"Brix, pwede ba kaming umuwi sa isla?" alas-otso na ng gabi pero pareho kaming hindi pa tulog ni Brix. Nakatutok kasi ito sa laptop habang ako naman ay tinatapik tapik si Gwen para patulugin.
Isang linggo na muli ang nakalipas, sa iisang kwarto na rin kaming natutulog na tatlo. Wala namang kaso sa'kin iyon dahil hindi ko nanaman na masiyadong iniisip ang relasyon namin ni Brix, nakatuon lang ang buong atensyon ko para kay Gwen. Nasabihan ko nanaman na sila Seah at Nanay na mag kasama kami ni Brix pero sinabi ko na si Gwen lang ang dahilan. Maraming pangaral at pag papaalala na binigay si Nanay na tinatandaan ko naman talaga.
"Why?" kunot noo niyang tanong sa'kin, dahan dahan akong umalis sa tabi ni Gwen at lumapit sa puwesto niya.
"M-May shop kasi ako doon at si Nanay..." siguro ito na rin naman ang tamang oras para sabihin ko na kay Brix ang totoo.
"Nanay?" huminga muna ako ng malalim bago umupo sa tabi niya, nasa sofa kasi ito habang nakapatong naman sa lamesa ang mga papeles at ang laptop niya.
"Hayaan mo akong makapag salita ha? Huwag ka munang mag tanong baka kasi humagugol ako sa harap mo at magising pa si Gwen."
"Go, I'm going to listen" malalim ang oag kakatitig nito sa'kin kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko mula sakan'ya.
"Nung gabi na umalis ako, iyon 'yung araw na nalaman kong hindi ako tunay na anak. Si Ithalia ang nag sabi sa'kin ng lahat, hindi naman ako maniniwala e pero kinumpirma na ni Mommy... Ang Mommy ni Ithalia." pinatong nito ang kamay sa mga nakalahad kong palas at mahigpit iyong hinawakan.
"Mag kapatid naman kami ni Ithalia pero sa tatay lang tapos ayon, masiyado akong nadala sa nararamdaman ko at kamuntikan ko nang kitilin ang buhay ko pero may nagligtas sa'kin... S-Si Seah, kung naaalala mo man siya 'yung nag tattoo sa'tin sa school. Kamukhang kamukha ko 'no? Pa'no ba naman kasi, sa sobrang bait ng tadhana siya pala ang kapatid ko. Tinulungan niya ako ng araw na 'yon at dinala pauwi sa isla at doon ko na tuluyang nalaman ang lahat."
"Tinakas ako ni Daddy mula kay Nanay at nang mahanap naman kami nito binuntis lang ulit ni Daddy si Nanay. Pagkaraan naman ng isang linggo unti unti ko nang nalaman na buntis pala ako at si Gwen 'yon. Masiyado akong mahina nung panahon na 'yon pero pinalakas ng tunay kong pamilya at lalo na ni Gwen ang loob ko." nakangiti ako habang pinag mamasdan si Gwen, she will be my angel.
"Tanging sarili ko lang ang bitbit ko nung araw na 'yon, laking pasasalamat ko na kang dahil 'yung hikaw ko na nabili ko sa France ay may maitutulong pala sa'min. Naiahon ko sa hirap sila Nanay kahit papaano at naipag patuloy ko ang hilig ko." hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, marami na akong napagdaan at bilib na bilib ako sa sarili ko na kinaya ko lahat ng 'yon.
"Nakaka proud 'no?" tanong ko kay Brix, niyakap ako nito kaya mas lalo lang akong napaiyak.
"You're strong, Baby. I'm so proud of you" pinagdikit nito ang noo naming dalawa habang ang dalawang palad niya ay nakadapo sa mag kabilaang pisngi ko. "Pupunta tayo sa isla kung iyon ang gusto mo, hmm."
"May gusto akong itanong sa'yo" napayukom ako ng kamao dahil sa bagay na matagal nang bumabagabag sa isip ko.
"Go on..."
"Did you really cheat on me?" matagal ko nang naihanda ang sarili sa posibleng kasagutan niya. Walang taon na hindi ko tinanong ang sarili ko kung nang kulang ba ako o may mali akong nagawa.
"Pakikinggan mo na ba ang paliwanag ko?" tinanguan ko naman ito agad, hindi ko alam kung napaka unfair ko ba talagang tao o sadiyang takot lang ako isipin na baka kasinungalingan din ang ipapaliwanag niya sa'kin.
"That night, kasama ko talaga ang kapatid mo. She told me that you intentionally killed our child that made me mad at you pero pag karating ko sa bahay buong akala ko ako ang galit sa'ting dalawa pero nabaliktad dahil sinalubong mo ako na galit na galit. I can't filter all the things you said that night, masiyado akong nadadala sa nalaman ko. And the guy who is in the picture you're talking about was definitely not me. Sa restaurant kami nag usap ni Ithalia kaya sigurado akong hindi ako 'yon, kahit kailan hindi kita kayang lokohin."
"Mas lalo lang akong nasaktan noong nalaman ko na gano'n ang tingin mo sa'kin, after all those years that I'm with you. Akala ko pinagkatiwalaan mo ako ng sobra, I let you go that night to give you some space at para narin makapag isip, I never thought that would be the last time I will see you." parehas na kami nitong umiiyak, gaano ba kamasalimuot ang panahon at tadhana sa'min? Bakit parehas kaming nasaktan?
