"Welcome back po Ma'am" masayang bati sa'kin ng mga staffs ko. Mabuti na lang at hindi nag karoon ng problema noong mga panahon na wala ako, sa katunayan nga daw ay puro magagandang bagay ang nangyari. Nawala man ang anak ko, nanatili itong swete sa buhay ko kahit hindi man lang kami nag kasama ng matagal.
"Kumusta kayo?" tanong ko sakanila.
"Ayos naman po kami Ma'am, kami ho dapat ang nangangamusta sainyo." sagot ni Kritine.
"Kayo talaga, oo na sagot ko na ang lunch niyo para mamaya." sabay sabay silang nag sigawan ng sabihin ko iyon, magandang paraan na rin siguro ito para iparating ang pasasalamat ko sakanila.
Papasok na sana ako sa office ko ng bigla akong tawagin ni John. "Ma'am! Excuse me po." nilingon ko ito samantalang agad nitong inilahad ang calling card sa harap ko na tinanggap ko rin naman. "Galing ho iyan sa Principal ng huling school na nag punta rito, kung natatandaan niyo man ho. May Foundation raw po for senior highschool at inaasahan niya po kayong dumalo." pinagmasdam ko ang calling card bago ako mag pasalamat sakan'ya.
Tinawagan ko ang numerong nakalagay sa maliit na papel na iyon at hindi pa man tumatagal ang pag ring ay may sumagot na agad.
"Francine? Ikaw na ba 'to?" lumawak ang ngiti ko dahil sa pabungad na tanong nito mula sa kabilang linya.
"Sir?! Pasensya na po at ngayon lang ako nakatawag." pag papaunmanhin ko lalo na't hindi ko alam kung kailan pa ito bumisita sa museum at iniabot ang calling card sa staff ko.
"Don't worry, it's okay. Tatlong araw pa lang naman kasi ang nakalipas simula noong bumisita ako sa museum mo, nakakalungkot lang dahil nasa bakasyon ka pala. After two weeks magsisimula na ang foundation ng mga eatudiyante, pinangakuan mo ako last time kaya sana mapag bigyan mo na ako ngayon" siguradong nag expect talaga ito sa'kin ang kaso ay hindi ako nakapunta kaya naman sisiguraduhin ko na sa pag kakataong ito.
"Sige po, sigurado na ako sa pag kakataong ito Sir. Sorry po ulit, nag ka problema lang po kaya hindi kami naka punta ni Brix." narinig ko ang pag buntong hininga nito sa kabilang linya na siyang nag paguilty sa'kin lalo.
Saglit pa kaming nag kwentuhan hanggang sa tuluyan ko na ngang naibaba ang tawag. At 1pm nag paalam na ako sa staff ko para pumunta sa office ni Brix at nang mabalitaan ko ito tungkol sa magiging lakad namin after two weeks.
Dumaan ako sa coffe shop malapit sa company niya para bilhan ito ng kape at tinapay, ilang beses niya na rin kasing binabanggit sa'kin ang shop kaya panigurado akong nagustuhan niya ang tinapay doon.
Lahat ay pinatake out ko para gawin naming meryenda ni Brix, katatapos lang din kasi ng lunch baka busog pa 'yon pero ang coffee naman ay walang pinipiling oras pag dating sakan'ya dahil iinumin at iinumin niya parin.
"Thank you po Ma'am, balik ho kayo." nginitian ko ang babae bago tuluyang lumabas pero bigla na lang nanlaki ang mata ko nang makita ang isang bulto ng tao na ayaw ko ng makita pa ulit pero nandito sa harapan ko at malalim ang pag kakatitig sa'kin.
Hindi na ako nag abala pang kausapin siya, patakbo akong nag lakad, ginawa ko ang lahat para malayuan ito pero gano'n na lang kabilis ang lahat dahil nahagip na nito ang braso ko. "Hu-Huwag, biti-wan mo'ko!" takot at puno ng pangamba kong saad at pilit na tinatanggal ang pag kakahawak nito sa'kin.
"Francine, makinig ka sa'kin. Wa-Wala akong balak na hawakan ka ulit pero sana pakinggan mo muna ang side ko bago ako tuluyang sumuko." umiling iling ako at kasabay no'n ang pag tulo ng luha ko. Hindi ko makayanan na mapalapit sakan'ya dahil natatakot ako na baka may gawin nanaman itong hindi maganda.
"Bitiwan mo 'ko Clark! Alam mo kung anong ka-kayang gawin ni Brix sa-sa'yo!" nang bitawan ako nito ay akmang tatakbo na ako palayo pero bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko na siyang pinagtaka ko talaga. Nasabi na sa'kin ni Brix na tumakas ito at pinag hahanap na ng mga pulis, ang buong akala ko nga lang ay lumipad na ito patungong ibang bansa dahil sa airport siya huling nakita.
"Please Francine, hear me out please" pag mamakaawa niya habang mag kadikit ang dalawa nitong palad, may iilang tumingin na rin sa gawi namin kaya kahit takot ay inutusan ko itong tumayo at yayain papunta sa loob ng coffee shop para pag usapan ang gusto niyang sabihin.
"Ano bang kailangan mo?" marahan akong napakapit sa sling bag ko, nakikita ko pa lang siya ay bumabalik lahat ng nangyari sa'ming dalawa.
"Pasensya na sa nagawa ko, Francine..." tinignan ko ito na para bang hindi makapaniwala, hindi mapapalitan ng sorry ang pag a-attempt niya na gahasain ako.
"Hindi ko kailangan 'yang pag hingi mo ng tawad dahil kahit anong gawin mo hindi mawawala ang kasalanang nagawa mo. In fact, I really don't know why I let you to talk to me." galit at pag kadismaya ang nararamdaman ko, marami nang beses akong pinapahirapan ng mundo kahit wala naman akong ginagawang kasalanan at sa bagay na 'yon unti unti ko na ring inaayawan 'yung sarili ko.
"Na pagutusan lang ako, Francine. Hindi ko alam kung maniniwala ka o hindi pero ang totoo talaga ay napag utusan lang ako." sarkastiko akong napatawa dahil sa sinabi nito, walang taong matino ang susunod kapag ang ipinagagawa ay ang panggagahasa. Mukhang desente ito at imposibleng imposible na may gawing masama pero hindi nga talaga nababase ang ugali ng tao sa itsura.
"Kinakausap mo ba ako dahil gusto mong mangdamay ng ibang tao? Kahit ano pang sabihin mo wala akong balak na paniwalaan 'yon kasi isang beses na kitang pinag katiwalaan, akala ko kaibigan kita at akala ko ay naiintindihan mo'ko pero sinamantala mo lahat ng 'yon." mapait na pag kakasabi ko sakan'ya, kinamumuhian at pinandidirian ko ito. "Wala ng patutunguhan 'tong pinag uusapan natin, mas mabuti pang umalis ka na! Ba-Bago ko pa tawagan ang asawa ko pa-" hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil sa biglaang pag tayo nito, iilang customer din ang napatingin.
"Si Ithalia! Si Ithalia ang may pakana ng lahat, Francine. Tapos na ako sa kademonyohan niya na pati negosyo ko ay nagawa niyang sirain, gaya ng sabi ko wala akong balak na masama sa'yo... Gu-Gusto lang kitang balaan, hindi anghel ang kapatid mo at mas lalong hindi mo kagaya. Susuko ako sa pulis, Francine, hindi mo na kailangan mag abala pang tumawag sa asawa mo, mag iingat ka." gulong gulo ang isipan ko sa sinabi nito, kahit alam kong may kakaibang nararamdaman sa'kin ang kapatid ko hindi ko parin kakayaning isipin na magagawa niya iyon kay Clark.
Ilang minuto pa ako nag isip isip hanggang sa mapagtanto na kailangan ko pa palang puntahan si Brix. Malamig na ang kape na inorder ko, mabuti na lang at pupwedeng ipainit iyon. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala akong Clark na nakita sa labas, sana lang ay totohanin nito ang sinabing pag suko sa pulis. He attempted to rape me and I don't tolerate that. Maraming nag susuffer sa gano'ng krimen at alam ko ang takot na dinanas nila hindi man tuluyang nangyari sa'kin, mabigat parin sa dibdib.
Ang kaninang madilim na ulap na nag babadya pa lang sa ulan ay bumuhos na, agad akong pumara ng taxi pero hindi parin ako nakaiwas sa pag kabasa.
"Sorry po manong, nabasa ko ata itong sasakyan niyo." pinagpag ko ang damit at pinunasan ang sarili gamit ang panyo.
"Nako Ma'am ayos lang po, kasama naman ang gan'yan sa pag tatrabaho. Saan po ba kayo? Basang basa kayo, uso pa naman ang sakit ngayon dahil tagulan na rin." napangiti ako dahil sa kabutihan nito, kahit may iilang tao na nag sasabotahe ng buhay ko may natitira parin talaga na may mabubuting kalooban.
Sinabi ko ang pangalan ng company ni Brix at ligtas naman akong inihatid nito. "Nako Ma'am basang basa na po kayo" ani ng guard at mabilis lang din akong pinag buksan ng pinto para tuluyang makapasok sa loob.
"Ayos lang po ako Kuya" nakangiti kong saad, bumungad sa'kin ang lamig na nagmumula sa aircon. Pumunta na rin ako agad sa office ni Brix dahil nilalamig ako at nag babakasakaling may extra siyang damit.
Dahan dahan ko pinihit ang pinto at nakita ko itong nakatutok sa mga papeles. Ang gwapo talaga ng asawa ko, napapaisip tuloy ako kung ano anong mga bagay ang nagustuhan niya sa'kin. Siya kasi 'yung tipo ng lalaki na hinihiling ng mga kababaihan samantalang simple lang ako.
"Francine?" hindi na ako nagulat ng masama ang pag kakatingin nito sa'kin. Ayaw niya kasing nag papaka basa ako sa ulan dahil mabilis akong dapuan ng sakit. Kaso wala e, matigas ang ulo ko, basta ang mahalaga ay aminado ako.
"Malamig" nakanguso kong saad, marahan itong napapikit bago ako hilahin. Kumuha ito ng maliit na towel mula sa mini cabinet niya pati narin t-shirt. Tama naman ang pag aakala ko dahil may roon nga siyang extra na damit, hindi naman mawawala 'yon dahil kadalasang dito siya nag papalipas ng gabi.
"Get charged, mag kakasakit ka." sinunod ko ang utos nito. Nanatili ako sa office niya at sabay na rin kaming umuwi ng bahay.
BINABASA MO ANG
Chasing You
General FictionIf someone chooses their dream over you and comes back after three years, will you still accept them? Francine Yvon Alegre-Salazar, everything a man seems to want is already in her. Smart, beautiful, and kind, in other words, she was perfect. She ev...