Quatorze

74 3 0
                                    

Nagising akong masakit ang ulo dahil sa kaiiyak kagabi, madilim pa sa labas kaya siguradong madaling araw pa lang. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Brix na nakapapulupot sa bewang ko.

Lumabas ako sa cabin at humaplos sa balat ko ang lamig ng hangin. Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ng tabing dagat. "Napaka unfair ng mundo sa'kin" sabi ko sa sarili. Sariwa pa rin sa'kin lahat ng nangyari kagabi, pakiramdam ko ay umaapaw na lahat ng naipon kong tampo kay Brix dahil sa higad na Tina na 'yon.

"You're up early" awtomatiko akong napalingon sa lalaking nag salita mula sa likod ko.

"Ahm?" nagtataka ko itong tinignan, hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko rin naman ito kilala, kung naging kaklase ko man ito siguradong hindi kami close. Pinigilan ko rin ang sarili na itanong kung feeling close ba siya.

"Oh, I'm Clark pinsan ni Daniel, Daniel Culver." napatango ako at muling binalik ang tingin sa dagat.

"You're Francine, right?" tumabi ito sa'kin at tinuon din ang tingin sa dagat.

"Pa'no mo ako nakilala?" tanong ko dahil maaga kaming umalis ni Brix kagabi kaya hindi ko na naabutan ang pagpapakilala ng mga kasa kasama ng kaklase ko.

"I heard your name nung nagaaway kayo nung Tin? Tuna? Tina? Kung sino man 'yon" sagot niya, mabilis kong naibaling sakan'ya ang tingin nang bigla nitong ipinatong sa'kin ang isang jacket. "Malamig..." ani niya.

"Sorry pala do'n, hindi tuloy naging tahimik ang dinner." niyakap ko ang tuhod ko at nanubig nanaman ang mata.

"It's ok, hindi mo naman kasalanan 'yon" muli ko nananaman itong tinitigan ng may pagtataka. Hindi lang pala feeling close, manghuhula rin.

"Pa-Paano?" ngumiti siya sa'kin at pinagmasdan ko naman ang mukha nito.

"I heard you and that Tina girl in the restroom" nanatili itong nakatingin sa harap, matangos ang ilong at mapula ang labi nito kaya paniguradong maraming babae ang posibleng mag kagusto sakan'ya.

"Kung pwede lang na sabihin mo sa lahat ang tunay na nangyari paniguradong matutulungan mo talaga ako kaso tapos na e, masiyado na akong napagtulungan."

"Kaano ano mo ba ang humila sa'yo kagabi?"pati pala ang bagay na iyon ay nasaksihan niya. Speaking of Brix, napabuntong hininga ako dahil paniguradong magagalit ito pag nagising siyang wala ako sa tabi niya.

"Asawa ko, sige ha? Babalik na ako sa cabin namin." paalam ko rito pero hinawakan niya ang kamay ko nang akmang magsisimula na ako maglakad palayo. "Bakit?" tanong ko.

"You look sad, may alam akong parte ng islang 'to na makakapag pangiti sa'yo." gustuhin ko mang sumama ay hindi pwede.

"Sorry pe-pero kasi... Baka hanapin ako ng asawa ko, umalis pa naman ako ng hindi pa siya gising." tanggi ko.

"Don't worry, wala ka namang gagawing masama. It's 5am in the morning, siguro naman tulog pa ang asawa mo dahil alam ng katawan niya na wala siyang gagawin sa araw na 'to, did you forget that this vacation is considered as our rest day? Ibabalik kita pagkatapos kong ipakita sa'yo ang tinutukoy ko." napakagat ako sa labi at sandaling pinagisipan ang alok niya.

"Sige, basta sandali lang tayo ha?" ngumiti ito bago nag simulang mag lakad.

Nasa bandang unahan kasi ang mga cabin kaya kadalasang hindi nakikita ang likurang bahagi ng isla, nadadaanan namin ang mga puno at sumasalubong sa'kin ang sariwang hangin.

Nanatili kaming tahimik habang nag lalakad, hindi ako nakaramdam ng awkwardness sa pagitan namin dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa paligid. Pag pinagmamasdan mo pa lang kasi napaka peaceful at relaxing na.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon