"Pinasundan mo ako?!" bulalas ko. All this time akala ko ang galing kong magtago tapos malalaman kong pinapasundan niya ako.
"Babe, hindi ako makatulog kakaisip na baka may nangyari ng masama sa'yo kaya pinapasundan kita." he chuckled. I hit his arm. Stalker!
"Hanggang ngayon ba?" I innocently asked him. Natawa ito.
"Hmm. It stopped when you left Cebu tapos pinabalik ko after two years when I knew that you're here with my babies." I glared at him. Alam niyang naghihirap ako tapos hindi man lang naawa sa amin ng anak niya.
"So you knew that Arki was diagnosed with leukemia tapos hindi ka man lang nagpakita para tumulong. Galing mo rin noh?!" bulalas ko. Napaka sama ng ugali. Hindi man lang naawa.
"I thought you only had Aki." he answered. Hindi ako sumagot.
"I'm sorry." saad ko na lang. He let out a deep sigh before hugging me again. Chansing.
"I miss you." bulong nito.
"Tapos?" tanong ko habang tinataasan siya ng kilay.
"Where's my I miss you too?" he pouted. Gago, nagmukha siyang bebe.
Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami pabalik sa ICU. Magpapa bone marrow test siya para masagawa na ang operation ni Arki.
"Ay marupok teh! Dapat pinaluhod mo pa yan sa harap." Pinagmulahan ako ng pisngi sa narinig. Ang bastos naman.
"Uy iba yung iniisip. Bastos mo, Eya. Adan, kung ano tinuturo mo sa kapatid ko nong magkasama kayo noh?!" saad ni Ate Ayana. Hay nako.
"Si Kuya Hamilton?" tanong ko sa kanila.
"May kinuha sa sasakyan." sagot ni Ate Jai at inabot kay Adan si Aki.
I stared at Adan who's now busy fixing Aki's hair. Hindi maalis ang ngiti sa labi. I'm sure Aki will freak out pagkagising nito. Gusto niyang mukha ko ang nakikita pagkagising niya. Pag hindi ko mukha, magwawala yan.
"You looked like him." saad ko. Siya yung kamukha e. Kahit may nakuha sa akin si Aki pero kamukha niya pa rin si Adan.
"Thank you for taking care of them." aniya at hinalikan si Aki sa noo.
Nasa loob pa ng ICU ang ilang doctor at inaasikaso si Arki. I'm sure ibabalik nila ulit yan si Arki sa kwarto niya maya-maya. We waited outside the ICU. Mamaya pa babalik sila Ate dahil magpapahinga muna sila sa hotel na tutuluyan nila.
"Mama." narinig kong tawag ni Aki sa akin. I glanced at Adan. Tulog pa rin ito habang nakahilig sa balikat ko. Ginawa pa nila akong unan.
"Are you hungry? You didn't eat food earlier sabi ni Tita Julian mo kanina." saad ko. Umiling-iling lamang ito. Tinapunan nito ng tingin si Adan bago binalik ang tingin sa akin.
"P-papa.. papa." aniya at hinaplos ang pisngi ni Adan.
"Yes, he's your Papa." I smiled at him. He giggled then pinched Adan's cheeks. Mahina akong natawa.
"Handsome.. Papa." tugon nito at humagikhik ulit. I chuckled. Sige kulitin mo pa 'yan at ng magising.
Adan groaned. Nawala ang ngisi sa labi ni Aki at nagmamadaling bumaba ngunit mahigpit ang hawak ng Papa niya sa kanya.
"Mama." aniya at tumingin sa akin. Naghihingi ng tulong. I winked at him. Napakulit talaga.
"How's Arki? Ilang oras ba akong tulog?" tanong agad ni Adan.
"Wala pang oras. Ibabalik na nila si Arki sa kwarto pagkatapos ng ilang test na gagawin nila." sagot ko. Tumingin ako kay Aki na ngayon ay tinatago ang mukha sa balikat ko. Bahagyang nakatalikod sa ama niya.
"Hey, little Chad." bati ni Adan sa anak at pinaharap ito sa kanya. Aki suddenly giggled. Lokong bata.
"Papa." saad nito. Adan hugged him before kissing his forehead.
"How's your sleep?" tanong ni Adan sa anak.
"Aki okay! But.. Kuya.." aniya at umiyak ulit. Ngumuso sa akin si Adan. Hindi ako iyakin. I'm not a soft one. Si Adan yon.
"Pati yan namana niya sa'yo. Iyakin mo kasi." saad ko sa kanya. Mas lalong humaba ang nguso niya. Bakla talaga.
When the doctor decided to bring Arki on his room binigay muna ni Adan sa akin si Aki. Aalis daw muna siya at kukuha ng ilang damit sa hotel na pinagtutuluyan niya.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Arki ng may kumatok don. Tumayo ako at pinagbuksan ang kung sino mang andon.
"Val.. Iha." bungad sa akin ni Tita Andra. Tumingin ito sa likod ko.
"Pasok po kayo." saad ko at pinapasok siya.
"Sila na ba?" tanong niya sa akin. I nodded.
"Holá!" bati agad ni Aki. Feeling close yan e. Tumingin sa gawi ko si Tita Andra.
"Aki, meet your Lola. Your Papa's mother." saad ko. "Tita—"
"No. Call me Mom. Nagkaanak na kayo ni Adan, Tita pa rin tawag mo sa akin." aniya at lumapit sa apo.
"Paano niyo po nalaman?" tanong ko sa kanya. Baka si Kitty o si Caspian. Useless lang ang ginawa ko sa nurse station nong isang araw e malalaman lang naman agad nila na andito ako.
"Kitty secretly told me. Nagkita raw kasi kayo. How is he?" pag-ibaba niya sa usapan.
"Ang sabi ng doctor ay dapat masagawa na ang transplant. Nagpatest na rin si Adan at mamaya pa makukuha ang resulta." sagot ko sa kanya.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Val. I want you two to get married after Arki's recovery. Ilang taon din ang nasayang sa inyong dalawa. I knew you loved my son. Dati pa. And I knew he loved you too." aniya bago umalis. Dinala niya muna si Aki sa kabilang kwarto para mameet ang pinsan.
"Hey. Kain ka muna." bungad ni Adan. May dala-dala siyang pagkain sa isang kamay niya habang isang isang maliit ba maleta sa isa.
"Salamat." sagot ko. I took the food at nilagay sa lamesa. Pinagmasdan ko siyang umupo sa tabi ni Arki.
"Wake up, love. I'm here now. Papa's here." saad nito. Pinili ko na lang na tingnan ang pagkain na nasa harap.
![](https://img.wattpad.com/cover/258383460-288-k181780.jpg)