"Brix." Enebe.. Bakit mo ako dinala dito? Para pasayahin ang gabi ko? Pera teka, ready naba ako magpabinyag kay Brix?
"Brix." Tokneneng! Iniwan ako ni brix dito! Kaya pala kanina pa walang sumasagot sa akin. Kanina ko pa kasi siya tinatawag, Kainis! Di ko na siya papansinin. Foreva. weh? Cindy. oo na! Hindi ko naman siya matitiis. After all...siya pa rin ang number 1 lovebabe ko. Ihhhh. Enebe! Behave CINDY!
"Tsk. Iwanan ba naman ako? Akala ko pa naman....tsk. Mageemote na naman ako eh. Bakit ba... palagi na lang akong iniiwanan? Una si Brix..Tapos si Daddy... Tapos si Brix na naman. Kasi iniwanan niya ako dito."
"Ako pa ang nang-iwan?" Holymercury!
"B-br-brrrrrr-iiiixxxx. Ay, hehe nandiyan ka pala? ahm. ay hehe. eh k-."
"Bumalik na tayo sa loob." Cold na sabi niya. Hey! it's cold in here~~ Narinig ba niya? Narinig ba niya ang aking mga saloobin, ang aking mga pagsusumamo?! Ayoko man sabihin, pero nahiya ako sa sinabi ko. Narinig niya ang mga sigaw ng puso ko. Ang tinig ko. Narinig niya.....
Lol! HAHAHA.
Pumasok na rin naman ako sa bahay at nakita kong maraming pagkain.. at syempre, todo comment naman ako para asarin si Cynthia :P
Nakita ko si Cynthia na naka-upo na si upuan.
"Let's eat!"
Masayang bati niya.
"Hintay lang tanda! Parang baboy na hayok na hayok sa pagkain ah! Ginugutom ka ata ni Brix." Sabay tingin kay Brix. Bwahahaha. Ang ganda ng choice of words ko noh? Op cors! Sinearch ko pa yansa internet mga tamang ways para mang-asar. And syempre, ako na naman ang panalo dahil namula na naman si Cynthia.
"Hindi ako ginugutom ni Brix. Binubusog niya ako gabi gabi!"
Naibuga ko ang tubig na lulunukin ko sana. Lininis k na rin pati ang plema na sumama.
Eww haha.
Nakakaloka! so ginagawa na nila yun? Cradle Snatcher!
Tanda tanda na kaya ni Cynthia!!!! Ewwwwwwwww.
Nakakapanghinayang.
Edi sana, mga ngayong oras, nasa hardin kami ni Brix, at ginagawa ang masayang gawain na.......
pag-wawater ng plants.
Anobakayo!!!
Mga BERDE ANG UTAK! MGA LUMOT NA ANG MGA UTAK NIYO! MAGSIA-ALISAN KAYO SA PAMAMAHAY KO!
"Ehem."
Ayy, nageexist pala si brix.
"Hi Brix my LABS!" Hindi k na mapigilan na lumabas sa bibig ko. Eh kasi yan naman talaga ang tawagan namin ni Brix noon pa ah! As a matter of fact, honey babe cutie pie at iba pa ang tawagan namin.
Eh sakanila ni Cynthia, BABOY? HAHAHA.
"Cindy! Watch your words! Boyfriend ko na ngayon si Brix!"
"Weh? Parang mag-nanay nga lang kayo eh. SIge nga, nasaan ang hustisya?! Ang hustisya, katarungan, kung magsyosyota lang din naman ang isang matandang laspag na at ang isang musmos na bata na may gatas pa sa labi na para lang sa isang tulad ko na si Brix!" Hindi na ko nahiyang sabihin yan sa harap ni Brix!
Bakit ako mahihiya, ABER?! Naka-hubad ba ako?
As far as i know kagalang galang pa rin ang pananamit at pagsasalita ko.
Kaya walang dapat ikahiya!
"Cindy!!" This time si Brix na ang sumaway.. kaya mas lalong hindi ako natakot bwahaha.
"What!" SIgaw ko rin.
"Will you just respect your mother?! Ibang iba ka na ha!" -Brix
"Correction: My evil STEP mother! Step lang! Hindi real!" -Ako.
"What?!?!?! Cindy! Your being rude! Stop it... or else!" -Cynthia
"Or else.....what? " -Ako
Sa isang iglap, biglang umihip ang malakas na hangin at biglang napa-iyak si Cynthia. Ang arte, grabe best actress na siya. Galing niyang umarte. Try kaya niyang mag-artista sa horror movies? Bagay siya dun. O di kaya alipin ng multo... mas bagay!
Bakit ba ang arte arte niya. Siya pa ang lumalabas na kawawa sa harap ng ibang tao!
"Brix.... huhuhuh" -Cynthia
"Look what you did to her!" -Brix
"Sus! Arte lang yan. Yan pa, best actress yan eh!"
"Cindy! Will you just stop!"
"Let's just..........eat." Sabi ni Cynthia na malumanay
So ayun, kumain na kami at nagsalo salo sa gabing ito. Masaya naming pinagsaluhanang mga laway, pawis, at mga uhog ng mga magsasaka sa farm EWWWW, "GROSS!'
Opps, hehe. Napalakas kasi ang boses ko.
Kunwari kong linaglag ang kutsara ko.
"Oops! Nalaglag hehe"Nginitian ko sila at pinulot na ang kutsara kong nalaglag.
Habang kumakain, biglang may kumalabit sa paa ko.
Isa ring paa.
Paa ni Brix.
ENEBE!! BRIX NAMAN EH! KINKILIG AKO WAG KA!
Kinalabit ko rin ang paa niya
and poof! Naglaplapan ang mga paa namin. hahahajoke. Syempre tinigil ko, kailangan kong pigilan ang temptasyon dahil baka mawalan ng dangal ang isang karesperespetong babaeng katulad ko.
Pero joke lang yun, alangan naman kalabitin niya pa ang paa ko eh nagsagutan nga kami kanina?
Dahil nga wala na ako sa mood dahil sa sagutan kanina umuwi na ako.
Pero bago pa ako umuwi.
Nag-CR muna ako at dahil kakabili ko lang ng lipstick ko, ginamit ko yun pansulat sa salamin ng cr.
"BEST ACTRESS KA TALAGA CYNTHIA."
Nakatulog na ako at sa isip ko.
WALANG KUWENTANG DINNER. Sana nagjollibee na lang ako or nag-MCDO. Happy pa. TSK TSK.