23

95 8 0
                                    

"hoy,akin yang kinuha mo!"inis na sabi ko kay bryan.

"Bakit!?..hindi mo pa naman nakakain ah?"nakangisi niyang sabi.nang aasar.

"Bwesit ka!binili ko yan eh!tinanong kita kanina kong gusto mo para dalawa ang bibilhin ko,you said ayaw mo!"naiinis kong sabi.

"Hayaan mona bes,parang hindi mo naman kilala yang gunggong na yan,simula ng makilala mo yan ei,hindi kana tinantanan, masyadong matakaw!"nakangising sabi ni eli.

"Wow,nag salita ang tabachoy,simula nung nakilala kita felingera kana.. feeling mo ang sexy sexy mo,eh wala ngang hubog yang katawan mo kasi ang taba taba mo!"ng aasar na sabi ni bryan.

"Anong sabi moo!!!!!!... S...inong mataba ha!!.."sigaw ni eli,tumayo siya at aambahang susuntukin si bryan ngunit nakatakbo ito."bumalik ka dito bwesit ka talagaa!!"sigaw niya pa at hinabol Ito.Natatawa ko silang pinanood.

Ilang taon na simula ng umalis ako sa korea,nakilala ko si bryan,siya yung nagbigay saakin ng panyo,siya ang naka kwentuhan ko sa eroplanong sinakyan ko,ng makarating kami sa pilipinas bago bumaba ng eroplano ay kinuha niya ang number ko dahil gusto niya daw akong maging kaibigan.Pumayag naman ako dahil alam kong isa siyang mabuting tao.

Hanggang sa silang tatlo ang naging sandalan ko ng makabalik ako dito sa pilipinas,si eli,leo at bryan ang gumabay sakin kong pano ulit bumangon.

Si leo na hindi rin umalis sa tabi ko,nakilala sila ng nakilala ng husto dito sa bansa,ang grupo na nila ang sikat na banda sa dito sa pilipinas,meron na rin siyang girlfriend,at mahal na mahal nila ang isat isa.

Ng umuwi ako sa dito ay ilang buwan akong hindi makausap ng maayos,sa kwarto lang ako at walang araw na hindi ko siya iniisip,pinutol kona kung ano man ang pweding maging koneksyon namin,pinatay ko ang cellphone ko at tinanggal ang sim,tinago ko iyon,at ayukong mawala.Pinalitan ko ang cellphone,sa kadahilanang marami kaming mga picture sa gallery na iyon.

Limang buwan ko bago naisipang walang patutuhungan ang buhay ko kong mag mumokmuk lang ako sa isang tabi,iniiwasan kong makibalita sa kanya,hindi ako nanonood ng video nila,binalaan ko rin ang tatlo na ayukong marinig kahit na anong tungkol sa kanya.

Pero kahit gawin ko iyon ay narito pa rin siya sa puso ko,4 years ko ng tinitiis na hindi siya makita. 2021 na ng november ngayon,dadaan na naman ang pasko at bagong taon na hindi ko siya kasama,bawat birthday niyang dumadaan ay sine celebrate ko mag isa,maging ang anniversary naming dumaan, 5 yrs na sana kami ngayon.

Walang araw na hindi ko siya naiisip,kahit na pilit kong inaalis siya sa isip ko ay bumabalik balik pa rin siya,si molala ay malaki na,malaking aso siya at tumaba na.

Araw araw kinakamusta ko siya sa isipan ko,kung kumain na ba siya?ayos lang ba siya?masaya na ba siya ngayon?may bago na ba siya?

Hindi ko maiwasang mapaluha pag sumasagi ang mga tanong na iyon sa aking isipan,dahil kahit ilang beses kong itanong iyon sa isip ko wala akong makuhang sagot,hanggang ngayon ay masakit pa rin para saakin ang ginawa ko,alam kona ang mangyayari saakin sa oras na hiwalayan at iwan ko siya, madudurog ako ng husto at hindi alam kung paano bumalik sa dati.

Nakatingin ako sa malawak na karagatan ng palawan,ang ganda ganda dito,malinis lahat at walang makikitang kalat sa paligid.

"You okey?"tanong ni leo sakin.

Bumaling ako sa kanya  at tumango.

"Hmm,why?"

"You look sad,again?"nakanguso niyang sabi.

Nasa isang bakasyon kaming mag kakaibigan,hindi sinama ni leo ang girlfriend niya dahil kami lang apat ang pwede.andito kami sa isa sa mga cottage.Maganda ang nakuha naming pwesto dahil makikita mo ng kabuuan ng dagat,presko din ang hangin,nahagip ng mata ko si molala na nakikipag laro kay eli at bryan sa tabi ng dagat,napangiti ako.

"No,im just thinking"tanggi kong sabi.

"Hyss erica,hanggang ngayon ay hindi ka parin marunong umarte...Galingan mo naman."nakanguso niyang biro sakin.

Tumingin ako sa kanya,siguro tama nga siya,kahit na anong pilit kong tago sa nararamdaman ko ay hindi makatakas sa mga mata ng mga kaibigan ko,alam nila kung kelan ako masaya o malungkot.

Kaya nga pilit nila akong pinag lileave ngayon sa trabaho ko,dahil pinapagod ko daw ang sarili ko,hindi naman sa pinapagod ko ang sarili ko,sadyang gusto ko lang mag trabaho ng mag trabaho at kumita ng pera,bumalik ako sa pagkukuha ng kleyente,tuwang tuwa ang mga ka team ko noon ng bumalik na ako,kahit ako ay na miss ko ang trabahong iyon.

"Hindi ako magaling mag tago ng nararamdaman eh,kung pwede lang kalimutan ang lahat ginawa kona ,kung pwede lang,tanggalin ang sakit na nararamdaman ko,ginawa kona"pilit na ngiting sabi ko sa kanya"kaso hindi eh,hindi siya maalis sa isip at puso ko,siya lagi ang laman nito,"malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko,dahil ramadam kong namamasa na ang mga mata ko"habang siya ang laman nito,patuloy akong nadudurog araw araw....nakakapanghina"mapait kung sabi.

Dagdag ko pa at tumulo na ang luhang pinipigilan ko,mabilis kong pinalis iyon at ngumiti ng pilit sa kawalan.

"Iba ka talaga magmahal rica,wala kang tinitira sa sarili mo,lahat binibigay mo,bandang huli ikaw rin ang nasasaktan"nakanguso niyang sabi.

"Oo,dahil sinaktan mo rin ako!"nakanguso kung sabi sa kanya.nanlaki naman ang mga mata niya.

"A-ah,oo nga pala,hehehe"nakanguso niyang sabi.natawa ako sa reaction.

Bumaling ako sa napakagandang dagat at iniisip na naman siya,ang masaya niyang mukha,ang mga ngiti niyang nakakapanghina,ang mga halik niyang gustong gusto ko,ang pag tawag niya saking baby,ang paulit ulit niyang sinasabi sakin ngunit hindi nakakasawang pakinggan, i love you baby.

"Miss na miss kona siya"bulong ko.

"Bakit hindi mo siya  puntahan kung ganoon"biglang tanong sakin ni leo.

Bumaling ulit ako sakanya at nakita kong pinaglalaruan niya ang bibig ng baso na may lamang alak sa mga labi niya.

"Mahal mo pala,bakit pinipigilan mo ang sarili mong makita siya?bakit pilit mong sinasaktan ang puso mong nagmamahal?..erica.. wala akong makitang dahilan para saktan mo ng ganyan ang sarili mo,para saan ba ang sinasabi mong sakripisyo?diba para sa kanya iyon,bakit kelangan mong lumayo sa kanya?..sa taong mahal mo..kung mahal ka niya tiyak kong durog na durog din siya..nag durusa sa pagkawala mo,,,sinasaktan mo ang puso niyong dalawa erica..wag mong pigilin ang sinisigaw ng puso mo at sundin ito..kung gusto mo siyang makita--go..wag mong kukontrulin huwag mong pigilin ang sinisigaw ng damdamin mo,piliin mo namang maging masaya."seryoso niyang sabi sakin.

Nakatitig lang ako sa kanya pinag iisipan ang mga sinabi niya,tama siya sinaktan ko ang taong mahal ko,pero para rin sa kanya iyon.Ayuko lang naman na dumating sa point na kelangan niyang mamili sa huli,kong ano ang pipiliin niya.

Gusto kong matupad niya ang pangarap niya at wag iwanan ito.

Napanood ko lahat ng video niya,kung paano niya kamahal ang pag sasayaw,kung paano niya gustong sumikat.Ngayon ay unti unti niya ng nakakamit ng walang pumipigil sa kanya.

Tama si leo,huwag kong pigilan ang gusto ng aking puso at sundin ang sinisigaw nito.

Babalik ako jimin

Ngunit hindi para guluhin ulit ang buhay mo,babalik ako dahil gusto kong makita kung hanggang saan na ang naabot mo,babalik ako para makita ang sinakripisyong dumurog sa ating dalawa.

Continued.....

I will wait for you my lajimolala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon