sampo

214 11 1
                                    

Liza

Isang linggo ang nakalipas ng makatabi ko sa pag tulog si luke sa kwarto ko,naiilang ako sa kanya,kahit hindi naman dapat dahil wala akong maalala,pero sa tuwing makikita ko siya ay parang may ginawa ako sa kanya na dapat kong ikahiya,pakshet lang dahil diko matandaan!!.ang nakaka asar pa sa tuwing mag tatama ang mga mata namin ay nakangisi siya sakin na animo'y ng aasar.

Kulang na lang ay iuntog ko ang sarili ko para maalala ang mga ginawa ko nung gabing iyon,inalog alog kona pero wala talaga!

"Come here! Snow!!"sigaw ko ng nag tatakbo siya sa garden habang pinapaliguan ko siya.

Basa na ko at puro bula na ang damit ko.

Arf* arf*

Tumatahol siya pabalik sakin na ikinangiti ko.

"Tsh wag kang makulit pinapaliguan ka ni mommy,okey"nakangiti kong sabi.

Nasa ganon akong sitwasyon ng lumabas ng bahay si luke,naka black shirt siya at jeans,simple lang ang suot niya pero halatang may pupuntahan.

Binigyan niya lang kami ng isang sulyap at nag tuloy tuloy sa pag lalakad.

"Where are you going?"nakangiting tanong ko.

Makulit kasi si snow kaya tatawa tawa ako habang kinukuskos ang mga balahibo niya,huminto siya at tinignan ang phone niyang tumunog.nakakunot ang noo at bakas sa itsura ang inis.

Napanguso ako, paniguradong iinom na naman to at mambabae.

"So where are you going nga?"ulit kong tanong.

Tinignan niya ako ng ganon parin ang itsura nakakunot ang noo,para bang pinaparating na wala akong karapatang mag tanong.

Muli siyang sumulyap sa kanyang cellphone dahil tunog na tunog iyon,paniguradong bagong girlfriend niya iyon.kinululit siya.

Madalas kong napapansin na gabi na siya kong umuwi sa bahay at amoy babae siya palagi,lagi din siyang may ka text sa phone niya.

Nilapag niya ang cellphone niya sa maliit na lamesang nasa terris at inayos ang pag kakasintas ng sapatos niya.

"why do you care!?"inis na sagot niya.

Napanguso ako at napairap.

"Wala naman nag tatanong lang ei"sagot ko.

"Tsh,ang mabuti pa,ang gawin mo lang ay mag trabaho dito sa bahay,at wag kang makialam sa mga gagawin ko!"inis na sabi niya.

Napairap na lang ako,sanay na ako sa pag bubunganga niya,kahit na masakit ay dinadaan kona lang sa biro.

"Sino ba may sabing may pakialam ako!!tinatanong lang kong san ang punta mo,ang dami mo ng sinabi!"inis na singhal ko.

Pero ang totoo gusto kong malaman kong san siya pupunta,kong sino ang bago niyang babae.

"Sa bar, kasama ang mga kaibagan ko,wag mona akong hintayin,matulog kana ng maaga"

Napangisi ako ng bahagya,nakaramdam ng tuwa dahil sinabi niya kong saan ang punta niya.Umirap ako tsaka nag salita.

"Ha!sasabihin mo rin pala kong san ka pupunta ang dami mo pang sinasabi,tsk!!"singhal ko sa kanya.

Napatanga naman siyang nakatingin sakin,di makapaniwala sa sinabi ko.

"What!?"

"Wala"

"Whatever,"masungit niyang sabi at nag lakad na papunta sa kotse niya.

My Legal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon