguha ng upuan!"
Tumawa ng malakas ang dalawa, "Akala ko uuwi ka ngayon sa inyo?" tanong ni Buddy kay Luna.
"Hindi... Wala akong kasama doon kung uuwi ako." sagot ni Luna. "Eh kayo? Ba't hindi kayo umuwi ngayon?"
"Tinatamad ako." sagot ni Rayms,
"Nag-enrol ako." sagot naman ni Buddy.Tumungo si Luna at pinagsiksikan ang sarili sa bangko na inuupuan n'ya kanina. Nang nakakuha na s'ya ng pwesto, kahit na nakaupo pa rin ang dalawa, nag-buntong hininga bigla si Luna.
"Kamusta ka na?" tanong ni Buddy. Parehas na tumingin ang dalawa sa kanya kaya nataranta ito sa sagot.
"H-Ha? Ako? Kamusta saan? Ayos naman!" nauutal n'yang sagot.
Natawa ang dalawa, "Hindi, after mo malaman yung nangyari." paglilinaw ni Rayms.
Napakamot si Luna sa kanyang dibdib at napatingin sa baba, "Ah... Ayun... Dalawang buwan na rin nakakalipas, halos nakalimutan ko na nga eh." natatawang sagot ni Luna. Tumingin ulit s'ya sa dalawa, nakatingin sa kanya.
"Oh, bakit, may problema ba?" tanong ni Luna sa dalawa.
Nang mapansin n'ya na hindi sa kanya nakatingin ang dalawa, tumingin s'ya sa likod n'ya, "Luna..." napahangos si Luna at agad na tumayo ito para maglakad paalis ng Sunken. Hindi na s'ya hinabol pa ng tumawag sa kanya at umupo na lang ito sa tabi ni Rayms.
"Ano ginagawa mo dito p're?" tanong ni Rayms kay Ely.
Huminga ng malalim si Ely, "Wala na kami ni Vikki."
-------------------------------------------------------------------------------
Masyadong ginalingan ng Apartel kanina sa livestream.
BINABASA MO ANG
luna ♪ eraserheads [barely on-going]
FanfictionParang eklipse, naramdaman na lang nilang dalawa ang pagtibok ng kanilang puso at kitang-kita ng lahat ang pagtatagpo ni Sol at Luna.