Chapter 3

1 0 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Inasikaso ko na ang ticket ko kagabi kaya ready to go na ako mamaya. Nauna na raw na umalis ang ibang models, kanina. Alas otso na rin kasi.

"Gigisingin sana kita kaso tulog mantika ka. Pupunta silang Dumaguete then sa isla malapit sa lugar. Sa Siquijor." saad ni Sabina habang kumakain ng pancake.

"I heard a lot sa isla  na 'yan. Maganda raw." sagot ko. I've searched that place one time. Nakapunta na kasi sina Ate Ayana diyan with her boyfriend. Mahilig sa dagat ang lalaki niya, halatang tubong syudad.

"Try ko kaya don, next time. Pag kasama ko na si Sev at Symon." aniya. Tumango ako.

Kweninto ko sa kanya ang plano kong pagpunta sa Melbourne. Natawa pa ang loka. Akala siguro boyfriend ko si Swayne. Duh, patay na patay yon kay Dan.

I left without notice. Niisa sa pamilya ko ay hindi ko tinawagan. I wanted to hide. Kaya pupunta akong Melbourne. Nasa eroplano na ako ng nakaramdaman ulit ako ng pagkahilo. I felt nausea too. Hindi naman ako ganito kung sumasakay ng eroplano.

Para akong lantang gulay ng makababa ng eroplano. I even saw Swayne na naka uniporme pa ng pang piloto. On the side of him is Dan while wearing her flight attendant uniform.

"You look pale." bungad ni Dan at hinawakan ang noo ko.

"Are you okay, Eya?" nag-aalalang tanong ni Swayne. Mali ang pumunta ako rito. Dan is here. Pinsan siya ng pinsan ni Ate Jai.

"I'm okay." sagot ko kahit na parang mawawalan na ng balanse. Inalalayan nila ako sa paglalakad ngunit hindi pa kami nakarating sa sasakyan ay kusa ng nanghina ang mga tuhod ko.

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakahiga rito sa kama. I assumed I'm in the hospital right now. Pinikit kong muli ang mga mata ko ng bumukas ang pinto.

"We should call Jairah, Dan. Ipaalam natin sa kanya." narinig kong sabi ni Swayne.

"No! Huwag tayong padalos-dalos, Swayne. Hintayin muna natin ang desisyon ni Althea. After all, it's her baby. Kailangan lang natin siyang suportahan." sagot ni Dan.

My forehead ceased. Anong after all it's my baby? Nagmulat ako ng mata at tila nabigla pa sila sa nakita. I heard Swayne low chuckled.

"Okay ka na ba? May masakit ba sa'yo?" agad na tanong ni Dan ng makalapit.

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo kanina, Dan?" I asked her. Mariin ko siyang tinitigan.

"Your 4 weeks pregnant, Althea." tila bombang sumabog sa harapan ko ang sinabi niya. No! Hindi pwede.

"Nagbibiro ka lang." hindi makapaniwalang sagot ko. This couldn't be!

"Sana nga ay nagbibiro lang ako. Whatever your decision is ay rerespituhin ko pero wag na wag mong ipalaglag ang bata, Eya. I will also keep my mouth shut." mariin nitong sabi.

Wala sa plano ko ang mabuntis. Plano ko lang ang lumayo. But of course! I'm keeping my baby.

Pagkatapos ng nga habilin ng doctor sa akin ay umuwi na kami. Todo alalay sa akin si Dan. Tahimik lang si Swayne na nagdadrive. May pinsan si Swayne na babae at doon muna ako mamalagi. Hindi pwede sa kanila lalo na't pareho silang busy ang schedule.

"Hi!" masiglang bati sa akin ni Kitty, Swayne's cousin.

"Kit, iiwan muna namin siya sa'yo. Wag mo siyang ipasyal. Nagtatago 'yan. Wag kang basta-basta magpapasok ng bisita rito sa condo mo." bilin ni Swayne sa pinsan. Kitty just rolled her eyes.

"Bibisitahin ka na lang namin dito." paalam ni Dan bago sila umalis.

Iginala ko ang mga mata sa loob ng condo ni Kitty. Maganda ang kulay na napili ni Kitty. Aesthetic.

"What should I call you? What's your name pala?" tanong nito at natawa. Hindi pa pala namin kilala ang isa't-isa.

"Valentina." sagot ko at ngumiti.

"Kate Tiara." sagot nito.

"Val na lang ang itatawag ko sa'yo." dagdag nito. Tumango ako. Hindi masyadong kilala ang second name ko kaya napanatag ako dahil don.

"Ikaw lang ba rito?" I asked her.

Ngumiti ito sa akin saka ngumuso. Namumula pa ang pisngi. Halatang kinikilig. Then a picture beside the flower vase caught my attention. Siya iyon at may kasamang lalaki.

"No. I'm with my husband pero nasa California siya ngayon. Bukas pa 'yon uuwi." she answered then giggled. I smiled at her. Swerte naman nito. Parang si Ate Jai lang.

"Hindi ba siya magagalit na dito ako mamalagi? tanong ko. Baka kasi ay bigla akong palayasin pag-uwi non. Mukha pa namang strikto ang asawa niya.

"Ay naku, hindi. Matutuwa nga 'yon kasi may kasama na kami ni Casper dito sa bahay." saad nito. Sinong Casper. Napansin siguro nito ang pagkunot ng noo kaya nagsalita ito ulit.

"Anak namin. He's 4 years old. Katulad mo ay itinago ko rin sa kanya ang bata. Natatawa nga ako pag naaalala 'yon. Sa Apo Island ako nagtago, taga don kasi yong katulong namin dati. Sa loob ng dalawang taon na pamamalagi ko don, nagkasakit si Casper. Kailangang dalhin sa City para mapagamot. Uso kasi ang dengue don at kailangan pa siyang salenan ng dugo." umiling-iling pa ito habang nagkukwento. Her eyes speaks happiness. 

"Kaso hindi match ang dugo namin ni Casper. Bagong problema ulit. Dinala si Casper sa Siliman. My Mom was worried sick. Si Daddy naman ay hindi na alam ang gagawin. Isang taon pa lang si Casper non. I cannot lose him. Tatlong araw lang ang binigay ng doctor na palugit sa akin para makahanap ng blood donor." malungkot na saad nito.

Patuloy lang akong nakinig sa kwento niya. Nakakatawa siyang pagmasdan. Halatang Mahal na Mahal niya ang asawa niya.

Chasing His Precious JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon