Trente-quatre

82 2 0
                                    

"Umupo ka muna" kahit punong puno ng galit ang puso ko, ginawa ko ang inuutos niya.

"Hindi mo pwedeng bilhin ang islang 'yon, Brix. Walang nag mamayari no'n kaya imposibleng may mag benta sa'yo." deretsong saad ko rito, ayoko nang paikutin pa ang lahat dahil hindi ko makayanang makasama siya sa iisang lugar.

"I can do that if you'll accept my offer" sagot nito sa'kin bago umupo sa kaharap kong upuan.

"Sabihin mo na kung ano 'yon nang matapos na ang pakay ko rito." ramdam ko ang talim ng pag kakatitig nito sa'kin kaya gumagawa ako ng paraan para hindi mag tama ang mata naming dalawa.

"Daddy wants us to be back together" deretsong saad niya na siyang ikinagulat ko, tatlong taon na ang lumipas at wala na akong balak makipag balikan pa sakan'ya. Masiyado nang naging masalimuot ang buhay ko kasama ito, natatakot na akong buksan muli ang puso ko para sakan'ya.

"Nahihibang ka na ba? Hindi ako papayag!" napatayo pa ako dahil sa pag taas ng presyon ko.

"Daddy will retire soon, hindi ko makukuha ang mana ko hanggat hindi kita naipapakita sakan'ya." seryosong saad niya na sarkastiko kong tinawanan.

"Hindi ko na kasalanan 'yon, tiyaka mayaman ka na 'diba? Hindi mo na kailangan ng pera mula s-sa Daddy mo" nag dalawnag isip pa ako kung Daddy rin ba ang itatawag ko sa tatay nito.

"Madali lang naman akong kausap, Francine. Bibilhin ko ang isla kung ayaw mong gawin ang gusto kong mangyari." tumayo ako at akmang maglalakad patungo sa pintuan para umalis na pero naramdaman ko ang pag pulupot ng isang kamay niya sa bewang ko mula sa likod at ang pagtakip nito sa ilong ko gamit ang panyo.

Sa ginawa kong pag langhap unti unting nanghina ang katawan ko at napapikit na para bang bigla akong inantok.

"You made me do this" mahinang bulong niya sa tenga ko at unti unti na ngang dumilim ang paligid.
.
.
.

Nagising ako sa pamilyar na kwarto, ang disenyo ay nanatiling gano'n pati na rin ang mga gamit ay nanatili sa puwestong kinalalagyan nito na para bang hindi lumipas ang tatlong taon. Napabaling agad ang tingin ko sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si Brix na may daladalang pagkain.

"Bakit mo ako dinala rito?" tanong ko sakan'ya pero hindi ito sumagot sa tanong ko.

"Kumain ka na" malamig at seryoso nitong saad, siya pa ang may ganang maging antipatiko samantalang siya ang may ginawang masama.

"Aalis na ako! Bakit mo ba kasi ako dinala rito?!" inalis ko ang kumot na nakabalot sa bewang ko at akmang baba na sa kama pero mabilis nitong nahawakan ang magkabilaang kamay ko at idiniin ako pa higa sa kama.

"Huwag mo akong susubukan, Francine." ang Brix na kilala kong malambing at malambot ang puso pag dating sa sa'kin ay nawala. Hindi ko maintindihan ang emosyon nito dahil nahaharangan iyon ng isang mabigat na awra.

"A-Ano ba?!" nahihirapan kong saad habang sinusubukang kumawala sa pag kakakulong niya sa'kin. "Bitiwan m-" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sinakop na nito ang labi ko. Hindi ko magawang lumaban o itulak ito palayo sa'kin dahil masiyado akong nalulunod sa pag kakahalik niya. Tumagal ng isang minuto ang pag kakahalik nito sa'kin bago niya ipinag dikit ang noo naming dalawa.

"Hindi ako tumigil sa pag hahanap sa'yo, hindi ko inakala na sa isang isla lang pala kita makikita" mahina nitong sabi, muli akong hinalikan nito ngunit mabilis lang ding bumaba iyon patungo sa leeg ko. Hindi ko na iwasang mapadaing sa biglaang pag kagat at pag kasipsip niya sa leeg ko. "Eat" mahina nitong saad sa tenga ko bago umalis sa pag kakapatong sa'kin. Nanatili akong nakatulala hanggang sa tuluyan na nga siyang makaalis sa kwarto namin.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon