twenty.

54 5 0
                                    

"how can it be that my memories are more alive than me?"

1993

Huminga ng malalim si Luna, nakapikit ang mata at nakababad ang paa sa buhangin. Rinig na rinig n’ya ang ingay ng dagat na pumupunta sa direksyon n’ya at amoy na amoy ang maalat na tubig.

Sa tagal n’ya rito, ngayon lang s’ya nakangiti at nakaramdam ng pagkapayapa.

“Hindi mo na napapanaginipan yung masamang panaginip ‘no?” pagbibiro ng ina n’ya nang makalapit sa kanya. Pagkatapos ma-aksidente ni Luna, nagpasya na ang kanyang ina na umuwi sa Pilipinas para alagaan ito. Lalo na nang malaman na hindi pa nagigising si Luna noong una.

Palaging sinasabi sa kanya ng doktor na maswerte s’ya at nadala agad sa ospital, kung hindi, baka hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gising.

Pero lahat ng ‘yon, ‘di n’ya na maalala.

“Retrograde amnesia?” tanong ng kanyang ina sa um-attend na doktor ni Luna, nakatingin lang s’ya sa anak n’ya na gulat na gulat, nagtataka bakit s’ya nasa ospital.

“Malakas ang pagkakatama ng ulo n’ya noong naaksidente s’ya. Maaaring sanhi na rin ng trauma dala ng aksidenteng ‘to. Maibabalik pa naman misis ang kanyang alaala kung magse-seek tayo ng professional help para dito.” tugon ng doktor. Tinapik n’ya ang balikat ng ina ni Luna at umalis na sa pwesto n’ya, iniwan s’ya mag-isa na nag-iisip isip para sa ikabubuti ng anak n’ya.

“‘Ma, bakit tayo bumalik dito sa Vigan? Bakit ‘di tayo nag-stay sa Manila pagkatapos ko ma-ospital?” inosenteng tanong ni Luna sa kanyang ina, dahilan para bumalik ito sa realidad.

Ngumiti lang s’ya, “Para sa kapakanan mo ‘nak…”

luna ♪ eraserheads [barely on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon