10

3 0 0
                                    


"Ely!! "

"Oh Jessie ikaw pala bakit??"

"Nakita mo ba si Harvey? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan kaso di niya sinasagot"

"Naku Jessie di ko alam kung nasaan siya di nga siya nag practice ngayon"

"Ah ganun ba?? Akala ko pa naman andito siya.. Ah sige hanapin ko na lang siya"

"Oh sige Jessie geh una na ko may lakad pa kasi kame ni Louise

"Ah ganun ba Sige.. paki kamusta na lang ako kay Louise"

"Oh sige makakarating"

Jessie POV

Asan na kaya yun bakit kaya di nya sinasagot mga tawag ko  Harvey asan ka na ba...


Garden

Bakit ba naging ganyan ka nung malaman mo na darating si Jessie siya parin ba ang laman ng puso mo?? Wala na ba talaga ako pwesto dyan sa puso mo kaya ba agad ka humingi ng space sa akin kasi darating sya... Harvey  bakit mo nagawa sa akin ito  ang sakit sakit sa isang iglap lang nagbago ka na.

"Oh panyo"

Agad ko kinuha ang panyo para punasan ang mga luha ko at  tingnan kung sino nagbigay ng panyo.

"Mommy!!"

Agad na tumabi sa akin si Mommy.

"Alam mo anak May mga pangyayari sa buhay na di mo inaasahan, maaaring may bumabalik para itama yung mga pagkakamali, kumbaga may closure muna bago ka magsimula ng panibago.

"Di ko po kayo maintindihan mommy?"

Agad tumingin sa akin si  mommy pinunasan nya yung konting natirang luha gamit ang isang daliri nya bago sya mag salita.

"Alam ko anak may problema ka at ito yung dahilan (sabay turo sa puso ko)
Kahit di ka mag kwento sa akin  nararamdaman ko yun kasi mommy mo ko"

Agad ako nagsalita na para bang gusto ko magsumbong.

"Bakit ganun mommy di pa din nawawala yung feelings nya dun sa Ex nya kahit na sinaktan siya nito mahal parin nya"

"May mga bagay talaga na hindi agad mawawala lalo na kung ito ay tungkol sa taong mahal mo"

"Pero sinaktan siya nito... at tanging ako yung tao na andyan sa tabi nya ng sandaling iniwan sya ng taong mahal nya".

"Alam mo nak kung ikaw man yung nasa tabi ni Harvey ng sandaling iniwan sya ni Jessie bakit nung bumalik si Jessie di ka na napansin ni Harvey??"

"Mommy di nga kaya ako minahal ni Harvey?"

Di ko na napigilan ang pag bagsak ng mga luha ko bumabalik ang mga sakit na nararamdaman ko.

"Sshh.. tama na anak si Harvey lang ang makapag sabi nyan, pero base naman sa nakita ko nung kayo pa masasabi kong minahal ka nya kita ko sa mga kilos nya"

Agad ako niyakap ni mommy pagkatapos niya sabihin iyon agad naman ako napa isip Minahal nga ba talaga ako ni Harvey oh ginawa lang niya ako rebound para takpan ang sakit ng nararamdaman nya nung iwan sya ni Jessie.

Present Vs PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon