Cinq

95 3 0
                                    

Nang makalabas ako ng hospital mabilis akong pumara ng taxi para umuwi, alam kong magagalit iyon sa'kin pero ako na nga ang gumagawa ng paraan para makaderetso na siya sa trabaho at hindi na ako maging abala pa sa kan'ya.

"Oh iha narito ka na pala, tumawag ang asawa mo. Galit nanaman siguro iyon sa'yo sana'y hinayaan mo na lang na ihatid ka niya." Tipid akong ngumiti kay Nay Solia at dumeretso na sa kwarto namin. Wala naman akong gagawin ngayon dahil sigurado akong buong araw na nasa trabaho si Brix at paniguradong uuwi ng gabi.

Kinuha ko ang phone ko na nasa sling bag, kahapon pa ako hindi nakakatawag kila Danlia. Dinial ko ang number nito at nag hintay pa ng ilang segundo bago niya tuluyang sagutin.

"Kumusta kayo diyan?" Bungad na tanong ko kay Danlia pagka sagot niya pa lang sa tawag ko.

"Okay lang, ikaw? Kumusta kayo ng asawa mo?"

"Nag tanong ka pa, para akong saling kitkit sa buhay niya." Narinig ko ang pag tawa nito sa kabilang linya kaya naman napasimangot ako.

"Oo nga pala, uuwi na rin ako ng pilipinas dahil wala naman na akong magagawa rito. Nasa pinas ang boss ko tapos ako naiwan dito, sana kasi maagang nag sabi 'yang asawa mo para naka bili ako ng plane ticket at sumabay na sainyo," sakastiko niyang sabi.

"Kailan ka uuwi? Susunduin kita," mabilis kong tugon sa kan'ya.

"Next week, mabuti na lang at may pa-promo kaya makakauwi ako kaagad at mura lang. Gusto mo bang dalhin ko na 'yung ibang sculpture mo? I'm sure na wala kang ginagawa diyan kaya mas mabuting mag trabaho ka, hindi naman pwedeng sa asawa mo ka hihingi ng pera para sa charity mo 'no?" Kahit kailan talaga walang filter itong bibig ni Danlia.

"Ang sabihin mo wala ka lang din trabaho. Kung anong pwede mong madala ay dalhin mo na para naman hindi ako mapamahal sa iba pag pinadala ko dito sa pinas." Nag paalam na ako at pinatay na ang tawag.

Halos buong araw ay wala akong ginawa kun'di ang iharap ang atensyon sa social media hanggang sa sumapit ang alas-tres ng hapon at naisipan kong lumabas para bumili ng materyales sa pag uukit. Bakit kasi late ko na naisip 'to? Dapat pala iyon ang pinag kakaabalahan ko hanggat hindi pa ako nakakahanap ng pwesto para makapag patayo ng museum.

"Nay Solia, bibili lang ho ako ng gamit para sa pag uukit babalik din po ako kaagad." Paalam ko sa matanda na naka salubong ko sa hagdan, paniguradong ang dala nitong pagkain ay para sa'kin.

"Hindi mo ba kakainin ito iha? Tinapay lang ang kinain mo kaninang tanghali." Pasta ang niluto ni Nanay Solia, habang nakatayo siya ay kinuha ko ang tinidor at umilang subo roon.

"Iba ka talaga Nay Solia, ang sarap ho. Tirhan niyo na lang po ako o 'di kaya ay takpan niyo ito para po makain ko pagbalik." Nagmamadali kong sabi sa kan'ya dahil posibleng gabihin ako dahil sa traffic.

"Sige, magiingat ka." Halos lakad takbo na ang ginawa ko, nag abang lang ako ng taxi at nag pahatid na sa shop na palagi kong binibilhan nung college pa lang ako.

"Mr. Chino!" Tawag ko sa pangalan ng may ari ng shop.

"Francine ikaw ba 'yan?" Paninigurado niya at kinikilala pa ang mukha ko.

"Opo! Ang tagal nating hindi nag kita, ang laki na po nitong shop niyo." Mangha kong pinalibot ang tingin sa paligid, mas dumami ang mga kagamitan dito kung dati ay mabilis mo lang nabibilang ngayon ay hindi na.

"Ah oo pero mas malaki ang shop ko sa Mall, malapit lang iyon dito kumpleto doon at paniguradong marami kang mabibili. Gusto mo bang sumama? Bibisita kasi ako roon." Sumangayon ako at sumabay na sa kan'ya, naikwento niya rin na isa nang sculptor ang anak niya at malapit na rin ang kauna-unahang exhibit nito na siyang pinangakuan kong pupuntahan.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon