Akala ko nakalimutan na nya pero hindi pa pala hanggang ngayon may pwesto pa pala si Jessie sa puso ni Harvey.. bakit ganun kahit sobrang sakit na ng ginawa ni Jessie sa kanya di parin nya makuhang kalimutan ito, talaga bang mahalaga si Jessie kanya?? Naalala ko dito sa park na ito una kong nakita si Harvey na Umiiyak nun pinagtawanan ko pa nga siya nun kasi sobrang iyak nya nun parang bata na inagawan ng kendi. Dito ko din sya sinagot nun ang saya pa nga namen saksi ang lugar na ito sa kasiyahan nangyari saken.. Pero.... Saksi din ata ito sa kalungkutan ko ngayon.
"Sachie!!"
Agad ko pinunasan ang mga luha ko sa mata ng may narinig ako tumawag sa akin.
"Tama nga sila dito nga kita makikita.. Sachie sorry di ko sinasadya na masaktan kita.."
"Tsk... Nagpapatawa ka ba?? Tatawa na ba ako Harvey"
"Sachie maniwala ka man oh hindi di ko talaga sinasadya na saktan ka ayoko dayain ang puso ko, pero siya pa din hanggang ngayon laman ng puso ko "
"Putcha naman oh Harvey tigilan mo nga pagsasabi mo saken na di mo sinasadya na di ako saktan... Ano tingin mo ngayon di mo ko nasasaktan harvey tinanung kita una pa lang kung mahal mo ko kung wala na ba talaga pwesto si Jessie dyan sa puso mo.. Dahil alam mong ayoko maging rebound lang pero ano ito!!! Harvey bakit mo ginawa sa akin ito bakit!!!!???"
Di ko na napigilan umiyak dahil sobrang sakit na nararamdaman ko... sobrang sakit na talaga .
"I'am sorry Sachie di ko talaga sinasadya"
Pak!!!!
"Tama na Harvey nasaktan mo na ako.. Sana masaya ka sa ginawa mo sa akin".
Agad na ako tumalikod at tumakbo ayoko na makita pa siya sobra na ako nasaktan..
*************************