Hindi ko alam kung ilang oras ako umiyak sa loob ng kotse ko,ng natigil na ako sa kakaiyak, nakita kong madilim na sa labas at kunting liwanag na lang ang natitira,kinuha ko ang susing nalaglag ko kanina,pagkataas ko ng paningin ay natigilan na naman ako,napatingin ako sa dalawang taong sabay maglakad,at tumatawa,masaya sila.
Mapait akong ngumiti,naramdaman ko na nag iinit na naman ang mata ko, bumuntong hininga ako at pinaandar ang kotse,tsaka mabilis na pinaharurot iyon.
Hindi ko pa kayang makitang may kasama siyang iba.Nasasaktan ako at parang dinudurog ang puso ko,alam ko naman na wala na akong karapatan,pero ang sakit din pala,makita siyang okey,samantalang ikaw ay hindi pa.
Akala ko ay para sa akin ang mga bisig na yun,nag aasume lang pala ako,alam kpng nakita niya ako ,dahil nakatingin din ako sa mga mata niya,malayo man ang distansya namin sa isat isa,alam kong sakin rin siya nakatingin,pero siguro nga hindi niya na ako maalala o hindi niya na ako mamukhaan,hindi na para sakin ang mga ngiting binigay niya kanina.Masaya na siya at wala ng bakas ng lungkot ang mga mata.
Para na sa babaeng iyon ang bisig na nahigitan ang pagmamahal ko para sa kanya.Hindi kona masyadong namukhaan ang dalagang iyon dahil sa kanya lang ako nag fucos.
Masaya na siya,hindi mo na kelangan bumalik pa,okey na siya,buo na ulit,wag monang sirain pa.
Napangiti ako.
"Siguro nga ito na yung tamang oras, para palayain ka,masaya kana sa piling ng iba,at hiling kong sana alagaan ka niya"bulong kong sabi,pinalis ko ang luhang tumulo sa pisnge ko.
Nakauwi na kami ni 'molala' pinakain kona mona siya bago tumuloy sa kwarto hinubad ko lahat ang suot kong damit at pumunta sa cr,para maligo,binuksan ko ang shower, napaka lamig ng tubig na iyon,sumabay sa pag tulo ng shower ang mga luha ko.Kahit na ang malamig na tubig ay hindi mapalis ang sakit na nararamdaman ko.
Hanggang kailan ba ako magiging ganito,ilang beses ba ako masasaktan ng paulit ulit bago ako maging masaya.
Binuhos ko ang lahat ng kakaiiyak ko sa gabing iyon, humahagulgul ako at napa upo sa tyles.
Sana bukas ay okey na ang lahat.
-----------
Dumating ang araw na pinaka hihintay ko,ang concert nila.
Hindi kona sinama si molala dahil,baka maipit lang siya doon,na kapag bihis na ako,jeans,at t shirt na may mukha ni jimin,may dala rin akong light stick.
Nasaunahan ako para kitang kita ko sila.
Nag simula ang concert nila at wala akong tigil kakasigaw ng pangalan niya,nagbabakasakaling marinig niya.Pero alam kung malabo iyon dahil sobrang ingay,dito,habang kumakanta sila ay sinasabayan naming lahat na itaas ang light stick na hawak namin.
Naluluha akong nakatingin sa masayang mukha niya habang nililibot ang paningin niya.
Masaya akong nakatingin sa kanya,sobrang gwapo niya tignan sa masayang mukha niya,walang bakas ng kalungkutan ang magagandang mga mata niya,dali dali kong kinuhanan ng video ng malapit siya sa gawi ko.
Nakangiti ako habang nakatingin sa cellphone,tinututok sa kanya ang camera.
Para sakin siya ang magaling na sumayaw,siya ang pinaka the best vocal,siya ang pinaka gwapong nakilala ko,para sakin ay siya lang ang pinaka at hindi mag babago yun.
Supurtahan ko siya hanggang sa huli,hanggang sa maabot niya ang inaasam niya na niniwala akong mapapit niya ng maabot yun.
Ng makarating siya sa harapan ko mismo ay tumingala ako sa kanya,nakatingin siya sa malayo,binuksan niya ng tubig na dala kasamabay ng chorus ng idol,ay pinaulan niya ang tubig na hawak niya samin,imbis na magalit ay sabay sabay pa kaming humihiyaw,nabasa ako ng kunti pero hindi ko ininda iyon,masaya akong tumingala sa kanya at nakita kung nakatingin din sa gawi ko ng malaki ang mga ngiti,sinamantala ko iyon ngumiti ako ng malaki at tinutok ang camera sa kanya.Sinamantala ko iyon at sinigaw ang gusto kong isigaw.
BINABASA MO ANG
I will wait for you my lajimolala (Completed)
Ficção AdolescenteIsang babaeng ng galing sa broken hearted, isang half pinay at half australiana mabait,maganda,at sexy ang dalagang nag ngangalang erica. Babaeng hindi inaasahang ma iinlove sa isang kpop idol at ang ngalan ay Park Jimin,di inaasahang dadating sa pu...