Matapos makuha ang bala sa tiyan ni Calix ay dinala na ito sa isang VIP suite. Next to my son's room. Pamilya kasi ni Jillian ang may-ari ng hospital kaya sila na ang nagdesisyong sa isang VIP room si Arki. Kaso nga lang ngayon ay hindi na ako natutuwa.
"I'll leave you here, okay? If you need something just call some nurse and asked them na may kailangan mo akong makita" bilin ko kay Caspian. Ayoko sana siyang iwan pero kailangan din ako ng anak ko.
"Okay po." tugon nito. I asked Perry to stay with Caspian sa kwarto ng ama nito. I can't leave Caspian alone.
Lumabas na ako at pumasok sa sunod na kwarto. Gulat pa ako nang makitang gising na si Arki. Madalas ay mamaya pa ito magigising pero ngayon ay mas maaga pa.
"Hola, Máma." bati nito sa akin. Lumapit ako sa kanya saka hinalikan ito sa noo.
He's the bad boy version of Adan kaya nagiging magkamukha sila ni Caspian. Walang nakuha sa akin si Arki. Lahat ay nakuha niya sa kanyang ama. While Aki, the soft version. Nakuha niya ang mata at labi sa akin.
"How's your sleep? May masakit ba sa'yo?" tanong ko at umupo sa tabi niya. He looks very pale. Nangangayat na rin.
Marahan kong hinawakan ang kamay niya at hinalikan. I can't lose Arki. I can't lose my son. Bakit kasi siya pa? Pwede namang ako na lang.
"I'm okay, Máma. Can I go home?" mahinang tanong niya. Inilingan ko siya.
I'm sorry, Arki. You can't go home hangga't wala ka pang donor. I can't afford to lose you. Bahala na kung wala ng pera ang matira sa akin basta ba ay mapanatili ka lang buhay ay okay na ako.
"Can- can I see my Papa? I w-want to see him before I die, Mama." tugon nito.
"No! Hindi ka mamatay. Mama will do everything just to keep you alive. You love Mama, right? Please stay alive for me and for Aki, baby." naiiyak kong sagot.
Ang bata niya pa para maranasan ang sakit na'to. He's only three years old for good sake! Ngunit kahit na tatlong taong gulang pa lang siya ay mas magaling na siyang magsalita kaysa sa kambal niya.
"I want Papa, Mama." bulong nito sa akin.
Doon na ako napahagulhol. Hindi ko alam, Arki. Hindi ko alam kung maibibigay ko ba yan. Aki didn't mentioned about his Papa pero kasalungat naman kay Arki. Halos sa isang taong pabalik-balik namin ay lagi niyang tinatanong sa akin kung nasaan ang Papa at kung kailan niya makikita.
Napabalik ako sa katinuan ng may kumatok. Tinapunan ko ng tingin ang digital clock sa kwarto. Oras na para tignan ulit si Arki. Every three hours, someone will go and check Arki. Madalas ay ang Mama ni Julian, minsan naman ay ang nurse na pinagkakatiwalaan ng pamilya.
"Buenás tardes, Tita." bati ko.
Ngumiti lamang ito saka nilapitan na si Arki. Julian's parent is a Filipino but both was raised here in Spain. Parehong Doctor ang mga magulang niya. Julian, on the other hand is a business woman. Hindi sinunod ang yapak ng magulang.
"Wala ka pa bang nahanap na donor, iha? To tell you frankly, your son is getting weaker day by day." malungkot nitong saad.
"Si Aki lang po ang alam kong makakatulong kay Arki, Tita." sagot ko. Match ang bone marrow nila ni Aki. Malamang e magkapatid. Kung sana lang ay sa akin nagmana, wala na sanang problema.
Nang makatulog si Arki ay iginiya ako ni Tita palabas ng kwarto. Alam kong may sasabihin itong importante dahil kinakailangan pa naming lumabas ng kwarto para hindi marinig ni Arki.
"Dennis's family arrival may happen later. Nalaman ko ring kapatid ng ama ng anak mo ang nabaril na businessman kanina. Are you ready to face him? Hindi malabong hindi kayo magkita rito, Eya. Magkatabi ang kwarto ng mahal niya sa buhay. Payong tiyahin mo, napamahal ka na sa amin. Lalong-lalo na ang mga bata. Why don't you lower your pride and tell your son's father about the situation? Tell him, anak." sabi nito. Wala akong naging sagot sa sinabi ni Tita. Tama siya pero there's a big part of me ang umaayaw.
"Hindi pwedeng patagalin natin, Eya. Mag-iisang taon nang namamalagi si Arki rito sa hospital. Gusto ng umuwi ng anak mo. Please." pamimilit pa nito.
I can't think straight. Hindi ako handa. Kung meron man akong pagsasabihan ay sila Ate Jai muna. Marami akong naging pagkukulang sa kanila.
Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at dinial ang numero ni Ate Jai. Ilang beses pa itong nagring bago may sumagot.
"Hello?" aniya sa isang boses. Lalaki iyon. Napapikit ako at tinignan ng mariin ang numero. Ginagamit niya pa kaya ito?
"Can I talk to Jairah? Jairah Aurora Valencia." I said.
Doble-doble ang kaba ko sa dibdib. Baka hindi na ito ang number na ginagamit niya. I heard some footsteps.
"Mom. Someone's looking for you." I gasped. So si DK na ang gumagamit sa number na iyon. I didn't recognize his voice. Nasa siyam o sampung taon na si DK ngayon.
"Who?"
"I didn't know. It's a she." aniya. Impit akong umiyak. Namimiss ko na sila Ate.
"Hello? Who's this?" tanong nito.
I let out a deep sigh.
"A- ate. It's Althea." mahinang sagot ko.
Napapikit ako ng marinig ko ang pagmamadali o pagkataranta sa kabilang linya. I don't know of she's happy or angry.
"Oh my! Eya! Anong- bakit? Nasaan ka? How are you? Are you okay? Bakit ngayon ka lang tumawag?" sandamakmak na tanong agad nito.
"Can you go here in Spain? Please don't mention this call kay Kuya David or anyone." I told her. Mahirap na baka magsumbong si Kuya sa kaibigan niya.
"Can I mention this kay Ayana?" she asked softly.
"Yes, Ate." I answered then I ended the call. Napahawak ako ng mahigpit sa upuang nasa tabi ko. Finally.
![](https://img.wattpad.com/cover/258383460-288-k181780.jpg)