"I'm sorry..." pinunasan nito ang luha ko at niyakap ako ng mahigpit, I missed him a lot! Lahat ng bagay na mayroon siya ay namiss ko.
"It's okay, after all I hurt you too. Hindi dapat kita hinayaang isipin na nag iisa ka at walang taong sasalo sa'yo. Let's just forget what happened, we have Gwen now mag simula na lang tayo ulit pero sa pag kakataong ito ay kasama na siya" tumango na lang ako dito at hinigpitan ang pag kakayakap sakan'ya.
Pagkatapos namin mag usap at ikalma ang sarili sabay naming tinabihan si Gwen. Niyakap ko ito kaya sumiksik naman siya sa'kin, simula nang gabing ito ipinapangako ko na lahat ay gagawin ko para sa ikakasaya naman naming pamilya.
.
.
."Mama? Daddy?" kinusot ko ang nata ko nang magising ako sa pangyuyugyog ni Gwen, nilingon ko naman si Brix na nagising na rin.
"Good Morning mahal" bati ko sakan'ya kaya hinalikan ako nito sa pisngi. Gano'n din ang ginawa niya kay Brix pero binuhat niya agad si Gwen at pinatong sa tiyan niya at kinaliti ito. Tawa naman ng tawa si Gwen kaya pati ako ay nadadala na rin sa kasiyahan niya.
"Mama, tulong HAHAHAHHA" napailing na lang ako dahil hindi na ata nito kaya ang kakatawa dahil sa patuloy na pag kakakiliti sakan'ya ni Brix.
"Tama na Brix, pinag papawisan na oh" saway ko rito, sinunod naman niya iyon at binuhat na si Gwen papasok ng Cr, mukha siya na ang sasama sa oag hihilamos at pat to-toothbrush ni Gwen. Inayos ko muna ang kama bago ako sununid sakanila.
"Gwen huwag kang mag laro ng tubig" pag babanta ko rito dahil pinatay bukas niya ang gripo.
"'Di nagalit Daddy, Mama." sinamaan ko ng tingin si Brix kaya may sinabi ito kay Gwen na siyang nag pahinto rito mula sa pag lalaro.
Lumabas ng banyo si Gwen pero hinayaan ko na lang ito dahil nakasara naman ang pinto ng kwarto at sigurado akong hindi naman niya kayang buksan iyon. "Brix.." banggit ko sa pangalan nito kaya napalingon naman siya sa'kin.
"Bakit?" inabutan ko ito ng towel pag katapos niyang mag hilamos.
"Malapit na ang birthday ni Gwen" natahimik ito sa sinabi ko, wala pa pala ako masiyadong naikukwento sakan'ya tungkol kay Gwen.
"Kailan? Should I invite a lot of kids? Anong gusto niya? Anong bibilhin kong regalo?" sunod sunod niyang tanong kaya pinakalma ko ito.
"Hindi ko naman sinanay si Gwen sa materyal na bagay kaya kahit anong bilhin mo ay ayos lang. Dalawang linggo na kang ay mag aapat na taong gulang na siya." lumabas ako ng banyo at binuhat si Gwen para dalhin na sa baba samantalang siya ay nakasunod naman sa'min habang nag iisip.
"Nay Solia?" hindi makapaniwalang saad ko, napalingon ako kay Brix pero nag kibit balikat lamang ito.
"Francine? Ikaw na ba 'yan? Nakong bata ka! Ang tagal mong nawala" kinuha ni Brix si Gwen mula sa'kin para makalapit ako kay Nay Solia. Niyakap ko ang matanda at gano'n din ang ginawa nito sa'kin.
"Namiss ko ho kayo" hindi ko napigilang umiyak habang yakap yakap ito, masiyado talagang malapit sa'kin ang matanda kaya ganito na lang ako kung maka reak.
"Sino ang magandang batang iyan?" tanong nito sa'kin habang hinihimas ang ulo ko.
"Ah si Gwen po Nay, a-anak po namin ni Brix" nanlaki ang mata nito at pabalik balik ito sa aming tatlo.
"Nay Solia, huwag niyo na ping tanungin ang nangyari ang mahalaga ay magkakasama na kaming tatlo." singit ni Brix, hindi ko rin naman kasi kayang sabihin dito ang nangyari sa'min sa isla kaya mas mainam na siguro iyon.
"Mabuti at mag kaayos na kayo, ang daming taon ang nasasayang sainyo kaya sana naman ay tumigil na kayo kakaaway. O siya umupo na kayo sa hapag kainan dahil nakapag luto na ako ng agahan, at ikaw iha, halika gusto kitang mahawakan." noong una ay nag tataka pa si Gwen pero nung tinanguan ko ito ay lumapit din siya sa matanda.
"Huwag nang mag pabuhat anak, tiyaka Nay Solia gan'yan po talaga iyang si Gwen. Masiyado po siyang malalapit sa matanda at malambing, halata naman po siguro na gustong gusto ka Nay." sabay sabay kaming nag punta sa kusina para kumain, ang ibang bagay ay naikwento ko kay Nay Solia pero ang tungkol kay Nanay at kay Seah ay hindi ko na binanggit.
BINABASA MO ANG
Chasing You
General FictionIf someone chooses their dream over you and comes back after three years, will you still accept them? Francine Yvon Alegre-Salazar, everything a man seems to want is already in her. Smart, beautiful, and kind, in other words, she was perfect. She ev...