6

22 0 0
                                    

"Dito na po ako.."

"Oh ikaw pala hija buti naman naka uwi ka na.. kanina pa nag aantay yung bisita mo andun sya ngayon sa pool area."

"Sino naman po yun Yaya?" Walang gana kong sagot.

"Puntahan mo na lang tiyak matutuwa ka". Sabay niyang sabi.

Agad naman ako pumunta sa pool area, sa di kalayuan may natanaw na akong babaeng naka talikod siya mukhang pamilyar siya sa akin laking gulat ko ng humarap na sya..

"Jessie!!".

Ano ginagawa nya dito bulong ko sa sarili ko.

"Hi Sachie musta na bestie..". Bati nya saken

"Okey lang naman ako ikaw ba?? Kailan ka pa umuwi??" wala kong gana sabi sa kanya.

"Okey lang naman ako bestie nung isang araw lang ako dumating magbabakasyon lang ako dito. teka mukhang di ka ata masaya makita ako kakatampo naman yan".

Kung alam mo lang talaga Jessie di talaga ako masaya na andito ka na dahil sayo nagbago ang lahat, ang pagmamahal ng taong matagal ko nang gusto nawala ulit at iyon ay dahil sayo.. bulong ko sarili ko.

"Di naman sa ganun bestie masama lang pakiramdam ko kaya wala ako sa mood ngayon pasensya ka na ah.." Palusot ko sa kanya.

"Ah ganun ba?? Wrong timing naman ako... lahat ata kayo mga may ginagawa oh di kaya wala sa mood, Sila Louise at Ely may date, si Kyle may gagawin, Si Harvey naman may hahanapin daw..  haist mga busy talaga kayo".

"Ah ganun ba?? Yaan mo magkaka time din kame at kung magkaroon man labas tayo tulad ng dati"

"Talaga!!!" Sabay ngiti nya

"Oo naman"

"Pero..." Biglang lungkot naman nya.

"Oh bakit bigla ka naman nalungkot dyan May problema ba??" Tanong ko sa kanya.

"Di ko lang alam kung ano yung naramdaman ko kanina nung nagkita kita kame kaninang lima sa gate".

"Bakit ano ba nangyari kanina??" Pagtatakang tanung ko.

"Magkasama kame ni Harvey kanina nang makita namen sila Louise at Kyle na may hinahabol na Taxi tapos lumapit kame sa kanila pag lapit namen sa kanila biglang sinampal ni Louise si Harvey.. Sachie may tatanung ako sayo".

"Ano naman yun??", pag upo ko sa upuan

"Nung naghiwalay ba kame ni Harvey may naging Girlfriend sya??".

"Bakit mo naman natanung yan??".

"Kasi pagkatapos sampalin ni Louise si Harvey may nasabi si Louise". Habang paupo din sya na malungkot na.

"Ano naman yung nasabi ni Louise??".

"Kung masaya na daw ba si Harvey sa ginawa niya".

"Jessie Mahal mo ba Si Harvey??" Agad kong tanung sa kanya.

"Oo naman.. Mahal na mahal ko siya". Sagot niya sa akin.

"Kung Mahal mo siya bakit mo siya iniwan??".

"Alam mo naman sagot dyan di ba".

"Pero kahit na pede ka naman mag iba ng course di ba?? Pero bakit tinuloy mo pa din.."

"Alam mo naman na gusto ko maging Fashion designer di ba??"

"Second choice mo lang naman talaga yan di ba?? Gusto mo maging isang Chef kasi gusto mo same kayo ni Harvey".

"Pede naman magbago yun di ba??".

"At alam mo din na pede rin magbago ang nararamdaman ni harvey sayo.." Di ko alam kung bakit ko nasabi sa kanya yun.. siguro dahil na din sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Present Vs PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon