"you were never mine to lose but I lost you"
1991
Umiinom ng kape si Luna kela Tita Beth, malalim ang iniisip. Bigla s'yang nilapitan ni Julie, manager ng Eraserheads. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatunganga dyan."
Tumingin si Luna kay Julie, "Mas magtaka ka kung mag-isa akong nagsasalita." biro n'ya.
"Sus. Anong problema mo ngayon? 'Di nanaman umuwi nanay mo ano?" tanong ni Julie. Napatingin sa labas si Luna, at nag-buntong hininga.
"Hindi raw s'ya makakauwi dahil ayaw s'yang paalisin ng bago n'yang lalaki." paliwanag ni Luna. Humigop ito sa baso at dahan-dahang ibinaba. "Kung 'di lang kasi s'ya umalis dito edi sana hindi sila magkakakilala non." Tumingin s'ya kay Julie at ngumiti kahit pilit.
Pinatong ni Julie ang kamay n'ya sa balikat para paginhawain ang pakiramdam ni Luna. "Oh, tagal n'yo nang hindi nakabalik dito ha!" narinig ni Julie at Luna si Tita Beth na nakatingin ngayon sa papasok na customer.
"Pasensya na po, Tita Beth! Naging busy lang kami!" napatingin si Luna sa nagsalita, si Buddy, Marcus, at Rayms ang pumasok at naghanap ng upuan. "Uy, Luna! Julie!" nainis si Luna sa paguusisa n'ya sa tatlo dahil nahuli s'ya ng mga 'yon.
Kumaway lang si Luna sa kanila at umayos na ng upo. Pumasok si Julie sa kusina para tulungan hainan ang tatlo. Si Luna, minadali ang iniinom na kape para makaalis na.
"Pinabibigay pala ni Ely." biglang nahirinan si Luna sa iniinom n'ya at binaba ang baso. Nakita n'ya si Marcus na may inaabot na papel. Nang mabigyan ni Buddy ng tubig si Luna, tinanggap n'ya ang papel at tinupi ito para magkasya sa bulsa.
"Salamat..." wika nito sa dalawa at tumayo para makaalis na sa kainan ni Tita Beth. Nang makalabas, napansin n'yang parang uulan ngayong araw kaya agad na sumakay ito sa dyip na napara n'ya. "Wag muna sana uulan..."
Nang makababa sa sinakyang dyip papuntang UP, naramdaman n'ya na lang ang pagpatak ng ulan sa bumbunan n'ya. Bigla itong lumakas at sumilong malapit sa waiting shed na nakita n'ya. Nararamdaman n'yang lumalamig nang lumalamig ang hangin. "Luna..."
Napatingin s'ya sa tumawag sa kanya. Si Ely.
Hindi ito nagsalita at hindi rin ito makaalis dahil lumalakas pa lalo ang ulan. "Akala ko 'di ka na makakapunta. Pasensya na naabutan pa tayo ng ulan. Hindi ako nakapagdala ng payong. Okay lang ba?" tanong ni Ely sa kanya.
"Makakapunta saan?" sagot ni Luna. Napatingin si Ely sa baba, signal na hindi naiabot sa kanya ni Marcus ang pinapaabot na sulat. Biglang naalala ni Luna ang sulat at nilabas galing sa bulsa n'ya. "Ito ba?" pinakita n'ya kay Ely ang papel.
"Naabot ni Marcus sa'yo?"
"Kanina. Pero 'di ko pa binabasa." tinago ulit ni Luna ang papel sa bulsa. Nanahimik ang dalawa at tanging pagbuhos ng ulan ang naririnig nila ngayon.
"Sana 'di ka na lang ulit bumalik." wika ni Luna sabay takbo paalis sa waiting shed.
"Luna, sandali!"
BINABASA MO ANG
luna ♪ eraserheads [barely on-going]
FanfictionParang eklipse, naramdaman na lang nilang dalawa ang pagtibok ng kanilang puso at kitang-kita ng lahat ang pagtatagpo ni Sol at Luna.