22

94 9 2
                                    

Nagising ako ng masama ang pakiramdam,ang bigat bigat ng katawan ko,tinignan ko ang oras at 11 am na ng  umaga.

Pumunta ako ng cr at tinignan ang mga mata kong namamaga dahil sa kakaiyak ng walang tigil hanggang sa nakatulugan ko.

Naligo ako at inayos ang sarili.Nandito pa rin ako sa korea,nag pa book na ako para pabalik sa pilipinas,bukas ang alis ko.

Masakit pero wala akong magawa,walang nag sabing iwan ko siya,kasalanan ko ito,dahil yun lang ang naiisip ko para maabot niya ang pangarap niya.

Kinulong ko lang ang sarili ko sa kwarto na tinutuluyan ko kasama si molala,tahimik lang siya sa kama ko,malungkot din ata dahil iniwan namin ang daddy niya.

Nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng k drama sa tv,nakakatawa naman ang pinapanood ko pero, umiiyak ako.

Pinalis ko ang luhang tumulo sa pisnge ko,at pinilit na tumawa sa nakakatawang palabas na ito,pero walang pumapasok sa isip ko kung hindi ang pag iwan ko sa kanya.hanggang sa nakatulugan ko na naman ang pag iyak.

Gabi na ng magising ako,7 pm na,at mamaya ang alis ko  2 ng madaling araw.

Binuksan ko ang cellphone ko,ito na ang tamang oras para mag paalam sa taong mahal ko.

Sa taong,walang ginawa kundi mahalin ako ng totoo,at ito ako ngayon at sasaktan siya.

Pagbukas ko ng cellphone ko ay napahagulgul na ako,sunod sunod ang pag  tunog ng cellphone ko,lahat ng iyon ay galing kay jimin.

208 messages

Ang na received ko sa text niya,alam kung sinubukan niya rin akong tawagan pero hindi niya na ako ma contact dahil nakapatay  ang  cellphone ko.

My jimin
-baby,where are you ,im worried please,

My jimin
-baby please don't do this to me,im begging.

My jimin
-baby,you said you loved me right?

My jimin
-baby,comeback to me:'(

Isa lang ang mga iyan sa mga nabasa kos sa text niya,binasa ko lahat ng text niya habang patuloy sa pag agos ang mga luha ko.

Mas gugustuhin ko na lang ang maging ganito,para sayo mahal ko..

Balang araw makakalimutan mo rin ako.

Nanginginig ang mga kamay na nagta type ng makakasakit sa kanyang damdamin,halos wala na akong makita  dahil sa nakaharang kung mga luha,pinalis ko yun at nag type.

Me:
I'm having a break with you, I don't love you anymore, and I'm getting tired of you too. I am tired of the relationship we have.

Pag katapos kung senend iyon ay yinakap ko ang cellphone ko at umiyak ng umiyak.

Ilang minuto ang hinintay ko bago may dumating na messages galing sa kanya.

My jimin
-baby, do you have menstruation again? That hurts you, come back and let's talk about it! I'll wait for you in the park okay. I'll wait for you baby, I love you.

Tinakpan ko ang bibig ko ng sariling palad,habang pinipigilan ang sariling huwag ng umiyak,para akong sinasaksak ng paulit ulit sa puso ng mga mensahe niya.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko,parang wala na akong lakas para tumayo pa.

Iiwan ko ang taong mahal na mahal ako.
Sinasaktan ko lang ang sarili ko at siya.

Pero mas lalo akong masasaktan pag nakikita ko siyang walang buhay ang mga mata at hindi na masaya.

Pilit akong tumayo at kumuha ng jacket pumunta sa park kung saan ako hinihintay ni jimin,pag karating ko doon ay wala ng tao,maliban na lang sa taong nakaupo sa duyan,naka jacket ito na itim at may mask din ito,nakatukod ang dalawang siko sa kanyang mga binti at hawak ang cellphone,mayat maya ang tingin niya doon.

I will wait for you my lajimolala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon